Chapter 5:A Date to Remember

27 2 0
                                    

"ARAY!" Sigaw ni Erynn habang abala ang iba sa pagtingin ng loob ng time capsule.

"Hindi pa ba tayo aalis? Andaming langgam dito!" Angal niya, tumingin si Gideon sa kaniya at itinutok ang flashlight sa kaniyang mukha.

"Buwisit ka! Gusto mo ba akong mabulag?!" Sigaw pa niya at pinag-hahampas ng bag ang kabarkada.

"Easy lang teh! Maawa ka naman sa tao may uuwian pang pamilya yan!" Awat naman sa kaniya ni Shella.

Huminto na siya sa paghampas ng bag niya at sumama sa barkada na tumingin sa nakasulat na envelope.

"Buhatin nyo yung lalagyan! Natanaw ko yung guard papunta yata dito!" Babala ni Gideon nang maaninag ang isang papalapit na guard sa kanilang kinalalagyan.

"Eyyyyy ano ba, namamalikmata ka lang!" Biro ni France.

"Oo nga! Napapraning ka lang!" Biro ni Shella habang tumatawa.

Tumigil sa kakatawa si Shella ng maaninag din niya ang isang papalapit na guard sa kanila.

"Shoot!" Nagpapanic na sigaw ni Shella.

"Ano ba Shella! Pati ba naman ikaw namamalikm-" Hindi na natapos ni France ang kaniyang sasabihin ng biglang siyang hilahin ni Shella.

Agad nila kinuha yung time capsule at kumaripas ng takbo.

Patuloy sila sa pagtakbo sa papunta sa likod na parte ng canteen.

"Sabi ko na kasi sayo!" Pagsisisi pa na Gideon,"Muntik ko pa tuloy maiwanan yung pala ni kuya Ogie!"

Niyakap niya ang pala na tila isa ito pinaka importanteng bagay sa kaniyang buhay.

"Teka, binalik mo naman sa dati yung hinukay na lupa diba?" Tanong ni Shella habang hinihingal.

"Huh? Ibabalik ba?" Nagtatakang tanong ni Gideon.

"Tanga! Malamang kailangan mo ibalik!" Inis na sinabi ni Erynn habang hinahampas siya.

"Maibabalik ko sana 'yun kung binilisan niyo lang!" Naiinis na sabi niya habang nakatingin nang masama kay Erynn.

"Eh malay ba kasi namin na hindi ka nagbibiro!" Tumatawang sabi ni Shella habang pumapalakpak.

"Bakit hindi ba'ko kapani-paniwala?" Madramang wika ni Gideon habang nakahawak sa kaniyang dibdib.

Tumigil sa kakatawa si Shella.

"Hindi?" Nakangising pang-iinis ni Shella sa kaniya.

"Ha! Hindi ka pala kapa-paniwala!" Pang-iinis ni France habang nakabelat.

"Ikaw!" Inis na sigaw ni Gideon sa kaniya at tumakbo papalapit sa kaniya habang hawak-hawak yung pala.

Patuloy na naghahabulan si Gideon at France.

"Kakapahinga lang natin eh! Tapos nagtatakbuhan nanaman!" Pagod na sabi ni Shella habang umuupo sa semento.

"Iwanan nalang kaya natin?" Tanong ni Erynn habang nakangisi.

"Tara!" Sabik na sagot ni Shella habang tumatayo.

"Tumigil nga kayo!"Sigaw ng isa sa kanila."Ang tatanda nyo na kung umasta kayo parang mas bata pa kayo sa Elementary."

Lumapit sa kaniya si Shella at tinapik ang balikat nito, "Opo, masusunod po boss."

"Oh! Tigil na 'yan, tignan na natin kung ano yung nasa loob ng envelope." aya ni Erynn at lumapit sa time capsule.

"Bakla, ikaw yata nagsulat nito." ani naman ni France.

Kinuha niya ang envelope at binuksan ito. Ang laman nito ay pira-pirasong cards na mayroong nakasulat na petsa sa labas.

Hallway's SymphonyWhere stories live. Discover now