Part 14 Killer Secret

45 0 0
                                    

**Killer Secret

#Anne's POV

Kasi may babalikan.

Kasi may babalikan.

Kasi may babalikan.

Kasi may babalikan.

Arghhh! Nakakaasar! Para nang sirang plaka tong utak ko! Echo ng echo yung sinabi nung galis na yun! Nakakabirinde ha at the same time nakakakilig! Nakamove on na kaya ako? Kung oo, aba tayo nang magdiwang! 

Sya nga pala, naniniwala syang may crush ako! HAHAHAHAHA! Nakakatuwang pagtripan ang nantitrip! Hahayaan ko nalang sya magpabigti sa kakaisip kung sino ang imaginary crush ko. He's dumb!

Oh by the way, nasa coffee shop ako ngayon ALONE. 

FOR NOW. Eh kasi naman kailangan daw ni Allen ng kausap. He's a bit off lately. We are not that close but naflattered naman ako kasi nagtatrust siya sakin. 

"Awwch!"

Ang init! Ang init! Hoooo! Napaso tuloy dila ko. Ano ba yan, di ako aware na kalalapag palang nang waitress yung coffee. 

"Anne, sorry for waiting. May dinaanan lang kasi ako."

Good thing nandito na si Allen. Kanina pa kaya akong mukhang baliw dito. Talking to myself in thoughts. 

"Et's ongey. . ."

Oops! Napahawak ako sa bibig ko. Bisaya ka man dung! Hindi lang,mukhang ngongo din. BISAYANG NGONGO! Maybe it's because sa pagkakapaso ko dun sa coffee. Hapdi padin ngayon eh.

"Oh?! Ano nangyari sayo?"

Sa halip na magsalita, tinuro ko nalang yung coffee tapos inilawit ang dila ko. Para akong asong naglalaway. So turn off! BISAYANG NGONGONG ASO.

"Ah I see. Teka teka, kukuha lang ako ng cold water."

Bat nga naman di ko naisip humingi ng cold water? Buti nalang di ko naisip! Kundi pagatatawanan ako mga customers. Another addition nanaman sa list of embarrasing moments ko. Oo, may listahan ako. Jelly? Gaya ka nalang!

"Here."

Inilapag niya ang isang basong nagpapawis sa lamig. Hindi naman nya ako balak ipadala sa Antartica no? Three-fourths nang glass ay ice. Nung ininom ko, I feel so relieved! Pero ramdam ko padin yung mga small bukol thing na nakaumbok sa dila ko. 

"Tenkyo.", umumis si Allen. Okay pagtawanan ako! 

Tuloy lang ako sa pag- inom nang umupo siya sa front . His energy is so low for mine. I think he's in a really big problem right now.

"Sooooooo . . . . . . . . . pagtatawanan mo lang ba ako kaya mo ako pinapunta dito?"

Tumigil sya sa fake laugh nya. I know it's fake. Like all other things, madali mapansin ang totoo sa peke except kung magaling ka magpretend. Well, he's weak.

"No, no.",umiling siya and look down. "Actually, I just needed someone to share my secret with. A secret that could kill us." Yung mukha nya sobrang serious, parang sa tingin nya palang dead na ako.

A secret that could kill us? Natakot ako dun ah. Hanggang ngayon nga nalalaki padin mata ko sa kanya. Hindi lang ito ang unang beses na gusto nya ako isama sa pagkamatay nya ah!

"Ay nako Allen! Please wag mo na sabihin sakin yan. Nako nako, papatayin mo nanaman ako!"

"HAHAHAHA! Joke lang!"

"Joke lang pala ha!" , at binato ko siya ng mga ice cubes! Grabe ang taong to manakot tapos joke lang? Joke lang ba ang buhay?! Iniilag-ilagan nya yung mga cubes. Kala mo naman maiilagan nya eh di nga sya umaalis sa seat nya kaya asintadong asintado ko sya. A secret that could kill us?! Oh eto! Itong mga yelo ang papatay sayo.

TL ako sayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon