CHAPTER TWENTY THREE

14 1 3
                                    

BRIELLE POV

Pag katapos kong gumawa ng eksena sa bar ay umalis ako na parang walang nangyari, nakasunod naman sakin si Kath at Iris na parehas dismayado sa nangyari.

Inis akong sumakay sa motor ko para makauwi na, why the heck nararamdaman ko to? Ano naman sakin kung makipag landian si Zach? For the hell sake Brielle! Kalma, Brielle!

Uminom muna ako ng maraming tubig pag karating ko sa condo namin.

"What the hell is your problem, Brielle?" Bungad ni Iris pag kapasok niya ng condo.

"Tangina! Hindi ko nga din alam!"

"Omg! Sinuntok mo yung girl kasi hindi mo alam kung bakit? Are you crazy, cousin?" Si Kath naman ang nag tanong. "Omg talaga! Don't tell us na nag seselos ka dun sa babae ahh!" Dagdag pa ni Kath kaya lalo akong naguluhan.

"Hindi ako nag seselos!" Mabilis na sagot ko.

"Are you sure you're not jealous? Kasi if you can see yourself right now, you look like a murder." Sabi ni Iris saka uminom din ng tubig.

"Just shut up, okay? Kasi lalo akong naguguluhan! Hindi ako nag seselos kasi hindi ko naman gusto si Zach! Si Brix ang gusto ko!" Frustrated na sabi ko. Pabagsak akong umupo sa sofa.

"Sigurado kabang si Brix talaga ang gusto mo?" Tanong ni Iris kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Calm down okay? I'm just asking lang naman, baka kasi hindi ka sure." Dagdag pa niya.

"Matulog nalang tayo, kulang lang ako sa tulog." Hindi ko na sila kinausap pa at dumeretcho na ako sa kama ko.

Ang daming message ni Zach pero ni isa wala akong sinagot. Ayoko muna siyang makausap. Naiinis ako sa nakita ko kanina sa bar but it doesn't mean na nag seselos ako or what!

Nawala lahat ng iniisip ko ng mag pop up sa phone ko ang name ni Brix, saying goodnight. Tipid akong napangiti at bahagya pang kinilig, I'm sure of it, I really like, Brix.

Lahat kami halos nabusy dahil sa paparating na final exam. No practice din muna kami sa volleyball since malapit na nga ang final exams. Kailangan daw namin mag focus sa acads namin.

Ilang araw ko na ding iniiwasan si Zach, hindi ko din alam kung bakit hindi ko maderekta sa kanya yung tungkol sa amin ni Brix. Palagi niya akong kinukulit pero palagi akong naiwas. Oh God! Bakit ba ako nahihirapan.

"Brielle!" Kumaway muna sa akin si Amire bago tumakbo palapit sa akin.

"Oh? Muka kang masaya ahh." Bati ko sa kanya.

"Prof mo sa accounting one si Mrs. Cruz?" Tanong ni Amire.

"Oo, bakit?" Wala sa wisyong tanong ko pabalik.

"Edi meron din kayong 3years na financial statement?" Napapikit ako ng maalala yung financial statement na pasahan na pala bukas.

"Badtrip! Oo nga pala! Wala pa akong nagagawa pasahan na yun bukas! Tapos review pa!" Iritang sabi ko, mukang kailangan kong pumunta ng mall para bumili ng columnar pad, lintek na course naman kasi to! Sumpa!

"Yare ka! Buti pa ako nakakadalawang taon na." Pag yayabang niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Natasha." Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko boses palang alam kong si Zach yung tumawag sa akin, dagdag mo pa yung siya lang yung natawag ng Natasha sa akin.

Chasing Dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon