Update #9: The Bridge between Them

433 11 7
                                    

"Taking chances."

COLINE's POV

Fourth day na ngayon ng Foundation week namin. Ambilis noh? Hindi ko man lang naramdaman. Napaka-busy kasi namin sa 'The Souvenir'. That's our booth, remember? Daming orders and stuff kaya ayun, walang enjoyment. Di bale, susulitin nalang namin ang last day. By the way, sa mga di masyadong nakakakilala sa'kin, I'm Coline Urmeneta, ang not-so-rich but sosyalerang girl best friend ni Enna.

How we became friends? Hindi ko alam kung paano eh. Basta ang natatandaan ko lang, I met her at school tapos nag-kausap kami... after that, lagi ko na syang sinusundan. You know what, Enna is a nice girl and I don't know why she got bullied. In fact, she has everything. Looks, brain, talent, attitude etc. Maybe, that's the reason why.

So how she survived her first year in college? I don't have the right to tell the story but, it's because of Crisanto Jaime 'CJ' Soberano. You know him right? Sya lang naman ang prinsipeng hinahangad ng bawat babaeng estudyante sa Mount Guinevere University. Syempre except from me. I know him. He's a bad boy. A thug. I heard a lot of rumors about him. At lahat ng yun, puro di maganda. Kaya nga nung nalaman kong girlfriend nya na si Enna, as he announce it to all student body, napailing nalang ako. Kung paano at bakit nangyari 'yun? Hindi ko na alam ang detalye.

Alam nyo ba, nung una, may duda talaga ako kay CJ. Pero nung tumagal sila nang two years ni Enna, saka lang ako nagkatiwala sa kanya.

Speaking of Enna. Until now, pansin ko, parang wala pa rin sya sa sarili nya. Palaging may malalim na iniisip. Nagsimula yun pagkatapos nung concert eh. Naku! This is my fault. T_T Dapat talaga hindi ako pumayag sa plano ni CJ.

*Flashback*

Monday Morning. Before the concert.

♪ ♪ Saturday morning jumped out of bed and put on my best suit ... Got in my car and raced like a jet, all the way to you... ♪ ♪

"Aga-aga. Istorbo. Tsk. Asan ba yung phone ko?" Sabi ko habang hinahanap ang phone ko sa kama ko. Yes. Kagigising ko lang.

♪ ♪ Knocked on your door with heart in my hand To ask you a question... Cause I know that you're an old fashioned man yeah yeah... ♪ ♪

At last. Nahanap ko din. Nasa ilalim lang pala ng kama ko...

"Hello?" Asar kong sabi sa kabilang linya.

"Ah-Eh-"

"Hello??" Anak ng shawarma naman oh. Ginising-gising ako nang maaga tapos yun lang ang sasabihin?

"Ah-eh-" sagot nya ulit.

"Hoy kung nantitrip ka, dun sa lasing! Wag sa bagong gising!" Sigaw ko sa kanya. Badtrip eh.

"Coline..." Finally, nagsalita din nang maayos. Wait. Sino nga pala 'tong tumatawag? Tiningnan ko ang screen ng phone ko at nakita ko ang pangalan ni CJ.

"Oh. Ikaw pala." Cold kong sabi sa kanya. I know what he did to Enna kaya galit ako sa kanya. Akala ko tuluyan na syang nagbago pero hindi pala.

"Coline... can you do me a favor?"

"Favor?" pataray kong sagot sa tanong nya.

"Please Coline. Sana mapapunta mo si Enna mamaya sa concert..." Concert? Si Enna? Imposible.

"CJ mukhang hindi ko magagawa yan..."

"Bakit?"

"Mahihirapan akong pilitin si Enna. Alam kong ayaw ka nyang makita. Kaya for sure, hindi talaga yun pupunta sa concert."

"Please... Coline... Gawan mo ng paraan." Hindi ko sana gagawin yung favor nya eh kaso lang may narinig ako sa kabilang linya... I heard him sobbing.

"Umiiyak ka ba?"

"Ah. Wala to. May sipon lang ako. Sige Coline. Aasahan ko kayo mamaya ah. Salamat." Hindi pa 'ko sumasagot eh pinatay nya na agad ang phone nya.

*Back to Reality*

At yun nga. Nakumbinsi ko si Enna na pumunta sa concert. Hindi talaga sana ako papayag eh. Kaso... naawa ako kay CJ. Mukhang sincere naman sya. At saka gusto ko na ring magka-ayos na sila. Pero mukhang bad idea yata yung ginawa ko...

"Enna, okay ka lang?" Tanong ko kay Enna na nasa cashier ng booth namin.

"Ako? Oo naman." Matamlay nyang sagot sa'kin.

"Enna, sorry ha."

"Bakit ka naman nagsosorry?" pagtataka nya.

"Ano kasi. Hindi talaga mag-peperform si Ryan nung araw nung concert."

"Ano? Hindi ko ma-gets."

"Sinabi ko lang yun para pumunta ka..."

"Bakit mo nagawa yun? Alam mo namang masasaktan ako diba?"

"Gusto ko kasing magka-ayos na kayo ni CJ. Pero parang lumala pa yata yung away nyo..." Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Haay. Bakit ba napaka-komplikado ng mundo natin? Punasan mo na nga yang luha mo. Hindi bagay sayo eh." Natatawa nyang sabi.

"Hindi ka galit?" Tanong ko sa kanya.

"Nope."

"Bakit ba ang bait mo Enna Castillo?" Pagbibiro ko sa kanya sabay punas ng mata.

"Hindi ko din alam eh. Haha!" Defense mechanism talaga nito ang magpanggap na masaya sya.

"Pero Coline..."

Natigilan ako sa pagtawa ng tanungin nya 'ko...

"Do you think... he deserves a second chance?"

X & Y (Ex and Why)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon