Andrew's POV
At dahil isang linggo kami dito, isang linggo ko ring makikita si Kairyn sa pagmulat ng mata ko. Nyeta bading nako
"Andrew, para kang tanga gagu" bwisit na Chris to. May tanga na may gagu pa!
"Ulul, parang kahapon lang ikaw yung parang tanga ginagu ba kita!" sabi ko kaya nag peace sign nalang siya. Pano ba naman kahapon kung makangiti wagas. Umamin na yata kay Yannah.
"Mga bading" narinig namin na nagsalita si Harry kaya tinitigan namin siya ng masama ni Chris.
"Ikaw ang bading dude, wala ka paring chics haha" sigaw ni Chris habang kinakalampag pa yung lamesa. OA!
Ang aga namin magising kasi, wala lang haha. Medyo madilim pa nga sa labas eeh. Mga 6:00 am palang siguro.
"Shit, Chris wag kang magulo natutulog pa ko nyeta" sigaw ni Nathan bago batuhin ng unan si Chris at nagtalukbong nanaman.
May apat na kama sa kwartong to pero dun siya sa dulo kaya nalimutan yata ni Chris na tulog siya.
"Porkit nakaiskor ka kay Abi ganyan kana" pagdadrama ni Chris
"Wag kang bading dude, sarap mong bugbugin!" sabi ni Harry habang naglalaro sa cellphone niya.
"Ikaw bugbugin ko eeh. Kanina ka pa bading ng bading ah" sabi ni Chris pero natawa nlang ako bago tumayo.
"Oy san ka pupunta"
"Sa labas, sama ka?" Sabi ko pero umiling lang ang gago. Tamad talaga kahit kelan.
Paglabas ko nakita ko si Kairyn nakatayo malapit sa dagat. Habang palapit ako sakanya nagsisimulang magliwanag yung langit.
Napatingin ako sa wristwatch ko para tignan yung oras. 6:17 AM na pala.
Napatingin nalang ako sa dagat habang nagsisimula ng magpakita yung araw.
Kinuha ko yung cellphone ko para kuhaan ng picture si Kairyn. I may look like a stalker here pero wala kong pake!
Ang sarap lang titigan kasi nakadress siya ng puti habang nakatitig sa dagat.
*click*
Pagkasave ko ng picture niya nagdiretsyo na ako palapit sakanya.
"Goodmorning miss beautiful" masayang bati ko sakanya pero ngumiti lang siya.
"Bkit nandito ka?" Tanong ko sa kanya pero pumikit muna siya bago sagutin yung tanong ko.
"Hinihintay ko yung sunrise, ang ganda diba" nakangiti niyang sabi kaya napangiti rin ako.
Ang sarap niyang tignan kapag nakangiti. Sana lang ako yung dahilan kung kaya siya ngumingiti.
Nyeta pati sunrise karibal ko narin? Mas gwapo naman ako jan no!
BINABASA MO ANG
THE HEART BREAKERS
Fiksi Penggemar'May mga bagay o tao pala na akala natin di natin kaya pag nawala, pero eventually nakakaya din pala. its take time para masanay. Siguro sa simula mahirap, pero pag nagtagal masasabi mo na lang 'ay nakaya ko ' kaya ko pala.' I change the stor...