CHAPTER THIRTY-ONE

21 1 1
                                        

ELAINA POV

After matapos yung game umalis na ako agad sa pwesto namin at mabilis na pumunta sa classroom namin para i-check yung mga inasikaso kanina. Ang aga akong sinundo ni Kade kanina para mag ayos kaya medyo antok pa ako.

Sa monday pa talaga birthday ni Lorh at Carter kaso gusto na I advance ni Kade kasi nga bukas may ganap kami sa sygnus bar tapos sa monday simula nanaman ng klase wala na siyang time so ngayon na niya isusurprise.

Pag dating ko sa room agad kong inayos yung mga natanggal na balloons saka inayos yung name ni Lorh sa white board.

"Lah pota ang effort ah!" Nagulat ako sa pag dating ni Lionel, Carter at Aria na kasama si Kade na dala dala yung cake.

"Yan na ba yung cake na gawa mo?" Tanong ko.

"Oo, salamat talaga Elaina na." Tipid ko siyang nginitian saka inabot yung cake na hawak niya at nilagay sa tabi ng teddy bear at libro.

"Takte ka Kade ganito ka talaga ka seryoso sa kapatid ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Carter kaya natawa ako.

"Gago pre, gustong gusto ko yung kapatid mo alam mo yan." Hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng kirot sa dibdib. Ano ba Elaina ang arte ah.

"So anong gusto mong gawin ko dito Harry?" Bagot na tanong ni Lionel na may hawak na gitara.

"Mag gigitara sympre, sabayan mo ako mag gitara, ikaw naman Carter mag beat box ka!" Utos ni Kade.

"Lah? Birthday ko din dapat ako din i-surprise mo." Natatawang sabi ni Carter.

"Oo nga pala kambal pala kayo ni Lorh kaya birthday mo din ngayon ba?" Tanong ni Aria.

"Hindi. Sa monday pa birthday namin, Ewan ko jan kay Kade bakit advance." Sagot ni Carter.

"Elaina pasundo naman si Lorh." Pakiusap ni Kade.

"Samahan na kita Elaina." Suggest ni Aria kaya umoo ako. Hindi namin mahanap si Lorh sa gym kaya chinat ko nalang kung nasaan siya. Tapos sabi ko mag kita kami sa hallway ng building namin.

"Saan ba kayo nag punta? Bigla kayong nawala sa gym?" Tanong niya pag ka kita niya sa amin.

"May inasikaso kasi kami." Sagot ko.

"Ehh ano bang gagawin sa room? Bakit nandun kayo? Biglaang meeting?" Nginitian ko lang siya saka siya hinila.

"Wait jan ka lang." Sabi ko saka ako pumasok sa loob. "Nandyan na si Lorh sa labas." Pinatay na namin yung ilaw tapos binuksan yung mga fairy lights sa gilid, kinalat nadin namin yung mga petals. Putcha ang romantic.

"Tara na." Hinila ko papasok si Lorh, saktong pag pasok niya nag simula na silang mag strum tapos nag beat box na si Carter.

Nasa 'yo na ang lahat, minamahal kita
'Pagka't nasa 'yo na ang lahat pati ang puso ko
Nasa 'yo na ang lahat, minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat pati ang puso ko

Oh-oh-oh-oh-oh, na-nasa 'yo na ang lahat
Oh-oh-oh-oh-oh, na-nasa 'yo na ang lahat

Halata ang gulat at saya sa muka ni Lorh. Pati ako napahinto ng mag simulang kumanta si Kade. Bakit ang gwapo niya lalo. Malungkot akong ngumiti ng makita kung gaano ka inlove si Kade Kay Lorh.

"Lahat na mismo nasa 'yo, ang ganda, ang bait, ang talino." Kumindat pa si Kade kay Lorh. Bagay yung kanta kay Lorh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Chasing Dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon