"Love is..."
ENNA's POV
Tapos na ang Foundation week! Balik na ulit sa dati. Kung ano ang nangyari pagkatapos naming mag-usap ni CJ? Ayun. Okay na ulit kami. Hindi ko pa nga nasasabi kina Coline at Ryan eh. Umuwi kasi sila agad pagkatapos nung fireworks display.
Sa mga nagtatanong kung bakit ko sya binigyan ng second chance, hindi ko din alam eh. I was supposed to say 'NO' that night, but when I saw him, everything was changed as planned. Lahat ng arguments ko about my decision, bigla nalang nawala. Natira nalang na salita ay yung pinaka ayaw pa ng utak ko. A big Y-E-S. So that's how it goes. I gave him a second chance without any doubts or hesitations. Just love. Pure love.
"PAKOPYAAA!" sigaw ni Coline sa kabilang table.
Hay naku, ayan na naman sya sa sigaw niyang pamatay. Haha! Sya nga pala. Dahil nga back to normal na ulit, ibig sabihin balik estudyante na rin kami. At syempre, hatest part ng mga estupidyante yan. Tambak na naman ang mga school works.
Katulad ngayon. I'm answering my test booklet sa calculus. Remember, Math ang major ko at Education ang course ko. Kaya minsan, 'di ko maiwasang i-compare ang MATH sa LIFE. Like finding X, remembering formulas, hugot sa infinities etc. Perks kung perks. Sakit sa brain cells!
"Okay class, pass your booklets, after that, you can go," masayang sabi ni Miss Gwen sa'min na para bang kumain lang kami ng mani sa sobrang dali ng test.
"Okay po Miss," matamlay at walang gana naming sagot sa kanya. Na-drained yung utak namin e!
Maya-maya pa, isa-isa ng naglabasan ang mga estudyante sa room. Agad naman akong nilapitan ni Coline.
"Ano nga pala yung sasabihin mo sa'kin?" Pagtatanong niya.
"Ah. Yun ba? Ano kase. Ano...," aligaga kong sagot sa kanya habang nag-aayos ng bag.
"Anong ano?" Sa tono ng boses nya, halatang naiinip na sya.
"Ano kase, ah-eh. Okay na ulit kami ni CJ."
"Wow. Edi... good for you," cold nyang sabi sa'kin.
"Uyy. Hindi ka ba masaya sa decision ko?"
"Haay Enna. Masaya ko para sa inyo noh. It's just that, hindi lang talaga ako boto dyan kay CJ. I mean, you know what happened right? Di mo maiaalis sa'kin na mag-doubt sa kanya," paliwanag nya sa'kin.
"Yeah. I know. But please, sana bigyan mo din sya ng chance. Like what you have done to your dad, right?" I don't want to bring up her past, but I just want to set that as an example.
"No need to mention that Enna. I'll give him a chance, but, he has to earn my trust," nakangiti nyang sabi skin. I hope di nya minasama yung sinabi ko.
"Thank you Coline! Sorry for dragging your dad in our conversation."
"It's okay. Teka nga, ang drama na natin. Tara na nga sa cafeteria!" Pag-iiba nya ng usapan.
*Sigh* Sa nakikita ko, back to zero ulit kami ni CJ. Pero sana this time, wala ng problema. Wala ng third party or chuchu.
*SA CAFETERIA*
Naka-order na kami ni Coline ng pagkain ng dumating sa table namin si Ryan.
"Kamusta? Long time no see ah," bati nya sa'min.
"Wow lang ha. Parang nung isang araw lang magkakasama tayo," basag naman ni Coline sa kanya.
"Masama bang ma-miss ko kayo?" Pagkasabi nya 'nun bigla nya kaming niyakap. Aww. How sweat.
BINABASA MO ANG
X & Y (Ex and Why)
ЧиклитLoving a person is a fairy tale but choosing to break someone's heart is a damn reality. <//3
