Chapter 22 - true feeling

401 8 0
                                        

Abigail POV

gising na daw si Nathan kaya pupunta kami ngayon sa hospital. Gusto kong makita kung ok na siya.

"ok ka lang?" Tanong ni Aldrin

"yeah, im fine" sabi ko pero iba talaga yung pakiramdam ko ngayon eeh, parang natatae ako na parang hindi. Kaya ko bang harapin si Nathan?

dahil sakin kaya siya nabangga at ako ang may kasalanan kung bakit siya nasa hospital at naka confine. *haissstt*

pero NO! kaya ko to at kaylangan naring malinaw para wala ng aasa.

"haha! para kang baliw bakit ka nagsasalitang mag isa ha?"

pero kinakabahan talaga ako eeh. Ano kayang una kong sasabihin kay Nathan.

oo mag sosorry nalang muna ako.. tapos~~

"Bee! your spacing out. Are you listening?"

"Aay kabayo! H..Ha? Ano yun?" sabi ko kaya ngumiti siya.

"Wala. Kamusta nga pala kayo dati ni Nathan. Masaya ba kayo? Ginulo ko lang ba kayo?" Sabi niya kaya medyo nalungkot yung mukha ko.

"Yeah, masaya naman kami. Maalaga siya saka malambing pero hindi mo kami ginulo Aldrin kasi wala namang kami" hinawakan ko yung kamay niya kasi alam kong sinisisi niya rin yung sarili niya gaya ko.

"Nasaktan natin si insan kaya dapat humingi tayo ng tawad sakanya. Alam mo bang siya yung nagbigay ng invitation sakin dun sa engagement niyo?" umiling ako kaya pinagpatuloy niya na yung sinasabi niya.

"sabi niya pa that would be the most memorable day in his life, ever! kaya hindi ako pwedeng mawala. Gusto kong bumawi kay insan. Hindi ko sinasadyang saktan siya" sabi niya habang nakayuko.

Huminga ko ng malalim bago hawakan yung mukha niya para iangat

"Aldrin, wala kang kasalanan. Wag mo ng sisihin yung sarili mo please"

"No, kung hindi sana ako umalis hindi mo makikilala si Nathan at hindi siya nahulog sayo ngayon. Kung hindi ako umalis sana ako yung pakakasalan mo that day. Kung hindi sana-" namumula na yung mata niya kaya pinigilan ko na. He didn't like it when he hurt someone's feeling.

"Pssstt, stop it. Naisip mo rin ba na kung hindi ka umalis magkasama parin tayo ngayon?" Sabi ko kaya ngumiti siya at niyakap ako ng mahigpit.

THE HEART BREAKERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon