Part 6 Processing

30 1 1
                                    

**The Processing

Goal no. 1 : MAGPAPUTI (# ̄▽ ̄#)

Di ko alam kung san ako pinaglihi at naging ganto ako kaitim! Ampuputi naman ng mga kapatid ko. Baka dahil sa sobra kong training sa volleyball. Kontento na ako dito eh kaso maputi ang gusto niya.

"Araaaaay! Ateng wag naman pakadiinin!"

Graaaabe. Hinihiludan ako ni Seanne. Ang hapdi palang maghilod. Diko kasi kailanman binalak maghilod!Hehe:]

"Gusto mong pumuti diba?Mamaya liligo ka sa gatas. Ibabad mo sarili mo.Ewan ko lang kung di ka pa pumuti."

"ARAAAAY!"

"Tumahimik ka!"

Si Seanne talaga da best! Di nya ako iniiwan. Kahit ganyan yan kabaliw,maaasahan mo sa mga oras na ganto.

"Oyan! Ayos na. Handa yung milk bath mo dun."

Nasa bahay namin kami ngayon. Walang tao kaya sinasamantala ko na. Napakatahimik ng lahat. Lagi kasing magulo dito. Nagpapagawa din kami ng bagong bahay at next month lilipat na kami. Sana naman pag umalis kami dito maiwan narin lahat ng masamang alaala.

"Lublob na! Dali."

Pnaliligo na ako ni Seanne. Ano ba to nagmamadali akong paputiin o nagmamadaling umalis?! I bet yung una yun.Porket may date pa sila nung bf nya. Hmp!

Habang nakababad ako, may naopen si Seanne sakin. Nakaupo sya sa toilet habang ako nasa tub. Walang malisya yun. Nakaboxers ako.

"Sigurado ka ba sa ginagawa mo?"

"Oo naman."

"May Danicaboobs ka pa,nanliligaw ka na agad. Si Anne ang kawawa sa huli."

"Bakit naman?Wala na nga kaming contact ni Danica. Tinatawagan ko sya di nya ako sinasagot. So maybe it is over."

"Sure ka? Di parin yun official. Baka masabi pa nilang mang aagaw si Anne."

"Sure na ako don. Di naman nila magagalaw si Anne. Lagot sila sakin."

30 minutes na at tapos na ang milk bath session. Nagbanlaw ako then humarap sa salamin.

"Oy namuti ako! Effective! Ang galing galing mo Ateng. "

Kinurit ko si Ate. Tuwang tuwa ako kasi tumalab sakin. Lumakas loob ko! Pero bat kaya di nagrereact tong si Ateng? Na-amaze ba masyado? Haha. Mukha na akong mestisong negrito!

One down nine to go!

Kinabukasan-->

"Araaayy! Ang kati!"

Pagkagising ko pantal pantal katawan ko. Pinagkakakagat ako ng langgam! Pano naman kasi dikit na dikit pa yung tamis ng gatas sakin. Huhu. Ang panget ko na tuloy. Paano ako magpapaimpress kay Anne nito? Lechee!

(School)

Papasok na ako. Sana epektib tong alternative ko.

Late nanaman ako kaya di na nagflag ceremony. Di na din ko nagspecial FC.Siempre student council ako,ako BATAS!

Dumiretso na ako sa room. Pagpasok ko . . . .

*HAHAHAHHAHHAHAHA!PWAHAHAHAHAHAHA!BWAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!

Pinagtawanan nila akong lahat! Napakasama ng mga ugali! I curse you my people!

Sinamaan ko sila ng tingin pero tuloy parin sila sa kakatawa. Itinaas ko isang kilay ko at binigyan ng whatsoever look. Nahiya na tuloy ako.

"Bakit?!Ngangayon kayo nakakita ng totoong MAPUTI?!"

Sigaw ko sa kanila. Mga mapanglait! Kala mo kakakinis. Mga nakapaghilod lang kala mo kung sino na. Lecheeee

TL ako sayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon