CHAPTER TEN

9 1 3
                                    

KADE POV

Tangina, kanina pako kinakabahan, nasan naba yun si Carter ampota! Tawag kami sa office ni Hernandez hindi ko alam kung bakit kami tawag, pota wala naman kaming ginawang kalokohan. 

Katatapos lang ng exam, stress pa nga ako. Tapos dinadagdagan pa ni Hernandez yung stress ko.

"Bro!" Agad kong binatukan si Carter nung dumating siya.

"Ang tagal mo naman!" Sigaw ko sa kanya.

"Tanga traffic saka may dinaanan pa si Lorh."

"Tara na, bobo bakit kaya tayo tawag ni tanda." Kumakamot sa ulo na sabi ko.

Kumatok muna kami bago pumasok, kunot noo na agad si tanda ng makita kami.

"Mr. Moore and Mr. Anderson. Unang grading palang pero grabe na yung sakit ng ulo ko dahil sa inyo." Panenermon ni tanda.

"Pinapasakit niyo din po naman yung ulo namin, Ma'am." Mahinang tumawa si Carter dahil sa sinabi ko saka ako siniko. Napahawak naman sa sentido si Tanda.

"Yang pagiging pilosopo mo Moore!"

"Ma'am hindi po kita pinipilosopo, nag sasabi po ako ng totoo." Sagot ko kaya lalong sumama ang tingin niya sa akin.

"You're always getting into my nerves, Mr. Moore!" Nag titimping sabi niya saka binigay sa amin yung report card namin. "I want to talk to your parents, tatlong subject ang parehas niyong bagsak." Para kaming binagsakan ng langit ni Carter pag kakita ng grades namin, pota 69,72 at 71. Mapapatay ako ni Daddy lalo na ni Mommy.

"Ma'am doctor at architect po ang parents ko, busy po sila parehas." Pag angal ko.

"Ako din ma'am, maraming mga meeting sila Mom and Dad, hindi nila kaya pumunta dito." Sabi naman ni Carter.

"No more reason! I need to talk to your parents! First grading palang pero nasobrahan na kayo sa kalokohan." Mag rereklamo pa sana kami pero pinalayas na kami ni ma'am, potaaa paano ko to lulusutan?

"Bobo panay yaya ka kasi ng cutting gago ka!" Paninisi ni Carter.

"Tanga sumasama ka din naman!" Reklamo ko.

"Kadeeeee! Carterrrr! Kamusta exams?" Nakangiting bati ni Elaina sa amin. Kasama niya pa si Lorh na seryoso lang.

"Wag mo na tanungin, sablay." Sagot ko.

"Haa? Bakit?"

"Bagsak kami tatlong subject, tapos call parents pa kami, lintek na Hernandez!" Reklamo ko.

"Carter bagsak ka?" Matalim ang tingin ni Lorh sa kakambal.

"Ehh, sumablay lang ng konti, kambal." Nag kakamot sa ulo si Carter.

"Sumablay." Binatukan niya si Carter. "Ready yourself sa sermon ni Mommy!"

"Wag ka ng high blood baby, tara date nalang tayo, samahan mo ako kumain." Tiningnan ako ng masama si Lorh.

"Kumain ka mag isa mo, Carter tara na." Hinila ni Lorh ang kambal, pipigilan ko sana sila pero sumingit na si Elaina sa usapan.

"Tayo nalang kumain, Kade. Nagugutom na din ako." Nakangiting yaya niya.

"Sure, wala mukang ekis nanaman ako sa baby Lorh." Umakbay ako kay Elaina saka kami nag lakad papuntang parking lot.

Sa cafe nalang kami nila kuya Fritz pumunta, yun kasi mas malapit may klase din kami mamaya. Tama na muna ako sa pag cutting.

Chasing Dreams Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon