Update #4: Say Something

489 17 16
                                        

"He keeps on fighting. She keeps on crying."



CJ's POV


"Enna..." Mahina kong bulong sa sarili ko. Nakita ko si Enna palabas ng elevator. Nakatingin lang sya sa'kin. I can see in her eyes how hurt she was. Sino ba naman ang matutuwang makita ang boyfriend nya unexpectedly na hindi nagparamdam ng halos isang linggo. It's been a week since huling nakita ko sya, tapos umiiyak pa sya 'nun.


Pa'no ko nalamang na-stuck siya sa elevator? Narinig ko yung mga kaklase ko na pinag-uusapan na nasira na naman yung elevator at nasa loob daw si Enna. Kaya ayun, napatakbo agad ako dito sa building ng Co-Ed. Teka sino naman 'tong epal na lalaking 'to? Bakit nakahawak sya sa balikat ni Enna? Pinagpalit nya na ba 'ko? Gumaganti ba sya sa'kin?


Alam kong galit kayo sa'kin for cheating Enna. But let me clear this. I NEVER CHEATED ENNA. Maybe I'm a thug but not a cheater. Masyado ko yatang mahal si Enna para lokohin lang. Mali lang ang pagkakaintindi nya sa nakita nya. Hindi naman kami hahantong sa ganito kung pinagpaliwanag nya lang ako. She never give me a chance to explain everything and it really hurts on my part.


Lumapit na ko kay Enna dahil nababadtrip na 'ko sa lalaking kasama nya. Four hours silang natrapped sa elevator. Sapat na yun para maging close sila. Ayoko namang magkaroon pa ng ibang ka-close na lalaki si Enna bukod sakin. Oh sige na. Bukod pa sa'kin at kay Ryan.


"Pare, salamat dahil inalagaan mo girlfriend ko. Enna, tara na? Sige una na kami sayo." Inalis ko ang kamay nung lalaking yun sa balikat ni Enna saka ipinalit ang mga kamay ko. Siguro naman nakaramdam sya sa ginawa ko. Si Enna? Ayun. Mukhang nagulat sa ginawa ko. Ramdam ko na galit pa rin sya sa'kin.


"Sige Grey. Mauna na kami. Next time nalang ulit." Ngumiti si Enna sa lalaking nag-ngangalang Grey saka naunang maglakad paalis.


Hinabol ko si Enna. Ambilis nyang maglakad. Mukhang ayaw nya talaga akong makausap.


***


Sa kagustuhan kong makausap sya, sinundan ko lang sya kahit saan sya magpunta. Ayaw nyang tumigil maglakad. Naka-ilang ulit na naming nalibot ang Quadrangle, pero ayun, wala pa din.


"Enna ano ba? Habang buhay nalang ba tayong ganito?" Hinawakan ko na sa braso si Enna para tumigil na sya sa pag-lakad.


"Bakit? Napapagod ka na? Kung pagod ka na eh di tumigil ka. Wag mo na 'ko sundan." She gave me a cold stare saka naglakad ulit palayo sa'kin.


"SO GANUN NA LANG YUN??? TATAKBUHAN MO NA LANG??? PA'NO NATIN 'TO MAAAYOS KUNG AYAW MO 'KO KAUSAPIN?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsigaw. Nakakainis lang kasi, ayaw nya ko pakinggan.


Maya-maya pa'y napansin ko na tumigil sya sa paglakad... na-stuck sya sa gitna ng daan kaya agad na 'kong lumapit sa kanya. Nakatayo lang sya dun. Walang kibo. Umiiyak habang nakayuko.


"Enna... hindi ko alam kung pa'no to sisimulan pero kung ano man ang nakita mo nung araw na 'yun... mali ka ng iniisip."


"Yan lang ba sasabihin mo?" sarcastic nyang pagkakasabi.


"Ayoko ng ganito tayo Enna. Ayoko ng nakikita kitang nasasaktan ng dahil sa'kin. Ayoko ng hindi makatulog sa gabi kasi magka-away tayo. Ayoko ng iniiwasan mo 'ko. Ayoko ng ma-miss yung mga text mo... mga tawag mo. Ayoko ng hindi makita ang mga ngiti mo. Ayoko ng hindi marinig ang mga jokes mo, mga hirit mo. Ayoko ng wala ka sa tabi ko... Kasi gusto kita. Gustong-gusto..."


Hindi ko namalayang may tumutulong luha na pala sa mga mata ko. Niyakap ko si Enna ng mahigpit para maramdaman nyang totoo ang mga sinabi ko.


Nanatili kami sa ganung posisyon sa loob ng ilang minuto. Walang nagsasalita. Until Enna choose to break the silence...


"CJ... sa tingin ko, kailangan muna nating... maghiwalay..."



X & Y (Ex and Why)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon