Update #14: Bestfriend Zone (Part 1)

318 6 1
                                    

"Unlucky. I'm inlove. With my Bestfriend."

RYAN's POV

She's Enna Castillo. I'm Ryan Reanzares. And we're BESTFRIENDS.

Tss. Ayoko talaga ng label namin ni Enna. Mas gusto ko ang BOYFRIEND kaysa BESTFRIEND. Kaso kung mangyari man 'yun, mukhang literal na meaning ang kalalabasan.

BOYFRIEND = LALAKING KAIBIGAN

Clichè mang sabihin, pero na-bestfriend zone ako. Badtrip diba? Teka nga. Wag na nating pag-usapan yan! Kumukulo lang ang dugo ko sa tuwing naiisip kong napunta si Enna sa napaka walang kwentang lalaking 'yon! Tch.

Siya nga pala, papunta 'ko ngayon sa Cafeteria kung saan nakatambay sina Enna at Coline. Tinext nila ko na magla-lunch na sila. Eh tapos na din naman yung klase namin kaya sasabay na 'ko.

Naka-order na silang dalawa ng pagkain nang dumating ako sa table nila.

"Kamusta? Long time no see ah," bungad na bati ko. Bigla naman akong napatitig kay Enna.

"Wow lang ha. Parang nung isang araw lang magkakasama tayo," basag naman ni Coline sa'kin.

Naputol tuloy yung titig ko kay GF. GF means Given Fate. Oh! Wag nyo ng bigyan ng malisya. Dahil matagal ng MERON. Code name ko yan para kay Enna. Hahaha. Korni? Wala kayong pake.

"Masama bang ma-miss ko kayo?" sabi ko sa kanilang dalawa sabay yakap.

"Sus. If I know, si Enna lang talaga na-miss mo," sabi naman ni Coline. Parang nahahalata niya na yata yung hidden feelings ko para kay GF. Yes. Ako lang may alam nito. Wala pa 'kong pinagsasabihan.

"Hindi noh," tanggi ko naman sa sinabi niya. Hindi dapat malaman ni Enna. Saka na siguro kapag tama na ang panahon.

"Haha! Tumigil na nga kayo," natatawa naman niyang pigil sa'ming dalawa. Mukha namang hindi niya sineryoso yung sinabi ni Coline. Hay. Buti naman.

"YES MAAAM!" - sagot naming dalawa.

"Oy Enna! Sabihin mo na yung good news mo, or should I say, bad news? Hahaha!" Baling ni Coline kay Enna habang ngumunguya ng snack na binili nya.

"Anong good/bad news 'yun?" Singit na tanong ko.

"Ah. Yun? Okay na ulit kami ni CJ," kiming sagot ni Enna.

Napahinto naman ako sa pagkain nang marinig ko ang sinabi niya.

"Ano shock lang? Ganern?" Asar ni Coline sa'kin.

"Talaga? Ahh." 'yun nalang nasabi ko.

"Spell B-I-T-T-E-R? Sobrang haba ng sinabi mo ah. Parang text lang. K." -Coline

Hindi naman ako agad nakaimik. Bago pa ulit ako makapagsalita eh sumingit na si Enna.

"Alam kong nagulat ka, ako nga din eh. Hindi ko alam kung pa'no nangyari yun," paliwanag niya sa'kin habang nilalaro yung carbonara na inorder niya gamit ang tinidor.

Nanatili akong tahimik matapos kong marinig 'yun. Nagpatuloy naman silang kumain. Hindi yata nila napansing nagbago ang mood ko.

Maya-maya pa'y nagpaalam sa'min si Coline kung pwede sumama yung isa nilang blockmate sa table namin. Pag-uusapan daw nila yung tungkol sa project na binigay nung Prof. nila. Sumang-ayon si Enna kaya okay na rin sa'kin.

Naghintay kami ng 20 minutes at dumating nga yung blockmate nila.

"Hi guys!" Bati nya sa'ming tatlo.

"Hello," pilit ko namang sagot sa kanya. Hindi ko sya trip. Parehas ng feelings ko para kay CJ. Mutual!

Hindi ko na talaga maintindihan 'tong mga nangyayari. CJ cheated Enna. Enna broke up with CJ. Tapos ngayon sila ULIT? Anak ng shawarma naman oh! At sino naman 'tong Grey na 'to? Hindi na ba 'ko mauubusan ng karibal pagdating kay Enna?

(A/N: This is Ryan's Point of View sa mga nangyari kaya naulit yung ibang scenes. May part 2 'to. Hahaha! Tinamad ako eh. :) )


X & Y (Ex and Why)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon