CHAPTER SEVENTEEN

12 1 4
                                    

KADE POV

Agad kaming bumiyahe papuntang hospital na pinag dalhan sa mga students ng Windsor. Pag dating namin dun nag kakagulo sa loob ng hospital, nakita ko din sila mommy mula sa malayo na nag wawala na saka si Tita Lhia.

Ang dami ding pasyente ang nag papadaan daan sa harapan namin, sa pag kakaalam ko halos 150 na chosen students ang nakasama tapos may sampo yatang professor silang kasama din.

Siguro halos wala pang 200 ang sakay nung plane na ginamit nila.

"Ang gulo naman ng hospital na'to." Reklamo ni Lionel na panay ang linga ng ulo.

"We need to do something!" Sigaw ni Kuya Zach.

"Ano naman gagawin natin? Ehh yung school nga wala pading alam kung anong gagawin." Sabi ko.

Sunod sunod na malalakas na alarm ang narinig namin at kasunod nun ay ang pag pasok ng mga pasyente, bigla akong nanghina, sa itsura ng mga pasyente malakas ang kutob kong kasama sila sa plane crash.

"KAILANGAN NG TULONG DITO!" Sigaw nung isang nurse.

"MAHINA ANG PULSO!" Nag kagulo na ang ibang nurse at pati doctor ng may tatlong pasyente na mukang agaw buhay.

Tangina, hindi ko kinakaya yung nakikita ko. Maliit lang yung hospital na'to kaya medyo kulang sila sa facilities.

Bakit dito nila dinala yung mga studyante! Tangina nasan ang ate ko? Nasan ang mga kaibigan ko?

"This situation made me crazy, fuck! Fuck!" Frustrated na sabi ni Kuya Travis.

Nagulat ako ng makita si Kuya Brix at si Mommy na tumutulong na sa ibang pasyente doon sa may bandang pwesto nila.

Bukod sa pasyente na galing sa plane crash, madami ding iba pang pasyente na sinusugod sa emergency room.

Tumagal ng ilang minuto pa ang kaguluhan, nakakaramdam na ako ng gutom, hindi pakami kumakain at halos 24hours na kaming gising.

Lumabas muna kami ng hospital at nag hanap ng malapit na pag kakainan, ang sarap sana mag gala at mag libot dito sa cebu pero emergency ang pinunta namin dito.

Natigil ako sa pag kain ng tumawag sa akin si Carter.

"Pre napatawag ka? Nasa cebu pa kami, wala pading balita."

'Kade' Garalgal yung boses ni Carter kaya nataranta ako.

"Hoy, anong nangyari sayo?" Tiningnan na ako ng tatlo na parang nag tatanong din sa akin kung anong pinag uusapan namin.

'Si Elaina' Nanghina ako ng marinig ang hikbi ni Carter.

"Tangina, Carter anong nangyari kay Elaina?" Natigil na kaming apat sa pag kain at inaantay ang sasabihin ni Carter, ni loudspeaker ko na din yung call.

'Nahulog si Elaina sa hagdan nung auditorium room kanina, masyadong malakas yung pag kakabagok niya kaya hanggang ngayon hindi pa siya nagigising.' Jusko naman po!

Sinabihan ko si Carter na mag message at iupdate ako sa mga nangyayari doon at kung kamusta si Elaina.

Pag balik namin sa hospital medyo maayos na ang lahat, nandun padin sa pwesto nila kanina sila mommy, sa may bandang dulo kami ng hospital umupo para malayo sa kanila.

"Attention to all parents or guardian of the students of Windsor University, Makati City." Naagaw ang atensyon namin ng may biglang nag announce tapos may screen na lumitaw sa unahan.

Chasing Dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon