Update #11: Last Day

736 12 15
                                        

"One more try."

ENNA's POV

"Ate Enna."

"Ate Enna..."

"ATE ENNAAAA!"

"Aray kooo. Ano ba Bisco. Natutulog pa 'ko eh." Dumilat ako sandali saka pumikit ulit habang hinihimas ang tenga ko. Inaantok pa talaga ko eh. Keynes naman tong si Bisco. Istorbo.

"Ate Enna, si Ate Coline nasa baba."

"Ah. Okay..." Sagot ko sa kanya habang nakapikit at nakahilata pa rin sa kama. Si Coline lang pala eh. Si Coline. Teka...

ANOOO??? SI COLINE???

Napabangon ako ng wala sa oras sa kinahihigaan ko at napatingin sa orasang malapit sa'king kama. Shemms. 4:55pm na. Usapan namin 5pm eh. Napasarap pala ang tulog ko. Huhu. Hindi ko tuloy namalayan yung oras. Naku. Sana hindi nya kasama si Grey.

"Hay naku Bisco! Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?" Sigaw ko sa kanya habang nag-hahalungkat sa cabinet ng maiisuot na damit.

"Ako pa ngayon? Kanina pa kaya kita ginigising. Ang sabihin mo, tulog mantika ka." Pagrarason nya habang pinapanuod ako.

"Tse! Ewan ko sayo."

"Hay Ate. Kung binibilisan mo na kaya dyan. Kanina mo pa hinahalukay yang damitan mo eh."

"Eh sa wala akong mapili." Yamot kong sabi sa kanya.

"Bahala ka na nga. Baba muna 'ko sa sala..." Tumalikod sya sa'kin saka naglakad papuntang pintuan.

"Oy! Wait lang Biscocho. May kasama ba si Coline?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Oo. Meron. Yung lalaking matangkad. Tapos medyo maputi. Tapos gwapo katulad ko. Nasa baba sya at mukhang badtrip na sa paghihintay sayo. Hahaha!" Pang-aasar na sagot nya sa'kin. OmyG! Patay ako kay Grey. Napakasungit pa naman nun.

"Psh. Sabihin mo medyo malalate ako ng 10 minutes okay? Dali." Itinulak ko sya palabas ng pinto saka ako pumunta ng banyo para mag-ayos.

*After 1 hour*

"Guys sorry. Sorry talaga. Sorry." Kanina pa ko humihingi ng sorry kay Coline at Grey dahil isang oras ko silang pinag-hintay pero hanggang ngayon hindi pa rin nila ko kinakausap.

"Mi-yan-ham-ni-da. Sorry na. " Lambing ko kay Coline with matching yakap. Alam ko namang hindi nya 'ko matitiis.

"Wag mo nga kong i-korean chuchu dyan. Sabi mo 10 minutes lang. Tapos naging 1 hour? Hay naku Enna. Buti nalang talaga may kotse at mabait tong si Grey. Ba't ba kasi ang tagal mo? Eh Naka jeans at shirt ka lang naman. Kala ko nga nag-gown ka na eh." Himutok nya sa'kin.

Hay. Finally. Kinausap din ako. Eh kasi naman. Bigla nalang sumakit yung tiyan ko kaya hindi ako nakaalis agad sa banyo. Ayaw ko namang sabihin pa yun sa kanila. Nakakahiya kaya.

"Basta. Hayaan mo na. Bawi ako next time." Sagot ko sa kanya.

"Next time ka dyan. Lilibre mo ko mamaya ng milk tea noh."

"Haha. Oo na. Sa ikatatahimik ng kaluluwa mo."

"Buti naman! Mwahaha! Teka lang Enna ha. Kausapin ko lang 'tong si Grey. Uy malapit na ba tayo?" Tanong ni Coline kay Grey na nag-mamaneho ng sasakyan. Yes. Nasa kotse nya kami ngayon. Nasa likod kami ni Coline at sya yung nasa front seat.

"Medyo trapik eh. Pero malapit-lapit na din tayo." sagot nya.

Bakit may trapik? Dumaan pa kasi kami sa mall. Magwi-withdraw daw 'tong si Coline ng pera para may magamit sya mamaya.

X & Y (Ex and Why)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon