"Hanep ha, iba din talents ni Shella don eh." sabi ni Erynn habang masayang tinitignan ang litrato.
"Kaya nga, sana lahat!" ani naman ni France. Lumapit ulit siya sa container at kinuha ang isang picture na naka tengga lang doon.
"Shella! Erynn! Eto yung picture na nakaframe sa mga bahay natin diba?"
"Huy oo nga! Eto yung unang copy diba? Grabe naninilaw na! Parang ngipin ni France!" biro ni Shella, pinalo naman siya sa balikat ni France.
"Mas maliwanag pa nga sa kinabukasan mo yung ngipin ko eh!"
"Wehh? Wala namang cavities ang kinabukasan ko!"
"Malamang wala ka naman kinabukasan eh!"
"Magtigil nga kayo!" suway ni Gideon at hinampas ang table.
"Opo mama, eto na ikukwento ba tong picture na toh?" tanong ni Shella.
"Kwento mo na para buo ang experience!" sabi ni Erynn.
"Ako na magkukwento! Birthday celebration ko yan diba?"sabat ni France.
"One upon a time..."
--------
"May namimiss ka ba dito? At sino?"
"Bakit ganiyan yung tanong?!"
"Tumahimik ka diyan! Sagutin mo nalang yung tanong ko!"
"Ibahin mo!!"
"Babatukan talaga kita, Lucas!"
"Oo na! May namimiss ako dito!"
"Sino?"
Tumingin siya kay Shella. Sinundan naman nila Erynn yung tingin niya at nakita si Shella.
"Oohh~ si Shella?"
"Oo."
"B-bakit si Shella?" tanong ni France habang yakap-yakap yung sarili.
"Tanga! Alam mo naman kung bakit, diba?" inis na tanong ni Erynn.
"Ano b-ba kasi 'yon? Shella...L-lucas..ah!! Magka-away s-silang dalawa d-dahil bigla nalang n-n-nawala si Lucas t-tapos dahil n-nga ayaw ni S-shella sa bigla nalang u-maalis ng w-walang paalam! K-katulad n-ni Gideon! Bigla siya umalis sa grupo natin ng h-hindi natin a-alam k-kaya n-nagkagalit si Shella at G-gideon pero nagkabati na! So, a-ano y-yung problema at ayaw pa nila magba-"
Natigilan si France sa pagsasalita ng mapansin niya na tahimik sila Shella at nakatingin naman sa kaniya si Erynn na may tumahimik-ka-na-masyado-ka-ng-madaldal look.
"S-sabi ko nga tatahimik na! O-okay! P-paikotin m-mo na yung bote!" sabi ni France habang nanginginig.
"Bakla? Keri pa ba?" tanong ni Shella.
"Ikaw k-kaya yung i-ihagis sa d-dagat ng gabi! T-tingnan ko lang k-kung hindi l-lamigin!"
"Nag dare ka kasi eh!"
"P-parang kasalanan k-ko pa! Birthday na birthday ko ihahagis niyo ako sa tubig!"
"Shush! Papaikotin na ni Lucas yung bote!" suway ni Erynn sa kanila.
Ipinaikot ni Lucas yung bote at tumapat naman kay Shella.
"Bongga! Sino magtatanong sa kaniya?"
"Ako na!" sabi ni Gideon.
"Okay!"
"Shella, truth or dare?"
"Dare!!"
"Yes! G-gideon, halika d-dito! May i-ibubulong ako s-sa'yo!" tawag ni France pero hindi siya pinansin.
YOU ARE READING
Hallway's Symphony
Fiksi RemajaA story of childhood friends as they reminisce one of the most eventful part of their lives. Triumph and failure, combined with personal issues that made their bond stronger. Let us join them as they create a thousand more memories as they go on a j...