Party
"Thank you so much, Kuya!"
Ngumiti ako sa kaniya. Kinuha ang paper bag sa kamay niya. Binalik rin ang tingin sa kaniya. Unti-unting napawi ang ngiti nang hindi siya ngumiti pabalik. Napanguso ako sa inaasal niya.
"B-Bakit ganiyan ka makatingin?"
He shoved his hand on his pocket. Tinitigan ako na tila nananantiya.
"Kanino mo ibibigay 'yan?"
Napatingin ako sa paper bag. Nagpabili ako ng wrist watch para sa gift na ibibigay ko kay Matthew mamaya. Nasa manila siya kahapon at pauwi na rin siya nang gabi kaya nagpabili na muna ako. Nung una ay nagtataka siya kung bakit ako nagpapabili ng wrist watch panglalaki at sinagot ko siya ng totoo. I said that I'm going to give that to someone.
"Uh? Why are you asking?" natatawa kong tanong.
"Bakit hindi mo masagot?" nanliliit ang matang tanong sa akin.
"It's for Matthew. Gideon's younger brother. Why are you being like that?"
Bumuntong-hininga siya na tila nabuhayan. "Okay. Alis na ako," ngumiti siya sa akin bago ako tinalikuran para bumaba sa hagdan.
Naikunot ko ang noo sa biglaang pagbabago ng mood niya. Nanlaki ang mata ko nang makuha ko ang ginagawa niya kanina. Pinagdududahan niya ba ako na may boyfriend na?
Pumasok na ako sa kwarto at dumiretso sa bathroom. Ala una na ng hapon at alas tres ako susunduin ni Gideon sabi niya sa text kanina.
"Ma'am Sonia?"
"Yes?" I shouted from the bathroom.
"May sulat po kayo," magalang nitong sabi.
"Just put it on the table. Thank you!"
Pagkabukas ko ng shower ay narinig ko ang pagsara ng pinto. Pagkatapos maligo ay agad akong lumabas.
Hindi ko na inabalang buksan pa ang letter dahil hula ko inbitasyon lang 'yon galing pang Manila. Hindi naman ako um-attend sa mga event sa Manila kung hindi naman importante ang presensya ko or naming Jalmanzar at kung importante man ang event at kailangan nandon kaming Jalmanzar ay sasabihin agad 'yon nina Mama at Papa.
Kinakagat ko ang hintuturo habang tumitingin ng maisusuot sa closet ko. Since I don't want to steal a attention. I ended up wearing cream wrap top and faded skinny highwaist jeans paired with ankle straps with four inches heels. Hinayaan kong nakalugay ang mahabang buhok. I put a two hairclip on the side of my hair and put a light make up so I could look more presentable.
My phone suddenly vibrate and flash a message from Gideon, saying he's at the outside already. Kaya hindi na ako nagtagal. Kinuha ko na ang gift and ang leather black baguette bag.
Habang naglalakad palapit kay Gideon ay parang may mga kung ano ang nagkakasiyahan sa loob ng tiyan ko at ang nagsisilbing tugtog nila ay pagtambol ng puso ko.
He's wearing a white tee shirt with 'I do care' printed and ripped jeans. Paired with red converse shoes.
He's looking at me intently and I felt uncomfortable. I cleared my throat as I approaches him. I smiled.
"Let's go?"
He just nodded and opened the backseat door for me. Hanggang sa makarating sa bahay nila ay walang nagsasalita. Inalalayan niya ako pababa.
Kulay itim na lagpas tao ang gate nila. Krema ang kulay ng pintura at dalawa ang palapag. Hindi maliit malaki Sakto lang para sa isang pamilya.
Nang makapasok sa loob ay agad umalingawngaw ang ingay ng mga batang nagtatawanan. Muntik pa ako madapa nang may dalawang batang tumakbo sa harapan ko. Agad rin akong naalalayan ni Gideon.
BINABASA MO ANG
Purest Stone (Paradise Series#3)
Romance(Paradise Series#3) He's a living stone and the best thing about him for me is he always teaches me a new lesson. [Cover are not mine. Credit to the rightful owner.] Date Started: April 2, 2021 Date Finished: July 8, 2021