"Real eyes realize REAL LIES."
ENNA's POV
He was my Once Upon A Time, but not my Happily Ever After.
It started in one rainy day afternoon. I was crying in the corner of this rooftop. I was lost. I was in pain. And I needed someone to lean on...
"AYOKO NA! AYOKO NA! AYOKO NA!" sigaw ko kasabay nang malakas na pagbuhos ng ulan.
Wala akong pakialam kung mabasa ako, basta ang gusto ko lang eh mailabas ko ang sakit na nararamdaman ko.
"SANA TUMIGIL NA SILA! HINDI KO NA KAYA EH! PATI IKAW! SANA TUMIGIL KA NA RIN! TUMIGIL KA NA ULAN!"
Para akong bata na humahagulgol sa isang sulok. Wala namang makakarinig at makakakita eh kaya okay lang. Ako lang naman mag-isa rito.
Nagpatuloy lang ako sa pag-iyak at pagsigaw. Para na nga akong nasisiraan ng bait eh. Pero nagulat ako nang biglang may nagsalita.
"Miss. Ang ingay mo naman. Pwede bang tumigil ka sa kasisigaw mo," sabi nang narinig kong boses.
"HUH? SINO KA? ULAN, IKAW BA YAN?? OMG! NARINIG MO 'KO? SORRY NA! WAG MO KONG KAININ!" natataranta kong sagot sa mahiwagang boses na iyon. Natakot talaga ako. Hindi ko alam na maririnig niya 'ko.
"What? Do I look like a cloud with pouring rain? Tss." inis na sabi nito. Nagpalinga-linga ako sa rooftop upang hanapin ang boses na narinig ko at nakita ko ang isang lalaki na nasa gilid ng pintuan.
"Teka, ikaw ba 'yong nagsalita?" pagtatanong ko habang inaayos ang itsura ko. Basang-basa na kasi ako ng ulan.
"Sa tingin mo?" agad niyang sagot habang nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. Iniayos rin niya ang kanyang damit dahil nababasa na ito. Bahagya lang kasi siyang nakasilong.
"So, narinig mo ang lahat nang sinabi ko?"
"Oo."
Pagkasabi niya noon ay bigla niyang iniiwas ang kanyang tingin mula sa 'kin at ibinaling ito sa mga patak ng ulan.
"Bakit ka ba umiiyak ha?"
Natahimik ako nang sandali at saka sinagot ang tanong niya. Paano niya kaya nalamang umiiyak ako?
"I'm not crying," pagtatanggi ko.
"Magkaiba ang patak ng ulan sa patak ng luha..."
Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya. Napatakip na lamang ako ng bibig gamit ang aking kamay. Pinilit kong 'wag umiyak muli. Pero sadya talagang mahina ang puso ko. Hindi nito maikubli ang sakit kaya napayuko na lamang ako.
"Hindi naman masamang umiyak eh. Ang masama, kapag pinipigilan mo ito..."
Napaangat ang aking ulo nang dahil sa tinuran niya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya sa 'kin.
"Bakit ganoon? Bakit ang dali para sa inyong ngumiti? Palibhasa, wala kayong dinaramdam na sakit."
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa 'kin. Sa mismong kinatatayuan ko. Sa pagkakataong iyon, pareho na kaming nauulanan.
"Lahat ng tao may pinagdadaanan. Kaya 'wag mong isiping ikaw lang ang nakakaranas ng ganyang sakit..."
"Teka... Nababasa ka na--"
Hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko dahil bigla niya akong niyakap. Ilang segundo din iyon. At nang mahimasmasan kaming dalawa, humiwalay na din sya sa 'kin. Ngunit bago pa man siya tumalikod nang tuluyan, natanaw ko ang kanyang mukha.
"Umiiyak ka din ba?"
Pagtatanong ko sa kanya ngunit isang malakas na tawa lamang ang isinagot niya.
BINABASA MO ANG
X & Y (Ex and Why)
ChickLitLoving a person is a fairy tale but choosing to break someone's heart is a damn reality. <//3
