Ryan's POV
Pagkatapos naming magbatian nung Grey na 'yon, eh umupo na sya at nakisalo sa table namin.
"Teka Ryan, wala ba kayong pasok mamaya?" singit na tanong ni Enna. Napansin ko namang parang may bumabagabag sa kanya. Ano naman kaya 'yun? Tch. Mali yata ang tanong ko. Hindi ANO kundi SINO.
"Ah wala na kaming pasok mamaya. Absent kasi yung prof namin. Kaya ayun, nagsipag-uwian na yung mga kaklase ko," sagot ko kanya habang tinititigan ko ang magiging expression ng mukha niya.
"Ah," maikling tugon niya sa sinabi ko habang nakakunot ang kanyang noo. Ah. Parang alam ko 'na. Paniguradong hinahanap niya si CJ. Hindi ko naman napansin yung mokong na 'yun kanina. Hindi nya 'ko body guard noh para i-monitor ko ang lahat ng galaw niya.
Makalipas ang ilang minuto, habang kumakain kaming apat, bigla nalang may tumawag kay Enna. Siyempre, kahit na hindi kami 'yung tinawag, napalingon pa rin kami.
"Tch. Bakit nandito yan?" mahina kong bulong sa sarili ko na may halong inis. Hindi ko kasi nagustuhan 'yung nakita ko.
"Oh? Anong meron? Mukhang kumpleto yata kayo ah," pa-cool niyang sabi sa'min na kala mo close niya kaming lahat. Tch. Badtrip.
"Pwede bang maupo dito?" turo ni CJ sa katabing upuan ni Enna. Pumayag naman si GF, kaya ang posisyon namin, ako tapos si Enna tsaka yung asungot na CJ na 'yon.
At dahil kumpleto kami, naging awkward 'yung aura sa pwesto namin. Hay. Makapagcellphone na nga lang. Buti may wifi dito. Makakapaglaro ako ng COC (Clash Of Clans). A-attack muna 'ko baka kasi may ma-attack ako ngayon dito. If you know what I mean.
The whole time, ganun lang ang nangyari. Nag-COC ako tapos sila ayun, nag-usap lang ng kung anu-ano.
Nang matapos nila Coline yung pagdidiscuss tungkol sa project nila, bigla nalang sya nagpaalam sa'min. Pinapatawag daw sya ng prof. nila. So, kaming apat ang naiwan sa cafeteria.
"Ahem. Ahem," biglang ubo ni Enna. "Guys, alis lang ako sandali ah," sabi niya sa'min. Agad ko naman siyang pinigilan. Pero mukhang hindi lang ako ang gustong mag-stay sya.
"Hindi pwede!" sabay-sabay naming sabi. Bigla naman kaming nagkatinginang tatlo. Alam kong si CJ lang ang may karapatan pero bawal ba pati yung may nararamdaman? Wag nyo ng i-hashtag. May hugot talaga 'to.
"Ah o-okay. Madali naman akong kausap," kalmado nyang sagot. Sana naman hindi sya nailang sa'ming tatlo.
After that, nanahimik ulit kaming apat. This time, kanya-kanya kaming hawak ng phone nila CJ at Grey. Lahat busy. Maliban kay Enna. Halatang bored sya. Hindi ba naman namin sya pansinin eh. Hay. Kung alam mo lang GF. Gustong-gusto kitang kausapin. Kaso may mga epal. Tch. Sa ngayon, makukuntento muna kong titigan ka. Wag kang malusaw ha? :")
Ano ba 'tong sinasabi ko. Baduuuy! Sensya na. Inlababo eh.
Dahil sa pagiging busy ko sa nilalaro ko, hindi ko napansing may lumapit pala sa table namin. Narinig ko nalang yung sinasabi nung babae.
"Ahm. Miss. Mga kuya? Pwede po ba kayong mainterview?" -Girl #1 (Di ko sya kilala eh)
"Para saan ba 'yan?" tanong naman ni Enna. Mukha siyang interesado. Kung sa bagay, wala naman siyang ginagawa.
"Ah. Para po ito sa Psychology subject namin, simple lang po yung tanong. Sana po lahat kayo sumagot, kailangan po kasi namin," dagdag na paliwanag naman nung Girl #2 habang hawak yung recorder.
"Oo naman, diba guys?" nakangiting saad ni Enna with matching wala-kayong-choice-look sa'min nila CJ.
Kahit na hindi pa kami umo-oo, sa pananaw niya, payag na payag kami. Enna talaga.
BINABASA MO ANG
X & Y (Ex and Why)
ChickLitLoving a person is a fairy tale but choosing to break someone's heart is a damn reality. <//3
