Chapter Thirteen

11 1 6
                                    

ELAINA POV

Halos isang linggo din kaming lahat na grounded dahil sa kalokohan namin nung nakaraan, pero sulit naman e, ang saya kaya ng gabing yun. Saturday ngayon at susunduin ako ni Kade ngayon para sa tutor day namin.

Simpleng dress lang yung suot ko then kinuha ko na yung gamit ko na dadalhin ko, may long test pa naman kami next week.

Pag baba ko dumeretcho ako sa sala at naabutan ko dun sila mommy at daddy na abala sa panunuod.

"Mom, dad! Pupunta po ulit ako kanila Tita Ingrid, tutor day po namin ni Kade ngayon." Pag papaalam ko.

"Ahh oo nag text nga sa akin si Kade na susunduin ka niya." Nag paalam na pala siya kay daddy.

"Magandang araw po, Tito Drake at Tita Sam." Bati ni Kade pag kadating niya sa sala, ang ganda pa ng ngiti ni loko.

"Hoy, Kade! Deretcho uwi agad dito pag katapos ng lesson ahh! Akoy aatakihin sa puso sa mga kalokohan niyo e." Panenermon ni mommy.

"Iuuwi ko po ng buhay at maayos si Elaina, Tita." Natawa nalang ako sa pinag sasabi ni Kade.

Nag paalam muna kami kala daddy at mommy. Bago kami umalis ng bahay, medyo malapit lang naman yung village nila sa amin kaya hindi kami natagalan.

"It's so malayo ba mommy?" Boses agad ni Iris ang bumungad sa amin pag pasok namin.

"Oo malayo yun, kailan daw ba flight niyo?" Tanong naman ni Tita Ingrid.

"Bakit Ate, saan ka pupunta?" Singit ni Kade sa usapan.

"Sa bohol kasama ang ate mo sa team building ng Windsor." Si Tita naman ang sumagot.

"Ahhh yung kagaya kala Kuya Rylan at Galvin." Tumango tango pa si Kade.

"Next week na ang birthday mo, dapat bago kayo lumipad papuntang bohol nakapag pictorial na kayo para sa debut mo sa sem break." Omg! Mag dedebut na nga pala sila! Ako ang naeexcite para sa kanila!

After namin makipag usap pa sa kanila, umalis nadin maya maya si Ate Iris kaya pumunta na kami ni Kade sa study room.

Medyo nahirapan pa akong ituro kay Kade yung calculus kasi HUMSS ang strand namin ni Lorh wala kaming calculus pero okay naman medyo nakapag adjust naman kami.

"Yaaan! Nakukuha mo na! Makakapasa kana, Kade!" Masayang sigaw ko ng isa lang yung mali niya sa pinasagutan ko sa kanya.

"Bakit kapag yung prof nag tuturo ang hirap, bakit pag ikaw ang dali lang." Natatawang sabi niya.

"Well magaling akong mag turo." Pag yayabang ko sa kanya.

Natapos namin lahat ng topic nila for the week, tapos inadvance ko narin siya para sa topic nila next week.

"Mukang papasa na nga ako! Salamat Elaina, sa pag tatiyaga!" Nagulat ako ng yakapin ako ni Kade tapos kinurot pa yung ilong ko.

Maya maya pumasok yung isa sa maid nila. May bisita daw si Kade nasa living room na.

Nag tatawanan pa kami ni Kade habang inaalala yung kagaguhan niya kanina, tapos parehas kaming nagulat ng makita namin si Lorh na nasa living room, siya pala yung bisita.

Nakita ko kung paano mawala yung ngiti ni Lorh ng makita akong kasama ni Kade.

"Baby! Napadalaw ka?" Agad pinuntahan ni Kade si Lorh at iniwan ako. Napangiti nalang ako ng mapait.

Chasing Dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon