"Set him/her free."
Saturday night. Sa bahay nila Ryan. Chillin out with my best friends.
ENNA's POV
"WHAAAAAAT! NAKIPAG-BREAK KA KAY CJ?????"
Kilala nyo na siguro kung sino yung nagsalita. Sino pa ba? Edi si Coline. Sya lang naman ang may malakas na boses dito sa bahay nila Ryan.
"Tumahimik ka nga. Sabi ko diba secret lang!" Tinakpan ko ang bibig nya dahil baka kung ano pa ang masabi nya. Mahirap na.
"Kahit na ilihim mo yan. Tiyak na malalaman at malalaman yan ng buong campus." Singit ni Ryan na may dalang Pizza saka juice galing sa kusina.
"@$#%^&*()!@###$"
"Anong sabi mo?" Tanong ko kay Coline. Napansin kong itinuturo nya ang kamay ko na nakatapal pa sa bibig nya.
"Oopps. Sorry." Agad kong inalis ang kamay ko.
"Ang sabi ko, tama si Ryan. Imposibleng hindi nila malaman." Kumuha sya ng isang pirasong pizza saka ito isinubo.
"Teka ano bang nangyari?" Tanong ni Ryan sakin.
"Ganito kasi yun..."
*Flashback*
"CJ... sa tingin ko, kailangan muna nating... maghiwalay..." Tinitigan ko sya sa mga mata nya at nakita kong nabigla sya sa mga binitiwan kong salita.
"Are you breaking-up with me Enna?" Tanong nya sa'kin. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Naguguluhan na kasi ako.
"I'm not breaking-up with you. I'm setting you free."
"What? Setting me free??? Ano ba to Enna? Joke?" Ramdam ko sa boses nya na hindi sya natutuwa sa nangyayari.
"Para sa'tin to CJ... Masyado na kasi tayong nasasaktan... Ayokong dumating tayo sa puntong wala na tayong nararamdamang pagmamahal kundi puro galit at lungkot nalang." Iyak lang ako ng iyak sa harap nya.
"Ganun naman talaga sa pag-ibig diba? Hindi puro saya. Hindi puro pagmamahal. May lungkot at galit ka ding mararanasan... Kaya Enna, hindi natin kailangang gawin 'to..." Tumalikod si Cj sakin para punasan ang luhang pumapatak sa mga mata nya. Agad din naman syang humarap sa'kin.
"Please Cj. Tama na. Ayoko na. AYOKO NA!" Wala na kong maisip na palusot sa kanya. Gusto kong matapos na yung relasyon namin. Hindi dahil hindi ko na sya mahal. Kundi dahil... Mahal na mahal ko sya. Alam kong mas makakabuti para sa kanya 'to na ako nalang yung makikipag-break. Alam ko namang may iba na syang gusto. Ayaw nya lang akong masaktan ng sobra...
"Susuko ka na kasi ayaw mo na. Ayaw mo na kasi sumusuko ka na. Ano ba Enna! Lumalaban pa ko oh! Wag ka namang sumuko agad. Wag muna..." Mas lalo akong nanghihina sa naririnig ko.
"Cj... Tama na please... Nasasaktan na 'ko..." Lumuhod na 'ko sa harap nya para lang pagbigyan nya na 'ko. Sabihin nya lang na 'OO'... matatapos na ang lahat ng sakit na nararamdaman namin.
"Yun ba talaga ang gusto mo... Sige. Tapusin na natin 'to..." Itinayo nya ko mula sa pagkakaluhod saka sya umalis.
*Back to Reality*
"Enna. Tama na." Nagulat ako ng punasan ni Ryan ang mga mata ko. As usual. Umiyak na naman pala 'ko.
"Sorry guys. Dapat nagpapakasaya tayo ngayon kasi foundation week na next week. "
"Okay lang Enna. Alam naman naming may pinagdadaanan ka." sabi ni Coline habang kinukuha ang huling piraso ng pizza.
"Oy! Hindi pa ko nakakakain ng Pizza!"
"Hahahaha! Ang drama mo kasi eh. Yan tuloy naubusan ka! Hahahaha!"
"Argggggh! Halika dito! Akin na 'yang pizza ko!" Tumakbo ako para habulin sya at ayun... naabutan ko sya. Mwahaha! Pizza monster yata 'to.
"Aray ko. Grabe Enna ha. Ganyan ba kapag broken-hearted? Nagiging pizza monster?"
"Tse!" Sinimangutan ko lang sya saka ko kinain yung pizza. Haha! Pizza is hart hart! XD
"Pero Enna seryosong usapan ha, paano kapag nalaman nilang wala na kayo ni CJ?"
"Coline... (Hingang malalim. Seryosong mukha.) Eh di patay! Hahahaha!" Tumawa nalang ako ng pilit para hindi na sila mag-alala. Alam ko namang stress na sila dahil sa'kin.
***
Pagkatapos naming mag-movie marathon nila Ryan at Coline, nagpasya na kong umuwi sa bahay. Sinabi ko sa kanila na marami pa kong gagawin. Naniwala naman sila kaagad dahil alam nilang ako ang na-assign para sa booth namin. Wala nga kong maisip eh. Puro kasi si Cj laman ng utak ko. Haay.
Saturday. 11:11 pm. Oras na para matulog pero gising pa din ako, nagmumuni-muni sa mga bagay-bagay...
"Tama kaya yung ginawa ko? Tama bang nakipag-break ako kay CJ? Nitong mga nakaraang araw masyado yatang magulo ang mundo ko. Anong naghihintay sakin sa lunes? Paano nga kaya kung malaman ng buong campus na wala na kami? Magiging dead meat ba ko? Hay. Wag naman sana. Pero... Kamusta na kaya sya? I hope he's doing fine..."
BINABASA MO ANG
X & Y (Ex and Why)
ЧиклитLoving a person is a fairy tale but choosing to break someone's heart is a damn reality. <//3
