Chapter 12:A Shallow Reason

9 1 0
                                    

"Guys may alam ba kayong pinarerentahang apartment diyan?" tanong ni Erynn nang pumasok sa room.

"Bakit ka naman naghahanap?" tanong ni Shella.

"Pag kumaliwa yung mga grades ko baka palayasin nako." pabirong sagot niya.

"Hay nako bakla isama mo nako, hanap tayo sa airbnb." sabi naman ni France.

Halatang kabado ang lahat dahil labasan na ng report cards at sasabihin na din ang honors ng unang grading.

Habang abala naman ang lahat sa paglilinis dahil dadating ang mga parents.

"Mukhang si Nathan lang yata ang walang takot dito, confident ka ghorl?" sabi ni France, napatawa naman ang iba.

"Guys bilisan niyo, alalayan niyo naman si Darriel!" utos ni Shella sa kaklase nilang nag-aagiw ng dingding.

"Hoy kaninong books to? Burara niyo naman! Pag ito binalik ko sa library babayaran niyo to sa tapos ng school year!" sigaw ng isa sa kanila. Ilang minuto pa ay may isang kumuha ng book at nilagay sa bag niya.

Hindi kasi sa kanila ang mga textbooks at ibabalik din sa pagkatapos ng school year, kahit na private school sila.

"Ayan na si Maam!" sigaw ni Reynald at hingal na hingal.

Dahil doon ay dali-dali nilang inayos ang room at umupo sa puwesto nila.

Ilang sandali pa ay biglang kumalabog ang pinto. Ang pumasok doon ay walang iba kundi si Maam Fajardo.

"Ngayon, sasabihin ko na ang umangat sa inyong lahat!" malakas na sabi niya at inilabas ang isang folder.

Tahimik na nagdasal ang magkakabarkada.

Lahat sila ay kabado, sa bawat number na hindi sila matatawag ay dalawa lang ang ibigsabihin, either mataas ang top nila o hindi sila nakasali.

"For Fifteenth honors, Mr. Gideon Abraham M. Silvestre!"

Nagpalakpakan ang buong room habang niyugyog ng barkada si Gideon.

Pero mukhang kinabahan muli ang barkada nang apat nalang ang natirang place. Maaaring may isa sa kanila ang hindi nakasali.

"Para sa 4th honors...may nag-tie." announce ni Maam Fajardo, nakahinga naman ng maluwag ang magkakaibigan.

"4th honors, Ms. Erynn Margarethe DC. Villena and Ms. Shella Denise R. Salazar!"

Nagyakapan ang dalawa at tila maiiyak na.

"Mission abort! Hindi nako mapapalayas!" bulong ni Erynn, napatawa naman sila.

Sunod-sunod naman silang tinawag base sa seating arrangement nila, ibigsabihin ay consistent ang kanilang grade.

"For our 1st honor, Mr.Jonathan Theodore S. Evangelista!"

Pumalakpak parin ang lahat pero ngayon, parang inexpect na nila kung sino ang 1st honor.

Matapos noon ay nagsilabasan na sila, 11 am silang pinalabas samantalang 1 pm naman dadating ang mga magulang.

"Guys, punta daw tayo sa waiting area sabi ni Mommy, nandoon daw sila may dalang lunch!" sabi ni Erynn habang naglalagay ng books sa locker.

"HOY!" Biglang sigaw ni isang tao sa kanila.

"Shuta! Ano?!" Gulat na tanong ni Erynn.

"Kabute ka ba?! Bigla ka nalang sumusulpot kung saan-saan!" Inis na tanong ni France sa kaniya.

"Ano na naman ba yung gusto mo, Ailee?" Inis rin na tanong ni Shella.

"Nagkopyahan kayo noh?! Kaya lahat kayo nakasama sa top!"

Hallway's SymphonyWhere stories live. Discover now