France
12:00 am
"Anong oras na hindi pa ko tapos!" Naiirita kong sabi habang ginugulo ko yung buhok ko.
Kasalukuyan akong nag-aaral para sa last day ng exam namin pero hanggang ngayon hindi pa rin ako tapos at hindi ko alam kung kailan ako makakatapos
"Ispiritu ng kasipagan, sapian mo ko!" Wika ko habang nakalumpasay sa sahig.
"Nak?" Biglang katok ni Mama para bigla ako mapatayo.
"Eh? Bakit gising ka pa?" Tanong ko pagkatapos kong buksan yung pinto.
"Chinecheck lang kita tsaka uminom ka muna ng gatas." Sabi niya sabay abot sa'kin nung gatas.
"Mas makakatulog pa ko eh!" Angal ko at tiningnan ako ng masama. "Eto na po!" Sabi ko at ngumiti.
"Matulog ka na! Ang haggard na ng mukha mo!" Wika ni Mama habang umiiling.
"Eh? Hindi kaya! I was born pretty and will never be ugly!" Sabi ko sabay hawi sa non-existent kong mahabang buhok.
"Tumigil ka nga! Marinig ka pa ng Papa mo!" Saway niya sa'kin.
"Ma naman eh! Panira ka ng mood!" Wika ko at sumimangot. "Tsaka, tulog si Papa! Hindi tayo maririnig!" Angal ko.
"Sige na, matutulog na ko kaya matulog ka na rin!" Sabi ni Mama bago niya isara yung pinto at nagbuntong hininga ako.
"Okay! Seryoso na!" Wika ko habang umuupo sa upuan.
6:00 am
"ANO BA! Hayaan mo ko matulog!" Sigaw ko sa Alarm ko. "AISHHHHHH!" Inis kong sigaw habang umaalis sa kama ko at wala sa mood na pumunta sa banyo.
After 15 mins ay nakatapos na ko sa pagbibihis at agad na bumaba.
"GOOD MORNING! ANDITO NA ANG MAGANDA NIYO ANAK AT KAPATID!" Sigaw ko habang pumupunta sa dining area.
"Francisco! Umayos ka!" Galit na saway sa'kin ni Papa.
"Hayaan mo na!" Saway naman ni Mama kay Papa.
"Ma, mauuna na kami ni Ate!" Sabi ko habang hinihila ko si Ate papalabas ng dining area.
"Hindi pa ko tapos kumain!" Angal ni Ate.
"Kumain ka nalang sa workplace mo!" Wika ko at lumabas ng bahay at sumakay sa kotse niya.
"Eh ikaw? Hindi ka pa kumakain." Tanong ni Ate habang umuupo sa driver's seat. "Kakain nalang ako sa school." Sagot ko at pinaandar na niya yung kotse at umalis na kami.
After 15 mins
Nakarating na kami sa school at bumaba na ko at nagpaalam kay ate.
"Grabe ang aga pa nga pala!" Sabi ko sa sarili ko.
Pumunta muna ko sa canteen para kumain.
Taimtim ako kumakain ng makita ko si Sir. Benjamin na naging dahilan para mabulunan ako. May perks din pala yung pagiging maaga! Patuloy akong tinitingnan si Sir. Benjamin na bumibili ng kape nang bigla tumunog yung cellphone ko.
Shella Denise calling...
"Oh?" Tanong ko sa kaniya habang ngumunguya.
"BAKLA!" Bulyaw ni Shella. "Nasaan ka? Nandito na kami ni Erynn sa Lobby." Tanong ni Shella.
"Lumalamon ako!" Sagot ko.
"Pumunta ka na dito!" Wika ni Shella.
"KUMAKAIN PA KO EH!" Bulyaw ko. "BILI NA!" Pangungulit ni Shella.
YOU ARE READING
Hallway's Symphony
Novela JuvenilA story of childhood friends as they reminisce one of the most eventful part of their lives. Triumph and failure, combined with personal issues that made their bond stronger. Let us join them as they create a thousand more memories as they go on a j...