BRIELLE POV
Malapit na mag start ang second semester kaya naman wala na kaming ibang ginawa nila Kath at Iris kundi mag inom ng mag inom para sulit ang semestral break.
"Nandyan na yata yung order." Sigaw ko sa kanilang dalawa.
"Get it na, Brielle." Maarteng sabi ni Iris habang nag lalagay ng cream sa muka.
"Ulol bat ako kukuha, card ko na nga ginamit natin e. Kuhain niyo yun dun." Tigas ng muka ng dalawang to.
"I'm not done pa doing my skin care oh!"
"Letche Iris! Isang oras kana jan, wala ng mababago jan sa muka mo." Binato pa ng unan ni Kath si Iris bago tumayo at kuhain ang order namin sa pintuan.
"Ang dami naman inubos niyo yata yung laman ng card ko e!" Daig pa namin bibitayin sa dami ng pag kain.
"Okay lang yan for sure lalagyan naman ulit yun ni Tito Clyde." Sabi ni Kath saka kumuha ng isang slice ng pizza.
"Sure na ba ikaw about taking up architecture?" Singit ni Iris sa usapan saka kumuha ng chicken joy.
"Oo naman, kayo lang naman ni Aria gustong mag doctor duh! Diko papahirapan sarili ko, sa landi kong to baka jowain ko nalang lahat ng gwapong pasyente." Napailing nalang ako sa pinag sasabi ni Kath.
"When ka kaya titino? Buti pa ako focus na sa isang lalaki." Nag flip hair pa si Iris.
"Edi sana all may Travis na, lintek naman kasi si Galvin sayo may gusto." Iritang sabi ni Kath kaya natwa kaming dalawa sa kanya.
"Selos ka naman." Pang aasar ko.
"Wala sa vocabulary ko yung salitang selos, Brielle! Dami daming lalaki kung ayaw sakin, ayoko din duh!" Nag kibit balikat nalang ako saka kumuha ng pizza.
Nag vibrate yung phone ko kaya naman agad ko yung kinuha para tingnan kung sino ang nag message. It was Brix, nag paalam na on duty na daw siya.
After nung birthday ko bihira kona lang din makasama si Brix dahil busy sa hospital. Pero mas kinatuwa kopa yun, I know nagiging unfair na ako sa nararamdaman ko for him pero diko alam paano ako kakawala. Hindi din mawala sa isip ko yung eksena ni Zach at Vanessa.
Kinabukasan maaga kaming gumising para pumunta sa school, kuhaan na kasi ng schedule namin.
"Nag padeliver ba kayo?" Takang tanong ni Kath, paano ang aga aga may nag dodoor bell na agad.
"Hindi ako umorder ng kahit ano." Sagot ko.
"Me too!" Sagot din ni Iris. Ako na ang nag bukas at agad nanlaki ang mata ko ng makita si Drein at Galvin na nasa labas ng pinto ng condo.
"Ginagawa niyo dito?" Nag tatakang tanong ko sa kanila.
"Good morning!" Masayang bati ni Drein sa akin, dati normal lang sa akin to e, pero simula nung umamin siya sa akin hindi na normal lahat e.
"Mga manliligaw niyo pala yung kumakatok." Pang aasar ni Kath kaya agad ko siyang tiningnan ng masama.
"Why so early?" Tanong ni Iris sa kanila.
"Kasi maaga kuhaan ng schedule diba? Dumaan na kami para sabay sabay na tayo." Simpleng sagot ni Galvin. Nag tinginan pa kaming tatlong babae saka kinuha yung bag namin. Sa kotse kami ni Galvin sumakay since naka motor si Drein.
Pag dating namin sa school nandun nadin sila Kade, Aria, Lionel, Lorh, Carter at Elaina. Himala ang aaga din nila.
"Good morning mga ate at kuya!" Masayang bungad ni Kade.
![](https://img.wattpad.com/cover/227336326-288-k392876.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing Dreams
RandomStory of a two girls na mag kaiba ang pananaw sa buhay, mag kaiba ang paniniwala at mag kaiba ang mga bagay na pinaniniwalaan. Pero ang pag kakaiba ba nila na yun ang mag tutulak sa kanila para maging the best of friends o ang mag uudyok lalo para k...