"He who never stop trying."
CJ's POV
Bago pa man magsimula ang concert sa gym, ramdam ko na ang kaba sa buong katawan ko. Hindi dahil sa magpeperform kami sa harap ng maraming tao... kundi dahil kay Enna.
Wala akong ideya sa mangyayari mamaya. Hindi ko alam kung pupunta sya o hindi, pero sana naman, oo. Gusto kong marinig nya yung kakantahin ko para sa kanya. Gusto kong malaman nya yung saloobin ng puso ko. Baduy bang pakinggan? Walang basagan ng trip Brad.
Lumipas ang oras nang hindi ko namamalayan... nalingat lang ako sandali kami na pala ang magpeperform. Narinig ko na tinatawag na kami sa stage.
"Okay. Tama na muna ang party. Bakit hindi naman tayo mag-senti? Please welcome... The Kerosene!" Narinig kong pagpapakilala ng host sa'min. Agad namang naghiyawan ang mga estudyante sa gym.
Pagkasampa pa lang namin sa stage, inayos kaagad namin ang mga instruments na gagamitin namin. Si Benj ang drummer. Si Sam naman ang sa rythm. Si Eduard sa bass. At si Keith bilang vocalist ng grupo. Eh ako? Ayun. Second voice at lead guitarist.
So eto na nga. Magpeperform na kami. Nasa bandang gilid lang ako, natatakpan ng kurtina ng stage. Sinadya ko talaga yun para sa huling kanta. Kahit na may harang, sinigurado kong makikita ko parin si Enna sa pwesto ko. Salamat talaga kay Coline.
Una naming tinugtog ang 'Martyr Nyebera ng Kamikazee'. Kasunod ang 'Welcome to the Black Parade ng My Chemical Romance.' At ang pinaka huli, yung kinanta ko, 'Sandali lang ng Silent Sanctuary.'
Unang linya pa lang ng kantang 'Sandali lang', alam kong alam ni Enna na ako yung kumakanta. Napansin ko yun ng makita ko sa expression ng mukha nya na para bang may hinahanap.
Ipinagpatuloy ko ang pagkanta ko hanggang sa kahuli-hulihang lyrics ng kanta, pero bago ko pa man matapos, nakita kong wala na si Enna sa pwesto niya. Si Coline nalang ang nandoon.
Dahil distracted na 'ko, hindi ko na tinapos ng maayos ang kanta. Agad akong bumaba ng stage para hanapin si Enna. Dyahe nga eh. Hindi ako nakapagpaalam sa mga kabanda ko. Hindi naman siguro sila magagalit.
Nang makababa na 'ko, pinuntahan ko agad si Coline para tanungin kung nasaan si Enna.
"Coline. Si Enna?"
"Hindi ko alam."
"Ha? Anong hindi mo alam? Diba magkasama kayo kanina?"
"Pwede ba CJ."
"Please Coline. Sagutin mo ko. Nasaan si Enna??"
"Hindi ko nga alam. Kung alam ko man, hindi ko na sasabihin pa sayo. Pumayag ako sa plano mo dahil gusto ko kayong magka-ayos ni Enna. Pero sa nakikita ko... lalo lang sya nahihirapan. You know her. We know her. She's too weak to handle the pain. Kaya sana naman, PLEASE. Utang na loob. Let her go!" Natanga ako sa sinabi nya. I know, she has a point but I have mine too. I need to find her.
"I love her. I really love her." Yun nalang ang nasabi ko sa kanya saka ako umalis para hanapin ulit si Enna.
"Masyadong maraming estudyante. Pa'no ko makikita si Enna? Sige, sa labas ng gym nalang ako maghahanap." Bulong ko sa sarili ko.
***
Nasa labas na 'ko ng gym at kitang-kita ko ngayon ang liwanag ng buwan. Pwede kayang mag-wish sa kanya? Di ba may ganun? Wala ba? Tsk. Ano ba 'tong kabadingan na naiisip ko.
"CJ?" Napatigil ako nang may narinig akong tumawag sa'kin.
Teka, si Enna ba yun?? Wow. Hindi pa ko nagwiwish sa moon pero na-grant nya na agad ang hiling ko.
"Enna..."
"Bakit ka nandito?" Galit nyang sabi.
"Enna. Please mag-usap tayo."
"Ano pang pag-uusapan natin? Tapos na tayo CJ. Tapos na."
"Yun na nga eh. Ayoko pang tapusin natin. Enna. PLEASE. I'M BEGGING. Would you give me a second chance?"
Natahimik sya sandali at saka nagsalita...
"Ah.Yun ba ang gusto mo? Edi okay. Sino nga ba 'ko para hindi magbigay ng second chance? Malalaman mo ang sagot ko pagkatapos ng Foundation week." Tumalikod sya sa'kin saka naglakad pabalik ng gym.
Ganun lang yun? Payag na sya? Ba't parang may mali. Parang hindi sya si Enna na nakilala ko. Anong nangyari?
![](https://img.wattpad.com/cover/19563074-288-k740909.jpg)
BINABASA MO ANG
X & Y (Ex and Why)
ChickLitLoving a person is a fairy tale but choosing to break someone's heart is a damn reality. <//3