Abi's POV
tumakbo ako ng tumakbo pero hindi ko naman alam kung saan siya pumunta.
"Ate nakita mo ba si Aldrin?" tanong ko sa classmate namin.. Hindi ko kasi kilala eeh.
"Kakadaan niya lang. Papunta yata sa bar" sabi niya kaya nag thank you ako bago tumakbo ng mabilis papunta doon.
nakita ko siya nakaupo sa isang table. Umaga palang kaya close pa tong bar. Lahat ng upuan nakapatong pa lamesa kaya wala parin usok.
"Aldrin" tawag ko sakanya kaya napaharap siya at ngumiti sakin kaya lumapit ako sakanya. Tinabihan ko siya.
"Aldrin sorry" yun nalang yung nasabi ko kasi eto nanaman ako naiiyak nanaman
"Ayus lang Abi, ako parin nman ang mahal mo diba" nakangiting sabi niya bago humarap sakin at hiwakan yung kamay ko.
Napaluha nalang ako dahil sa tanong niya.
"Aldrin, sorry. Alam mong hindi ko gustong saktan ka. Pinilit ko namang kalimutan si Nathan para mahalin ka ulit pero--" napatigil ako sa pagsasalita kasi bigla niyang binitiwan yung kamay ko at tumayo.
"Abi no! t..this is not a good joke" sabi niya pero halata mong papaluha na siya.
"Aldrin sorry talaga. Sorry, baka talaga yatang hindi na natin mababalik yung dati. I'm really sorry" nakayukong sabi ko. Hindi ko kayang makitang malungkot si Aldrin.
"Abi sana hindi mo nalang sinubukan kasi dalawa na kami ng pinsan ko ang nasasaktan mo. Kung sana nilinaw mo nalang sakin na wala na akong babalikan edi sana ako nakasira ng relasyon. Sana maayos parin kami ng pinsan ko, sana hndi kana nahihirapan ngayon" sabi niya kaya lalo akong naiyak.
"Aldrin sorry pero mahal ko si Nathan, sorry.." Panay lang ako sorry sakanya pero nung marinig kong tumawa siya napatingin ako. Bakit?
"Thank you" sabi niya kaya lalo akong nagtaka.
"How long have you been fighting alone?" Tanong niya pero nakatingin lang ako sakanya habang may luhang lumalabas sa mata ko.
"You need to answer it
I love you abi, always" sabi niya bago tumalikod.
"Sana maging masaya kayo" sabi niya pa bago patuloy na naglakad palayo. Pero ako parang nanghihina na kaka iyak. Araw araw nalang may dramang nagaganap. Kelan ba to matatapos? Kelan ako magiging masaya?
Bumalik na ako sa restaurant at nakita ko silang kumakain parin.
Nahihiya ako kung pupunta pa ba ako o hindi kasi yung mata ko namamaga na. Nakakahiya, lalakad na sana ako palayo nung may tumawag sakin.
BINABASA MO ANG
THE HEART BREAKERS
Hayran Kurgu'May mga bagay o tao pala na akala natin di natin kaya pag nawala, pero eventually nakakaya din pala. its take time para masanay. Siguro sa simula mahirap, pero pag nagtagal masasabi mo na lang 'ay nakaya ko ' kaya ko pala.' I change the stor...
