"To conquer. To fight."
ENNA's POV
"Happy Aniversary sa inyo Enna!"
"Uy Enna, Happy aniv. sa inyo."
"Congrats 2 years na kayo! More love to come!"
Nasa gate pa lang ako ng University namin, 'yan na kaagad ang bumungad sa'kin. Hindi ko nga alam kung matutuwa ako sa mga bati nila o maiinsulto. Kung sabagay, wala naman silang alam tungkol sa nangyari sa'min ni Cj kaya hindi ko dapat ikagalit 'yun. Pero kung malaman man nila, for sure, mas lalong magiging masaya sila.
"Ano, kakayanin mo ba talaga?" Tiningnan ko si Ryan matapos nya 'kong tanungin saka ako ngumiti sa kanya. Ngiting may lungkot sa mata. Kakayanin ko. SIGURO. Hindi naman pwedeng lagi nalang ako susuko sa mga bagay-bagay. Dapat tibayan ko ang puso ko, kahit na alam kong may kahinaan 'to.
"Oo naman. Kakayanin Sir!" Sumaludo ako sa kanya, tapos tumakbo ako para di nya makita 'yung nangingilid na luha sa mga mata ko. Ayaw kong magsawa sya sa'kin. Lagi nalang kasi akong umiiyak sa harapan nya.
"Hintayin mo 'ko Enna!" Lumingon ako sa kanya at nakita kong patakbo na sya papalapit sa'kin.
"Oh. Sige. Dito na ko Ryanskie. Punta ka na sa Building mo. Baka malate ka tapos ako pa maging dahilan. Ewan ko ba sayo kung bakit ba hinatid mo pa ko ngayong araw eh kaya ko naman. Ang layo kaya ng College of Music sa College of Education." Tinulak ko si Ryan palayo sa'kin para magsimula na s'yang maglakad.
"Hindi kita hinatid noh. Diba tinext mo ko na ikwekwento mo sa'kin yung nangyari, kaya ayun sumama ako hanggang dito. Ang haba kasi ng kwento mo, ang drama pa. Haha! Sige, kita nalang tayo mamayang uwian." Nag-wave muna sya sa'kin saka sya umalis. Assuming talaga ko kahit kailan. Akala ko hinatid nya ko, nakitsismis lang pala. Baliw talaga 'tong si Ryan.
***
Pagka-alis ni Ryan saka naman ako naglakad papuntang room ko. Five-storey yung building ng College of Education katulad din sa College of Music. At dahil napakaswerte ko, nasa 5th floor ang klase namin. In short, lawit na dila ko, hindi pa ko nakakarating sa taas.
Medyo may kahirapan ang University na pinapasukan ko pero may elevator kami. Oo. May elevator ang building namin. Pero exclusive lang 'yun para sa mga teaching personels at visitors. Bawal 'yun gamitin ng mga estudyante maliban na lang kung may sakit. Minsan nga nagpapanggap akong may sakit para lang makagamit ng elevator eh. Para-paraan lang 'yan!
Habang naglalakad ako sa hagdan, tiningnan ko ang relo ko.
"Alas-nuebe pa lang. Maaga pa pala ko para sa first subject namin. Sige babagalan ko nalang para eksakto lang ang dating ko sa room." Nasa 3rd floor na 'ko ng mapansin kong hindi pa pala ako late kaya napagpasyahan kong maglakad na para bang nasa buwan, para atleast, on-time ako pagdating ko sa room. Baka kasi kung ano nang tsismis ang kumalat. Mabuti pang lesson agad ang madatnan ko.
"Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat." Woooh. Konti nalang nasa 5th floor na'ko. Limang hakbang pa.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagbilang ko ng biglang...
"Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. LI------!"
"ENAAAAAAAAAAA!"
Ayy. Kabayo ka. Shemms. Sino yuun?
Nagulat ako sa babaeng bigla nalang sumigaw ng malakas. Galing sya sa 5th floor. Dahil nadistract ako sa tining ng boses nya, nabaling ang atensyon ko sa kanya at hindi ko nakita yung last stair na dapat aapakan ko, kaya naman na-out of balance ako...
"AAAAAAAAHHHHHHHHHH!"
Lahat ng bagay na nahuhulog, nababasag.
At kapag nabasag na ang isang bagay, hindi mo na kailanman pa maibabalik 'yun sa dati nitong porma...
BINABASA MO ANG
X & Y (Ex and Why)
ChickLitLoving a person is a fairy tale but choosing to break someone's heart is a damn reality. <//3
