"Meron akong alam. Hindi ko sasabihin."
ENNA's POV
Halos one and a half hour din kaming nasa byahe ni Grey. Hindi ko talaga alam kung saan nya ko dadalhin so I texted my mom na mukhang gagabihin ako. Tinext ko din sila Coline na nasa bahay na 'ko para naman di sila mag-worry. I told them na ayoko munang makipag-usap and I just want to have a sound sleep. I LIED, I KNOW. But that was a white lie. Kaysa naman mag-freak out sila at hanapin pa 'ko.
"We're here!"
Nabaling ang tingin ko kay Grey na kanina ay nasa bintana ng kotse niya. He suddenly stopped the car at saka naunang bumaba. Nang makalabas na sya, pinagbuksan naman niya 'ko at nakita ko ang isang malaking bahay. A mansion, I guess.
"Is that your house?" I said with an amazement on my face. Wow. Just wow. Ang laki eh! Labas pa lang yan. What more kung pumasok pa kami sa loob.
"Yes. Pero tuwing weekends lang ako umuuwi dito. I prefer condo. Mas malapit sa school," sagot niya habang kinukuha ang mga gamit namin na nasa back seat ng kotse niya.
"Let's go inside," pag-aaya niya sa'kin while holding my right hand as we go in front of the main door. Nag-door bell sya ng tatlong beses at bumukas naman 'yun kaagad.
Bumungad sa'min ang isang babae, siguro nasa mid-forties na sya, na naka-casual na suot lang.
"Magandang hapon Sir! Buti napasyal po kayo!" She greeted us lively. Napansin ko namang napatingin sya sa kamay naming dalawa. Inalis ko naman yun agad at saka ilang na ngumiti sa kanya.
"May bisita po pala kayo Sir." Aniya habang inuudyo udyo si Grey.
"Ah. I-Im not his girlfriend po. Hehe," paglilinaw ko sa kanya.
"Yeah. She's not my girlfriend Manang Lucille. But, soon to be." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya, buti nalang, agad niyang binawi yun.
"Haha! Nagbibiro lang ako. Tara na nga sa living room. Manang pahanda po ng makakain ha. Salamat!"
Umalis na si Manang Lucille kaya dumiretso na kami sa living room ng bahay nila.
"Oy Grey. Bakit ganun ang suot ng mga kasambahay nyo dito?" usisa kong tanong.
"What? May mali ba sa suot nila?"
"Wala naman. Pero bakit casual lang? Eh diba mayaman kayo? Wala ba kayong propose na uniform nila? Diba ganun sa TV?"
"Haha! That was funny. Wala naman kaming pakialam sa kung anong isuot nila. Basta disente okay na. At saka, we treated them as one of our family members. Yung mga napapanuod mo kasi, masyado nilang ine-exagerate ang mga mayayaman. Di lahat matapobre noh."
"Ah. Ganun pala," mahina kong sabi sa kanya. Iba din talaga 'tong si Grey. Ang humble kahit super yaman. Hindi na 'ko magtataka kung bakit mas pinili niya ang Mt. Guinevere kaysa sa ibang exclusive universities.
Nang makarating kami sa living room nila, agad akong umupo sa sofa. Yes. Upuan session na naman. Nangangalay na nga yung pwet ko eh. Pero ano ba naman ang gagawin ko dito.
"Dito ka muna. Magpapalit lang ako ng damit," pagkasabi nya nun sa'kin, tumalikod na sya saka naglakad papuntang kwarto niya.
"Hindi naman siya siguro magagalit kung lilibutin ko ng konti ang bahay niya."
Yes. You read it right. I decided to explore his house. Wala namang masama dun diba?
Sa paglilibot ko, marami akong nakitang paintings na nakasabit sa wall. Puro mukha. Siguro mga ninuno niya. Hehe! Infairness, kamukha niya. Ang dami ding rooms. Iba-iba lahat. May mini theater. May gym. May studio. In short, complete package.
BINABASA MO ANG
X & Y (Ex and Why)
ChickLitLoving a person is a fairy tale but choosing to break someone's heart is a damn reality. <//3
