Update #20: Love The Way He Lie

271 6 0
                                        


"When a lie becomes truth."



ENNA's POV


(At the Rooftop)



"Gusto ko sanang pag-usapan yung tungkol sa 'tin, two years ago," seryosong sabi ni CJ sa 'kin habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.


"Wait. Biglaan naman yata 'yan. Hindi ako ready," pabiro kong sagot sa kanya sabay iwas ng tingin. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.


"Hindi ka ready? Para saan?"


Sa heartbreak. Sa pain. At sa kung anu-ano pang pwedeng mangyari. Alin man doon, hindi ako handa.


"Hehe. Nagbibiro lang ako. Sige ano ba 'yon?" pagbabalik ko sa usapan. Ayokong mahalata niya na ayaw kong pag-usapan ang tungkol sa 'min.


"This past few weeks... ang gulo-gulo ng isip ko." Nakita kong napayuko sya matapos niyang sabihin 'yon.


"What do you mean?"


"Feeling ko may mali sa pagpapanggap natin," nababalisa niyang sabi. Bigla naman siyang tumayo mula sa kinauupuan namin.


"Ano ba CJ. Simula pa lang no'ng umpisa, mali na 'tong ginagawa natin. Ngayon mo lang naramdaman 'yan? Nakakatawa ka."


Nagsimula nang magka-tension sa boses ko.


"Alam kong hindi tama. Pero mali? Mali bang tulungan kita at ilayo sa mga taong nananakit sayo?"


Natigilan ako. Bigla na namang nag-struck sa 'kin ang katotohanang napakahina ko. Na napaka-stupid ko.


"Oo. Maling-mali... Kasi habang tumatagal, ikaw na mismo ang nakakasakit sa 'kin..." naiiyak kong sagot sa kanya.


"Ano?"


"No'ng nakita ko kayo ni Xy, 'yong ex mo, na naghahalikan, sobrang nasaktan ako. I reacted like your REAL girlfriend kasi iyon ang dapat. That's the deal. Dapat walang makaalam na fake tayo. Ang sakit lang. Ang sakit. Kasi kahit anong gawin mo o kahit kanino ka pa makipaglandian, eh okay lang. Hindi ako pwedeng magalit nang totoo. Kasi walang tayo! I guess, my true feelings will never be heard. Kasi nga wala akong karapatan. I'M NOT YOUR GIRLFRIEND."


Napatayo na din ako dahil sa takbo ng usapan na 'min.


"Kailan pa?"


Muli akong natahimik nang marinig ko ang galit niyang boses.


"Kailan pa Enna! Sumagot ka! Kailan ka pa nagkaroon ng feelings para sa 'kin?"


"Hindi ko alam! Hindi-ko-alam," nanginginig kong sagot sa kanya. Nakita ko namang napasuntok siya sa pader.


"Akala ko ba okay tayo?"


"Akala ko din eh. Hindi pala. Hindi. 'Coz it will never be. I will never be okay!"


Tumalikod na ako sa kanya at akmang aalis na pero pinigilan niya 'ko. Niyakap niya 'ko mula sa likod.


"Sorry. Sorry. Hindi lang ikaw... Ako din. Nahihirapan na 'kong magpanggap. Ayoko na nang ganitong set-up."


"Then, mag-break na tayo. Oops. Wala nga pa lang ibe-break. Ha ha ha!" sarkastiko kong sabi habang umiiyak. 


"No Enna. Gusto kong ayusin 'to. Siguro nga nagsimula sa mali 'to, pero gusto ko nang itama. Ayoko ng magpanggap sa harap ng mga schoolmate na 'tin. Kung alam ko lang na masisira tayo ng isang halik na 'yon... I regret that day, Enna. Believe me."


Tama sya. Okay naman kami before eh. Pero simula no'ng araw na 'yon, hindi na.


Naikwento ko kay Ryan ang nangyari. Na nag cheat si CJ sa 'kin. At dahil 'yon sa sobrang emosyon ko. Hindi ko naisip na hindi totoong kami. So I don't have a choice, kailangan kong ipagpatuloy ang nasimulang kasinungalingan.


I pretended to be a girl who found out her boyfriend cheating on their relationship. Yes. Hindi alam ni Ryan at Coline ang totoo. So they supported me all the way and I feel guilty for doing that.


"CJ... Hindi ko na alam ang gagawin ko..." Nagpatuloy lang ako sa paghikbi habang yakap-yakap niya 'ko.


"Enna, let me court you. FOR REAL."


"Teka. Hindi ko maintindihan..."


Napaharap ako sa kanya at halatang nagulat sa sinabi niya.


"I'm fallin' for you, Enna."


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Parang lumundag ang puso ko. Iyon ang mga salitang gusto kong marinig dati pa mula sa kanya. Gusto niya na rin ba ko? Hindi ba 'ko nananaginip?


"Enna, alam kong magulo. Pero, lahat ng sinabi ko sayo noon, totoo. Please. Ayusin na natin 'to."


Napapikit na lamang ako at saka niyakap sya nang mahigpit. Gusto ko lang damhin na kahit saglit lang, magiging okay ang lahat...




***



"The only reason why you won't let go of what's making you sad is because it was the only thing that made you happy." -Anonymous





X & Y (Ex and Why)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon