Chapter 6:Oath of Friendship

18 2 0
                                    

Erynn

"Mga tao sa likod, manahimik kayo!" suway sa amin ni Sir Jimenez. Ang Filipino teacher namin.

Kasalukuyan kaming nagsusulat ng reflection paper about sa lahat ng napag-aralan namin dahil exam week na next week.

It's almost the end of the month, time really goes by fast.

Kumuha ako ng isa pang piraso ng yellow paper at nagsulat doon.

Erynn:Mga pre, tortang talong and tocino for lunch.

Tinupi ko ito at inabot kayla Shella at tinuloy ang sinusulat ko.

Ilang minuto pa ay bumalik ulit sa akin yung papel at binasa ko ang nilalaman nito.

Shella:Okayyyyy

France:YESS BETCHHH

Nathan: :)

Grabe, kuripot naman magsulat ng isang yan.

Itinupi ko ulit 'yon at isinuksok sa bag, pagkatapos ay tinuloy ko na yung ginagawa ko.

Pagkatapos ng Filipino ay susunod naman ang Music, huminga ako ng malalim at tinakpan ang tainga ko.

"BAKLAA!" Tili ni France nang matanaw si Sir Gonzales.

Nagyugyugan ang dalawa while chineck ko naman kung buo pa yung eardrums ko. Thankfully ayos pa naman.

"Jusmiyo Bakla kumalma ka!" awat ko sa kaniya habang patuloy syang tumitili habang nakahawak sa bibig.

'"Eh pano ba naman kasi ang gwapo nya teh!" sabi naman ni Shella habang pilit na pinapakalma ang katabi.

I sighed, I can already tell that this will be a long subject.

Since it's Wednesday, after ng Music ay lunch kaya 5 minutes pa bago ang time ay naghahanda na ang iba.

"Alright, Goodbye Narra!" paalam ni sir habang binitbit niya ang dala niyang books.

"Goodbye Sir. Gonzales!" balik namin sa kaniya. Matapos niyang makalabas ay tumayo na kami samantalang nagstretching naman ako.

As usual, kinaladkad kami ni France papuntang canteen dahil gutom na daw siya.

Bago kami humanap ng vacant seat ay bumili muna kami ng Nestea kay ate.

At dahil nagtitipid ako ay nasponsoran ulit ako ni Mayora!

I looked at Nathan at tinignan kung nakabili ba siya. He's holding a lunch box while struggling to find a coin.

Hinugot ko yung walet nya at naghanap ng 10 pesos, "Ate isa pa pong 10 pesos na Nestea!"

Binalik ko ang walet niya, of course. Pagkatapos ay inabot sa kaniya ang isang plastic cup na Nestea habang hawak ko din ang libre sa akin ni France.

"Bakla, ano ulam mo ngayon?" tanong ko sa kaniya habang kumakain siya.

"Chicken Adobo, baket?"

Attitude ka cyst?

"Bat mukhang galit ka? Tsaka may ulam ka pala bat ka nanghihingi sa akin?!"

Hindi na niya ako pinansin at patuloy lang kumain na parang ginutom siya ng tatlong araw.

Matapos naming kumain ay niligpit ko na ang nasimot kong lunch box, pati kasi kanin nasimot ng mga toh.

"Bakla ang sarap parin ng ulam mo walang nagbago!" France praised habang pumapalakpak na parang sea lion.

"Oh! For sure busog na yan mabait na eh!" comment naman ni Shella.

Inirapan lang siya ni France habang naglalakad sa may trash can para itapon ang cup. Pero nang dumaan siya sa likod ni Shella ay kinuha niya ang yelo sa cup niya at hinulog iyon sa loob ng damit ni Shella.

Hallway's SymphonyWhere stories live. Discover now