"Romeo save me I've been feeling so alone. I keep waiting for you but you never come..." -Taylor Swift.CJ's POV
From: Tita Grace
"CJ pwede mo bang samahan si Enna?"
Message seen. 8:00 am.
I was preparing my breakfast and sipping my hot coffee nang mabasa ko ang text ni Tita Grace. Yes. Siya ang mom ni Enna. Medyo nagulat nga ako dahil unexpected 'yon at masyado pang maaga. Hindi ako early bird na tao. Sa katunayan nga eh kagigising ko lang, pero dahil tungkol kay Enna ang text at mukhang urgent, agad akong naghanda sa pagpunta sa bahay nila.
While I'm on my way to Enna's house, I texted my bandmates na pass muna ako sa jamming session namin ngayong araw dahil may importante akong gagawin. Hindi ko na binanggit pa ang reason dahil for sure, kakantyawan na naman nila 'ko.
Nang makarating ako sa harap ng bahay nila Enna, eh nakita ko ang family niya na papasok pa lang ng bahay nila. Bago pa man maisarado ni Tita Grace ang gate eh nakita niya na 'kong papalapit sa kanya.
"Oh, CJ nariyan ka na pala," nakangiti nitong bati sa 'kin. Agad naman niya akong pinapasok sa bahay nila. Pinaupo niya ako sa may sala at saka pinaghanda ng pagkain.
"Kumain ka muna. Baka hindi ka pa nagbe-breakfast," pagyayaya niya sa 'kin habang iniaabot ang mga bagong lutong pancakes with matching hot choco. Tumanggi naman ako dahil kumain na 'ko sa bahay.
"Okay lang po. Busog pa po 'ko." Ngumiti ako kay Tita Grace saka inilibot ang mga mata ko sa bawat sulok ng bahay. "Ah-eh Tita, si Enna po?"
Muntik nang mapatalon si Tita nang marinig niya ang sinabi ko.
"Ay oo nga pala, CJ! Muntik pang mawala sa isip ko, buti pinaalala mo. 'Yon nga pala ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito."
Umupo si Tita sa tabi ko saka ipinagpatuloy ang sinasabi niya. "Si Enna kasi, she wanted to go somewhere, eh nag-aalala kami ng daddy niya baka maligaw at kung anong mangyari sa kanya, kaya ayun, gusto namin sana eh, masamahan mo siya."Natuwa naman ako sa sinabi ni Tita. Na-realize ko na malaki ang trust nila sa 'kin when it comes to their daughter. Nagtaka nga lang ako dahil hindi ko pa nakikita si Enna simula pa kanina.
"Ayos lang po. It's my honor po na ipagkatiwala sa 'kin ang anak niyo. Pero nasaan na po ba siya?" ani ko habang tinatanaw pa rin ang buong kabahayan nila.
"Ano kase CJ, hindi mo makakasabay si Enna. Nauna na kasi siya at kakaalis niya lang kani-kanina bago ka dumating. Sa totoo lang, hindi niya talaga alam na susundan mo siya eh. She wanted to go all by herself kaya pinayagan namin, but to assure na magiging safe siya sa trip niya, tinext ka namin."
Matapos 'kong marinig ang paliwanag ni Tita Grace eh tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpaalam sa kanya.
"Sige po Tita. Alis na po 'ko. Baka maabutan ko pa po siya. Don't worry po, I'll make sure na hindi niya malalaman na sinusundan ko siya."
Nag-wink ako kay Tita bago umalis at nagpasalamat naman siya sa 'kin nang sobra dahil sa pag-eeffort ko para kay Enna. Plus pogi points daw 'yon. Hehe!
So after nun, dumiretso na agad ako sa terminal ng bus. At sa kasamaang palad, hindi ko roon nakita si Enna. Nagtanong-tanong ako sa mga konduktor na naroon at ang sabi eh nakaalis na 'yong first trip papuntang Secret Paradise. Kaya 'yon, wala akong nagawa kundi maghintay ng susunod na byahe.
Ilang minuto lang ang tinagal nang pagtayo ko sa gilid ng terminal at agad na rin akong nakasakay. Umalis naman agad ang bus dahil mabilis itong napuno ng mga pasahero.
![](https://img.wattpad.com/cover/19563074-288-k740909.jpg)
BINABASA MO ANG
X & Y (Ex and Why)
Literatura KobiecaLoving a person is a fairy tale but choosing to break someone's heart is a damn reality. <//3