"Foundation day!"
ENNA's POV
Monday Morning. First day ng Foundation week. Sa classroom.
"Enna! Anong plano mo sa booth natin?" Tanong sa'kin ni Vanessa.
"Plano? Kailangan ba nun? Hala! Wala eh." Pagbibiro ko sa kanya.
Actually wala pa talaga akong naiisip. Ang hirap kaya mag-conceptualize ng mag-isa ka lang. Oo. Mag-isa lang ako. Bakit? Eh kasi naman, walang gustong tumulong sa'kin. Kung meron man, si Coline lang. Tapos dun lang sya sa 'kain part' tutulong. Haay. Yung iba kasi super busy sa pag-aayos ng mga mukha nila. Para namang may papansin sa kanila mamayang gabi...
Anong meron? May mini concert na magaganap mamayang 7pm sa Gymnasium. Every year ginaganap yun. At ang organizer nun eh ang College of Music and Arts. Paniguradong nandun sya kaya plano kong hindi pumunta.
"Kung kailangan mo ng tulong, pwede mo kaming tawagin." Singit na sabi ni Xy. Tingnan mo nga naman. Pumasok na pala sya. Ilang linggo din syang hindi nagparamdam. Siguro nahiya sya sa ginawa nya sa'kin.
"Ah. Hindi. Okay na ko." Sagot ko sa kanya na may kasamang ngiti. Syempre ngiting plastik yun. Bakit ba kasi ang liit lang ng mundong ginagalawan naming tatlo.
"Enna... Pwede ba tayong mag-usap?" Usap? Your face! Wala 'kong panahon para makipagplastikan sayo.
"Ah. Sorry. Busy kasi ako ngayon. Dami ko pang gagawin eh. Maybe next time?" Anong next time? Walang next time! Kung hindi lang talaga nakatingin 'tong mga classmates namin baka kung ano na nagawa ko sa kanya. Naku!
"I understand. Sige next time na lang." Tumalikod sya sakin at saka pumunta sa desk nya. Buti naman at lumayo na sya sakin! Muntik ko ng maisaksak sa leeg nya yung gunting na hawak ko. Pero syempre joke lang yun. Ayokong magkasala sa taas. Baka magkaroon pa kaming tatlo ng reunion sa impyerno. Ayoko nun!
"Enna."
"Uy Enna."
"Uy Enna Castillo!"
"Aray! Ano ba Coline. Ang sakit sa tenga. Bakit mo ginawa yun???"
"Kung si Xy 'yang papel na hawak mo, malamang patay na sya. Tingnan mo ginawa mo..." Tiningnan ko yung papel na hawak ko at nakita kong nakagupit na ito sa maliliit na piraso. Pinong-pino.
"Masisisi mo ba 'ko?" Sagot ko sa kanya. Nagpatuloy lang ako sa pag-gupit ng mga pang-design para sa booth namin.
"Hindi. Siguro. Ewan. Hindi ko pa naman naranasan yan, kaya hindi ko pa alam ang sagot sa ngayon." Seryosong pagkakasabi sa'kin ni Coline.
Haayy. Sabi dun sa qoutes na nabasa ko dati 'Feel the pain until it hurts no more'." Pero bakit ganun? Parang hindi nababawasan yung sakit? Nakadikit pa din yung salitang 'sobra'... Forever na ba 'tong pain na to? Teka... diba walang forever?
Bago pa 'ko tuluyang mabaliw sa kakaisip, mabuti pang tapusin ko na muna 'tong booth namin...
***
Time check: 5:30 pm. Sa school yards.
"Sige. Gilid pa konti. Sige konti pa. Yan sakto na!" Sigaw ko kay Coline habang kinakabit ang sign board. Sa wakas. Natapos din ang booth namin. Kyaaah! Buti nalang umabot kami sa deadline. Hanggang 6pm lang kasi pwedeng mag-ayos ang bawat booth. Bawal ng lumagpas pa 'dun. Dapat daw kasi naghahanda na ang mga estudyante para sa mini concert.
"Welcome to 'The Souvenir'." Masayang bati ni Coline sa mga dumadaan. Yes. Souvenir shop ang peg ng booth namin. Since once a year lang naman nagaganap ang foundation week, dapat may memorabilya silang maiuuwi. Ang theme sa taong ito ay 'Stronger than ever: The Mount Guinevere University 26th Foundation week". So ayun. May shirt, caps at kung anu-ano pang bagay sa itinitinda namin.
BINABASA MO ANG
X & Y (Ex and Why)
ChickLitLoving a person is a fairy tale but choosing to break someone's heart is a damn reality. <//3