Update #1: She's Enna

1.9K 43 63
                                    

"He lied. She believed."


ENNA's POV

"Akala ko siya ang hindi makakatulog kasi hindi niya kayang wala ako... Pero mali pala. Ako pala ang iiyak kasi hindi ko kayang wala sya."

I'm crying right now. AGAIN. Siguro sawang-sawa na 'tong bestfriend kong si Ryan sa 'kin. Siya kasi lagi ang nakakarinig ng mga rants ko sa buhay.

"Nag-away na naman ba kayo ng boyfriend mo?" pagtatanong nya sa'kin.

I can't barely look into his eyes. Aish! Alam ko namang alam nya na 'yun nga ang reason kung bakit mugto ang mga mata ko ngayon. Hindi kasi ako nakatulog nang maayos dahil sa pag-iisip sa naging away namin last week...


*Flashback*


"Oy? Asan ka ba? Bakit di ka nagrereply?"

Message sent. 9:00 pm


"Oy? Asan ka ba kase? Bakit di ka nagrereply?"

Message sent. 9:02 pm.


"Aish! Buhay ka pa ba?"

Message sent. 9:05 pm.


"Pag di ka pa nagreply, break na tayo. Tsk."

Message sent. 9:07 pm.


Paranoid na kung paranoid pero kanina ko pa kasi sya tinetext eh, namuti na nga mata ko, pero wala pa rin. Hindi man lang mag-reply ng kahit ano. Kahit blank message. Hindi naman siya ganoon eh. Ngayon lang nangyari 'to.

Because of overthinking, nagpaalam ako kay Mama na pupuntahan ko si CJ sa bahay nila. Nasa tapat na 'ko ng gate nila nang makita ko ang kapatid nya.

"Hi JP. Nandyan ba kuya mo? Buong araw na kase akong nagte-text sa kanya pero di sya nagrereply." Napakamot nalang sya ng ulo nang marinig niya ang tanong ko.

"Ha? Akala ko ba Ate Enna ikaw ang kasama ni Kuya? Sabi niya aalis daw kayo ah? Hindi ba ikaw 'yon?"

Napatulala ako sa sinabi niya. Teka. Wala naman akong natatandaang may pupuntahan kami ah. Ano 'tong sinasabi ni JP? Lalo tuloy akong napa-paranoid.

"Diba Ate Enna Anniversary niyo next week ni kuya? Baka naman gusto ka lang niya sorpresahin."

Aish. Oo nga pala. Malapit na ang anniversary namin. Muntik ko pang makalimutan. Magtu-two years na nga pala kami ni CJ.

"Ah siguro nga JP. Sige uwi na 'ko. Pakisabi na lang sa kuya mo na pumunta ako dito. At pakisabi na rin pala na mag-text siya pagkauwi nya kasi nag-aalala ako. Salamat. Babay!" Ngumiti ako nang pilit saka nagpaalam sa kanya.

Pauwi na 'ko nang maisipan kong dumaan muna sa pinaka malapit na Ice-cream Store . Tutal madadaanan ko naman 'yon. At saka, gusto ko ring magpalipas nang kahit kaunting stress man lang.


*SA STORE*


Dumating ako sa store bandang 10:00 pm. Medyo wala ng tao. Gabi na kasi. Unti-unti ko tuloy naramdaman ang lamig ng aircon sa lugar dahil sa suot kong shirt at maikling shorts. Lalo tuloy akong hindi nakapag-relax. Aish! Ano ba Enna. Kaya ka nga pumunta dito diba? Para kumalma ka. Kainin mo na nga 'yang ice cream mo nang makauwi ka na.

X & Y (Ex and Why)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon