"Sa larong ito, ang unang mabuko, siya ang talo."
ENNA's POV
Sa di inaasahang pagkakataon, nakasalubong namin ni CJ, sa labas ng cafeteria, si Grey. Another awkward moment na naman para sa'ming tatlo. Jusko naman. Bakit ngayon pa? Hindi ba pwedeng bukas nalang? o sa isang araw? Pwede ring wag na kahit kailan. Naii-stress na talaga 'ko. Ayoko ng ganitong feeling.
Pinilit kong umiwas ng tingin sa kanya pero sadyang may kung anong bagay na hindi ko mapigil sa sarili ko. Siguro dahil 'yun sa kagustuhan kong makita ang expression ng mukha niya. Anong malay ko, baka maisipan niyang isigaw ang sikreto namin ni CJ. Mabuti nang ready ako.
Sa huli, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagtama ang mga mata namin at ilang segundo din kaming nagkatitigan. Walang nagsasalita. As usual, ako ang talo. Ako ang unang umiwas. Palpak na naman ako. Hindi ko nabasa ang iniisip niya.
Aish! Napaka bipolar niya talaga. Noong nakaraang araw, sabi niya bigyan ko daw ng chance si CJ. Tapos kahapon, tinanong niya ko kung nagdalawang isip daw ba 'ko. Kung mahal daw ba talaga ako ni CJ. Kyaah! Nababaliw na talaga ako.
"Oh, Grey. Kamusta?"
Nahinto ako sa pag-iisip ng kung anu-ano nang biglang magsalita si CJ. Nakangisi niyang binati si Grey habang nasa balikat ko ang braso niya. I almost forgot na kasama ko pala sya.
"Mabuti naman. Ikaw ba?" nakangiting sagot naman ni Grey.
Napapailing na lang ako sa mga nangyayari. Actually, nahihiya talaga ako kay Grey. Hindi naging maganda ang pag-uusap namin kagabi tapos nasigawan ko pa sya. Samantalang mabait naman siya sa'kin. He saved me twice and I thanked him for doing that. Kung alam niya lang.
"Good for you. Okay lang din naman ako. Teka. Kasama mo ba si Enna kahapon? Bigla kasi kayong nawala pareho."
Pagkatapos itanong ni CJ yun, tumingin siya sa'kin na para bang hinuhuli ang magiging reaction ko. Oh great. For pete's sake. Oo. Oo ang sagot. Okay na ba? Pwede na ba 'kong huminga? Heto na naman tayo sa 'Lying Game' na yan.
"Hindi kami—" sasabihin ko palang sana na hindi kami magkasama kahapon ng bigla namang sumingit si Grey.
"Oo. Magkasama kami..."
Napatitig nalang ako sa kanya at ganun din sya sa'kin. He paused for a moment at saka ibinalik ang tingin kay CJ. Tumibok naman ng mabilis ang puso ko. Natatakot ako sa anumang bagay na pwede niyang sabihin.
"Kasama mo si Enna?" Pag-uulit ni CJ.
"Oo. Kasama ko sya... Pero naghiwalay din kami pagkarating namin sa gate ng university. Sabi niya, uuwi na daw sya. Masama daw pakiramdam niya eh. Diba Enna?"
BINABASA MO ANG
X & Y (Ex and Why)
ChickLitLoving a person is a fairy tale but choosing to break someone's heart is a damn reality. <//3
