Chapter 20 - your wish

400 14 10
                                    

Nathan POV

nandito ang buong tropa ko at nag iinuman kami sa bahay ko. Hindi kami pumasok dahil alam siguro nila na kailangan ko ng karamay.

T*ngina lang! Bakit ba nagmahal nanaman ako? hindi pa ba ako nadala sa ginawa sakin dati ng ex ko. Shit lang.

"dude, alis muna ako" sabi ko pero mukhang hindi naman nila ako napansin kaya dumeretsyo na ako palabas. Hindi pa naman ako masyadong lasing eeeh, sanay ako sa alak.

Saan nga ba ako pupunta? Oo sa bahay nila Abi, bakit ako pupunta doon? Hindi ko rin alam eh.

Habang nagmamaneho ako hindi ko alam pero naluluha ako. Nababading na siguro ako t*ngina tlaga

Pagdating ko sa tapat ng bahay nila Abi may narinig na akong nagsisigawan.

"kundi ano dad? papalayasin niyo ako? tatakwil niyo na ako? sige gawin niyo lahat pero hinding hindi ako magpapakasal kay Nathan" ako daw? Ayaw niya na akong pakasalan.

Parang sinaksak yung puso ko dahil sa sakit! hindi pinatay pala (joker). Ginawa ko naman lahat para maging gusto niya ako diba? Pero bakit hindi niya parin ako mahal?

Lahat nalang ba ng babaeng mamahalin ko hindi ako kayang mahalin?

Lumabas ako ng gate nila at sumakay sa sasakyan ko. Binalibag ko yung pinto dahil sa inis ko. Kung pwede nga lang ito mismong sasakyan ang ibalibag gagawin ko eh. Pero hindi ko kaya! at kahit kelan hindi ko makakaya. Parang si Abi hindi ako kayang mahalin. Sobrang bigat ba non?

Puta ang drama ko na. Shit na puso to! pwede bang ipapalit ng iba para makalimutan ko na silang lahat?

Pasagasa kaya ako para magka amnesia ako? Ayoko ng maalala ang lahat, gusto ko silang kalimutan. Ayokong maisip na pinsan ko ang mahal ng taong mahal ko.

inistart ko yung sasakyan ko at pinaandar ng mabilis. Pero paano ako bubunggo eeh wala namang dumadaang sasakyan? Nyeta naman eh!

Sobrang bilis ng andar ko ng bigla kong prineno kaya nauntog ako dahil sa lakas ng impact.

"nasan ako?!" halaaa nababaliw na ako. Tss bakit naaalala ko parin? tumingin ako sa salamin

dumudugo yung ulo ko pero bakit parang wala akong nararamdaman. Manhid naba yung katawan ko? Pero bakit yung puso ko masakit parin?

Inistart ko yung sasakyan kahit na anglabo ng mata dahil sa luha ko at mabilis na pinaandar. May dumaan naman na malaking truck kaya napangiti ako. This is it!

Sinalubong ko siya pero pinipilit niyang iwasan ako kaya nagpreno nalang ako pero nabangga niya parin ako kaya lumipad yung sasakyan ko at nabangga sa puno.

May pakpak pala yung sasakyan? Aay ewan! ganto ba talaga pag broken hearted. parang siraulo

Tumingin ako sa paligid pero nagdidilim na yung paningin ko. Nakakahilo pala kapag nauuntog ng paulit ulit.

==

Andrew POV

nandito kami sa hospital dahil naka confine si Nathan. Ilang araw narin siyang nakahiga jan pero hindi parin nagigising. abnormal nayan!

THE HEART BREAKERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon