** Dalawang EPAL
"Eh bat kasi ngayon mo lang sinabi?"
" Ayaw na sana kitang idamay kaso inalam mo lahat, yan! Damay damay na!"
Nandito kami ngayon sa isang men's underwear shop kasi dito ako dinala ng patis na to. Dito daw kasi may 100% assurance na hindi pupunta si Seanne. Pero siyempre naman dapat inisip man lang nya na babae padin ako no? Nakakakita tuloy ako ng mga bagay na sa future ko pa dapat nakikita. Like this boxer shorts, I was wondering why do they have holes in the front? Para saan ba yun? Ano sinushoot don?CLUELESS.
"So pagtataguan at iiwasan mo lang sya habang buhay?", gigil kong tanong kay Allen. Ambulok nya kasi dumiskarte!
"Hindi naman sa ganon. It's just. . . ." , hindi na sya makatingin at panay ang paglalaro sa kamay.
"It's just what?", tinutulungan ko na sya iburst out nararamdaman nya. Mukhang hirap na sya kaya kahit gigil na ako sa mga pinagagagawa nya, ito ako gusto ko padin tulungan.
"It's just I don't want to hurt her. She's important to me."
Sino ba naman gustong saktan ang taong mahalaga sa kanya? Wala naman diba? But in other way around, masasaktan nya padin si Seanne. Ganyan kapag nagmamahal, masakit hindi ba?!
"Hindi mo ba naisip Allen na mas sasaktan mo siya sa ginagawa mo? Hindi lang sya umiimik pero hindi ibig sabihin nun okay na sa kanya ang lahat. Hindi sya kasing bato tulad ng iniisip mo. "
He breathed deeply. I felt pity for him. See?! We are not built in perfection. Kahit mayaman at gwapo ka, hindi ka padin makakatakas sa komplikasyon ng mundo.
" Bato?! AHAHA!" , He laughed sarcastically. "Sana nga naging bato nalang talaga siya para sa mga ginagawa kong katarantaduhan, di na sya masaktan."
Napapakagat ako sa labi ko. Mababaw akong tao, madali mapatawa, madaling mapaiyak. I guess nagpipigil na din ako lumuha. Ayoko ngang ipakitang mahina ako, edi wala nang maaasahan tong patis na to?!
"HAHAHAHA!", pinatulan ko lang naman tawa niya kaya mukha kaming baliw sa shop. "Ang t*nga mo promise! Pinag-iisip mo pa yung tao kung bakit mo sya iniiwasan. Ang t*nga mo talaga! HAHAHA! Pati sya ginawa mong t*nga!"
Sinabi ko yun ng pajoke para di naman mabigat sa dibdib. Hindi yung magsisigawan kami dito. Mas madaling daanin sa saya ang mga problema.
"HAHAHA! Gaga ka! Pero alam mo tama ka kaya nga I will let go of her.", he said to me na nakangiti padin. Nakakaasar ang mga ngiting pilit!
Isang sentence lang pero damang dama mo ang difference ng mood sa clause na "I will let go of her." I can't believe na ganon lang nya kabilis binitawan ang mga salitang yun. And he can still manage to laugh and smile. WOW! Bow down na ako sa kanya.
"Ganon ganon nalang? Hindi mo man lang siya ipaglalaban?" , untikan ko na masira tong boxer shorts na at the beginning palang ng conversation namin ni Allen ay hawak ko na.
"I am fighting for her kaya nga ilelet go ko na sya. Kaysa naman masaktan sya sa rason na hindi nya alam, i think this is better.", hinawakan nya ako sa braso na para bang ako pa pinapayuhan nya!
Inalis ko kamay nya at ako naman naglagay ng kamay ko sa braso nya. Pero bago pa ako makapag words of wisdom, may umepal na salesman.
"Sir, Maam. Bibili po ba kayo? Kanina pa po kasi kayong nakatambay dito. Di po allowed samin yan."
Sa bwiset ko, sinagot ko sya nang gaguhan. "Hindi mo ba alam ang timing?"
Naslow yung salesman at nagkamot pa ng ulo, "May kuto ka? Punta ka dun sa kabilang shop, may lice alis, tanggal yan. Try mo!"
Nakakainis eh! Di man lang napansin na may serious matter na nagaganap sa shop nila?!! Bago ko pa paliparin yung salesman sa Mt. Pinatubo, sumabat na si Allen.
" Ahm, sorry. Nag-uusap lang kami kung ano bang bibilhin na boxer shorts." , nagpaliwanag siya at the same time nagsinungaling.
"Bakit ka nagsosorry dian?!", sabi ko kay Allen then ibinaling ko ulit ang tingin ko sa lalaki, "At ikaw! Hindi mo ba alam ang policy na Customer is always right?!"
Ngayon lang ako nairita ng ganto. Idagdag mo pa yung kalidad ng mukha nya. Saang bang bundok ka nanggaling!? Congrats ha nakarating ka dito. I'm such a meanie!
Pinaalis na ni Allen yung salesman. Ang sama pa ng tingin sakin. Siguro sa susunod na bumalik ako dito, may picture na ako.
Nakapatong padin kamay ko sa braso ni Allen. May ipapayo pa nga pala ako! Kasi kasi naman, pwede na parangalan yung salesman sa pagiging dakilang epal.
Naghihintay na ang mukha ni Allen sa sasabihin ko. Teka, inaalala ko pa nga yung dapat ko sabihin. AH! I know na!
Idiniin ko ang kamay ko sa braso nya. Pinaghahanda ko lang naman sya sa sasabihin ko.
" Allen, sabihin mo lang sa kanya 'MAHAL KITA. ' At alam ko mararamdaman nya yun kaya kahit hindi nya alam ang rason kung bakit mo sya pakakawalan, nakaksigurado sya sa nilalaman nyang puso mo. "
There was silence for a minute.
Then nagpaulit-ulit na syang sabihin sa sarili nya ang mga katagang yun, MAHAL KITA, MAHAL KITA. Hanggang sa lumiwanag ang mukha niya at nagsisigaw!
"MAHAL KITA!" , masayang masaya sya na para bang scientist na natagpuan ang kulang sa kanyang experiment. At bilang kaibigan masaya nadin ako. Napapatungo na nga ako at nadadala sa emosyon ni Allen. Tama ang mga salita!
"OO Allen, MAHAL KITA!" , inuulit ulit ko sa kanya para pumasok sa bunbunan nya.
Halos magtatalon na ako sa tuwa nang may napansin ako sa may opening ng shop.
*Dugs! Dugs! Dugs! Dugs!
Anong ginagawa niya dito?! Bakit ako kinakabahan ng ganito?! Kinakabog ang dibdib ko. *dugsdugsdugsdugs! Bakit ka ganyan tumingin sakin? ANONG INIISIP MO?
BINABASA MO ANG
TL ako sayo!
RomanceNot all you wished will be given to you. Sometimes, better comes. Dedicated to coffee and milk ^__^ MHEME!