Chapter 18: A Busy October

7 1 0
                                    

Erynn

"Now that the month of September is almost done, may nilu-look forward ka ba next month, partner?" dinig kong sabi sa speakers na naka-kalat sa campus.

"Meron, and I'm sure hindi lang ako ang excited sa event na ito."

"Parang alam ko 'yan ha, sigurado ako na lahat, mapa students man, teachers, parents at personnel, excited na diyan."

"BAKLAAA" dinig kong tili ni France nang nakarating na ako sa 3rd floor, halos matanggal ang kamay ko sa lakas ng hila nya sa akin.

"Teka wait... bakla wait lang naman oh mabigat yung bag ko chill ka lang sa paghila!" reklamo ko.

Kinaladkad niya ako papunta sa classroom, naabutan kong kumpleto na sila don, kasama si Shella. Sinabit ko ang dala kong backpack sa tapat na upuan at nilagay sa ilalim ng upuan ang lunch bag ko.

"Oh himala ngumingiti ka na" bati ko kay Shella, pinalo naman niya ako sa braso.

"Nakanuod na siguro ng daily dose of oppa yan, kanina pa ngumingiti yan mag-isa eh." Sabi naman ni France. Bigla naman akong hinablot ni Shella sa braso at niyugyog ng malakas.

"Hala naloka na, France baka may alam kang mental hospital dito. Hindi lang kdrama kinonsume nyan, baka may hinithit pa."

"Luka ka! Nirewatch ko lang kasi yung W kanina, yieeeeeeee" kilig na sabi ni Shella.

"Nga pala, lampas 7:20 wala pa ba si Ma'am Fajardo?" sabat ni Lucas, umiling naman si Gideon. "May meeting yata lahat ng teacher sa buong time ng homeroom."

"In that case." biglang sabi ni France, "Shella, its time, sabihin mo na kung anong nangyare nung nawala ka bigla last last week."

Siniko ko siya ng mahina, baka kasi masyadong personal ang tinatanong niya at masyado kaming nanghihimasok sa familial problems nila.

Nawala naman ang ngiti ni Shella, nilagay niya yung bag na yakap niya kanina sa harap na upuan at nagstretching. "Ehem...saan ko ba sisimulan to?"

"Sa simula obviously" mataray na sabi ni France. Binatukan ko siya kahit 3 seats ang pagitan namin.

"Well, pagkauwi namin non obviously pinagalitan ako...ok lang sana 'yon eh kaso kinumpara pa ako kay Lila. Siyempre hindi ko na nacontrol yung emotion ko at nagrant na sa favoritism nila."

"So ano sabi mo? Parang four sisters and a wedding ba yan?" tanong ko.

"Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko?Parang kasalanan ko?" pag-iimmitate ni France kay Bobby ng four sisters and a wedding.

"Lucas paki batukan nga yang katabi mo, lakasan mo ng konti ha. Yung tatalsik sana ulo niya sa pacific ocean."

"Hindi eh...mas close sya sa sigaw ni Deoksun nung birthday niya." sabi naman ni Shella habang naka facepalm dahil sa ginawa ni France.

Bigla namang kumalabog ang pinto kaya napaupo kaming lahat ng maayos, pumasok doon si Ma'am Fajardo at sa likod niya, si Sir Cris.


"Magsitahimik kayo at makinig sa sasabihin ni Sir Jimenez!" sigaw ni Maam.

"Ok, thank you po maam. So para sa paparating na halloween ay naisip naming hayaan kayong mag-contest. Ang naka-assign sa gr.10 ay horror film kaya bibigyan namin kayo ng isang buwan para magvideo. Please, give your all!" pag-aannounce ni Sir Cris sabay alis.

"Ibibigay ko sa inyo ang natitirang oras sa homeroom upang pag-usapan ang gagawin niyo!" Pagkatapos ng sigaw na 'yon ay umalis na agad si Maam, siyempre malakas din ang kalabog ng pinto.

Hallway's SymphonyWhere stories live. Discover now