Erynn
June 11, 2018
The date seemed recent, pero mererealize mo lang kung gaano ito kahalaga pag maraming araw, buwan at taon ang lumipas. The technology back then was fast evolving, nabubuhay ang mga tao ng karamihan ay bumabase sa latest trend. Maraming toxic pero...we tried not to be part of them.
"MALELATE NA KAYO!" bulyaw ni mommy habang nag aayos ako ng gamit.
"Eto na! Sandale lang!" balik ko naman sa kaniya.
Patago akong napangiti, three years ko na ding hindi naririnig ang morning alarm ni mommy.
Isinukbit ko na yung bag at bumaba, naabutan ko doon yung kapatid kong tumatakbo kung saan.
"FIRST DAY NA FIRST DAY LATE KAYO!"
Hindi ko na pinansin yung sermon ni mommy at kinuha ko na lang yung lunch bag ko sa lamesa at tumakbo sa kotse.
30 minutes pa bago ang simula ng class, 6:50 am palang at 7:20 ang start. Advance lang yung orasan namin sa sala na tinitignan ni mommy kaya ganon.
In short bumubulyaw siya sa wala.
Ilang minuto lang naman yung biyahe dahil malapit lang yung school. Kaso para sa akin ay sobrang tagal, maybe dahil sobra akong kinakabahan.
Like I said before, three years na noong huli akong umapak sa isang campus, why? Dahil dinala ako sa probinsya, sa birthplace ni mommy para maka recover sa lugar kung saan may fresh air.
Kahit hindi kami nakatira sa city mas maganda daw doon which I agree, kaso naiwan ko yung friends ko dito.
Hindi ko napansin na huminto na pala yung sasakyan, ibinaba ng guard yung trolley na bag ng kapatid ko habang bumababa naman sila. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko nung nakita yung mga estudyanteng naglalakad. Pati yata internal organs ko nanginig habang tinitignan yung mga taong naglalakad sa canteen.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad, dahil malapit sa dulo ang section ay doon na lang ako dumaan sa emergency stairs.
Ang mga may service na estudyante ay binababa sa gilid, sa canteen kung nasaan yung waiting area ng parents para daw iwas aksidente sa mga nagcocommute lang na naglalakad papunta sa lobby.
Narinig kong sumindi ang mga speakers sa bong campus at may nagsalita...
"Good morning and welcome back CCIans!" sabi ng dalawang boses, may sarili na palang radio ang school.
"I hope you all had a great summer!" sabi ng babaeng boses.
"At dahil simula nanaman ng pasukan, isn't it nice to be back? Matagal-tagal na din tayong nag on-air, mukhang namimiss na ng students, teachers and personels ang boses natin." sai naman ng lalaking boses.
"Before the classes start, we want to say buckle up everyone! This school year will surely be another rolercoster ride!"
"And before the bell rings, here's a song to inspire you this school year."
"I can almost see it~
That dream I'm dreaming~
But, there's a voice inside my head saying~
You'll never reach it~
Every step I'm taking~
Every move I make feels~
Lost with no direction~
My faith is shaking~
But I, I gotta keep trying~
YOU ARE READING
Hallway's Symphony
Novela JuvenilA story of childhood friends as they reminisce one of the most eventful part of their lives. Triumph and failure, combined with personal issues that made their bond stronger. Let us join them as they create a thousand more memories as they go on a j...