Update #3: Her secrets become his truth

1.2K 18 33
                                        

"They know my name, but not my pain."

♪ ♪ There's a girl who sits under the bleachers. Just another day eating alone. ♪ ♪

ENNA's POV

(Enna to Grey @ the elevator)

*Flashback*

Tatlong taon na ang nakakalipas ng magpasyang lumipat ang pamilya ko sa kasalukuyang bahay namin ngayon. It was summer vacation. A summer that changed my whole life. We had a family problem by that time. To be more specific, it is in the financial aspect. So we need to migrate from Korea to Philippines. Hindi naman talaga big deal sakin yun. Mas nag-alala pa nga 'ko sa totoong estado ng pamilya ko.

My parents tried to hide what's the real score in our family business. They don't want us to get involved in that matter. Masyado pa daw kaming bata para sa ganung problema. Mag-focus nalang daw kami sa studies ni Bisco, my younger brother. Pilit man naming sundin sila, hindi namin mapigilan na ma-curious kung ano ba talaga ang nangyayari. Kulang na nga lang sabihin namin sa kanila na... "Ma. Pa. Anak nyo po kami. Gusto din naming tumulong." But there's something that keeps us from doing that. It's the fear. Fear na pagkatapos naming malaman ang katotohanan eh wala din naman kaming magagawa para tulungan sila. Kaya naman, Bisco and I decided to wait until they are ready to talk about it.

And that day comes. I-kwinento ni Papa na nalugi ang family business namin at wala ng magagawa pa para maisalba pa yun. Bukod sa pagka-bankrupt ng negosyo namin sa korea eh, dumagdag pa ang alitan nila ni lolo na tatay ni Mama. Pure Filipino si papa at Pure Korean naman si mama. Dahilan para hindi maging boto si lolo kay papa dati pa. Natatandaan ko pa nung bata pa 'ko, laging pinapahiya ni lolo si papa sa mga business partners nya tuwing may social gatherings sa bahay. Lagi nyang pinapalabas na walang kwenta si papa. I really wonder kung paano nya natiis si lolo for how many years. Maybe because of love. His love for my mom.

Pagkatapos nilang sabihin ang mga nangyari, sinabi din nila na we will be leaving Korea so soon. Yun nalang daw ang natitirang paraan. Ang pag-mamigrate sa Pilipinas. To start a new life. Medyo napaisip ako sa mga sinabi nila. I'm not ready. Hindi ko pa kayang iwan ang Korea. Dito ako ipinanganak at lumaki. Hindi naman sa ayaw ko ang Pilipinas. Sadyang malaking porsyento na ng Korea ang bumubuo sa pagkatao ko. At mahirap nang burahin 'yun.

Kahit na labag sa loob ko, at the end of the day, na-realize kong it is a hard decision to make. Mas masakit para sa parents ko 'yun. I must stop being so immature and selfish. Dapat kong suportahan sina Papa at Mama. Hindi na dapat ako dumagdag pa sa problema nila.

Matapos na maayos nila Papa at Mama ang mga papeles na kakailanganin namin, agad kaming lumipad papuntang Pilipinas. Hindi 'yun alam ni lolo dahil kung malalaman niya, paniguradong tututol sya.

Pagkarating namin sa Airport, sinalubong kami ng kamag-anak ni papa. My Uncle Carlos and Auntie Bebe, with their son, Daniel. Medyo nanibago ako sa lugar. It was my first time na makapunta sa Pilipinas. Ganun pala ang feeling. Para akong alien mula sa ibang planeta.

After nilang magkamustahan, (kahit hindi ko naintindihan ang pinag-usapan nila dahil medyo malalim ang pagkakatagalog) nagpasya na si Uncle Carlos na umuwi na daw kami sa bahay nila. Du'n kami magpapalipas ng gabi, since wala pa kaming nahahanap na bagong bahay.

Sumakay kami sa isang grey na van. Bale pito kaming sakay nu'n. Habang tumatakbo ang sasakyan, tuloy naman sila Papa at Uncle sa pagkwekwentuhan. Ganun din sila Auntie Bebe at Mama. Natatawa nga 'ko kay mama kasi barok sya managalog. Buti nalang naiintindihan sya ni Auntie. Si Bisco naman nakikinig lang sa music. Si Daniel? Ayun. No choice sya kundi kausapin ang kanyang magandang pinsan. Ako yun! Hehe. Sa una, medyo nahihiya sya sakin pero nung tumagal naging kumportable na kami sa isat-isa.

X & Y (Ex and Why)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon