Kabanata 29

208 2 0
                                    

Different


"Sonia, may tanong ako."

Tumango ako sa kaniya at umayos ng upo.

"What's it?"

I am here in my sister's room. We're watching movie. It's monday and I took a day off. And it's been a week since I met Dylan and my Gideon jealous. Natatawa pa rin ako kapag naalala ko.

He's cute.

"Ano... kasi 'di ba... 4 months na nanliligaw si Nathan. Tapos ang gagong 'yon!" biglang nagbago ang pananalita niya.

Kung kanina lang ay mahina ngayon parang mananapak na.

"Why?" Natuon sa kaniya ang atensyon ko.

"Nakita ko kahapon na may ka-lunch na babae sa mcdo!"

I chuckled. "Baka friends niya lang?"

Umismid siya. "Friends? Tangina friends lang pala kapag pupunasan sa labi."

My eyes widened. "What? Anong nangyari?"

She crossed her arms in chest. "Nung friday, sabi niya puntahan ko na lang siya sa mcdo since gutom na talaga siya. At pagkapunta ko doon, may iba nang ka-lunch. Badtrip. Buti wala kaming pasok ngayon. Hindi ko siya makikita."

"Maybe you accused him wrong? Baka naman hindi niya kakilala 'yon?"

Muli siyang napaismid, "Bakit kinakampihan mo pa 'yon? Siya ba kapatid mo?"

"No," natawa ako, "I was saying that Nathan can't do that to you. He can't hurt you. Hindi yung naghintay na maghiwalay kayo ni Leo noon para lang saktan ka ngayon," nginisian ko siya.

Nanlaki ang mata niya. "Hinintay niya ako noon?"

Tumango ako. "Yup! Si kuya Noah ang may sabi. Una pa lang raw gusto ka na ni Nathan. Nung una nagduda ako dahil lagi ka niyang inaasar... pero I thought, yun na lang yung way niya para mapansin mo siya. Kind of childish right," natatawa kong kwento.

Napairap siya. "Hindi ako naniniwala."

Sabay kaming napalingon sa pinto nang may kumatok.

"Ma'am, nandiyan po si Sir Nathan," sabi ng katulong.

Napalingon ako sa kapatid at nginitian siya.

"I told you."

Tumayo kami at naglakad pababa. Agad namin nakita si Nathan na nakaupo sa sofa. Agad siyang napatayo nang makita kaming pababa sa hagdan.

Nang tuluyan na kaming makababa ay agad sumalubong ang kilay ni Nathan.

"Why are you ignoring my messages and my calls?"

Ate Aleena just shrugged. "Oh? Ano naman?"

"Hindi ka rin sumipot sa mcdo nung biyernes. Ilang oras akong naghintay doon."

"Bakit pa ako sisipot kung may iba ka naman na palang ka-date?" mataray na bato ni Ate.

"Date? The fuck? You saw that? That was my ex-fling. Alam mo, magusap tayo," hinawakan niya si Ate sa kamay at hinila palabas ng bahay. Ako naman ay naiwan sa sala.

Ate was jealous!

Kailan ba ako huling nagselos? Nung kay Sofie pa yata. Aftet that, wala na. Hindi na ako nagseselos since wala naman akong nakikitang kasama ni Gideon na babae and all his girl friends are in relationship, even Marian.

Saka malaki ang tiwala ko kay Gideon na hindi niya magagawa sa akin 'yon. Hindi niya ako kayang saktan ng ganon. He knows how to treasure my feelings and my love for him.

Purest Stone (Paradise Series#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon