**ALIEN from planet Chipeka
#Anne's POV
Two days nalang aalis na ang kumag kong kuya. Mamimiss ko ang lokong yun kahit halos masugod na ako sa hospital dahil sa pambubugbog nya. Tatatlo na nga lang kami mababawasan pa ng isa. Haaaaays! Ganto naman lagi
MAY UMAALIS at MAY NAIIWAN.
"Anne! Sa tingin mo itong red na maleta o itong black?"
Di ko sumagot. Para kasing pag sinagot ko yun tuloy na tuloy na talaga sya. Nalulungkot talaga ako:(
Pinagmamasdan ko lang sya.
"Oy! Wag ka nga sumimangot!Panget ka na nga nagpapanget ka pa! Halika nga dito!"
Hinatak nya ako at kinutusan. Graabe,kahit masakit mamimiss ko talaga tong kumag na to.
"Alagaan mo si Mama ha. Wag ka mag-alala padadalhan kita ng chocolates para tumaba ka naman."
"Kuya, wag ka na umalis. Wala ka naman gagawin dun eh. Manchichiks ka lang!"
"Abnooy!Magtatrabaho ako don para mapag-aral ka! Saka di ako manchichiks don. Nangako ako kay. Alex."
Nagugulat ako sa mga salitang binibitawan ni Kuya. Hindi naman kasi sya ganon. Puro kalokohan alam nya! Walang araw na matino mo sya makakausap. Pero yun ang pinakamasasayang araw ko.
"Pero Kuya. Si Alex?Paano kayo ni Alex?"
"Alagaan mo nalang din sya para sakin. Bantayan mong maige ha!Mas mahalaga pa buhay non kaysa sayo."
Ayy mani! Mas mahalaga pa buhay ng gf kaysa sa sariling kadugo?! Ipasalvage ko na kaya si Alex na yun! Tutal di ko naman sya gusto para sa Kuya ko. Ang taray nya kasi sakin!
"No way! AYOKO KUYA! Hindi ako ipinanganak para maging PSG nya!"
Ikinulop ko ang mga braso ko at tinalikuran sya. Aalis na nga lang,mag iiwan pa ng pasakit!Lecheee!
"Anne."
Hinawakan ni Kuya balikat ko. Then humarap ako sa kanya pero sibangot na sibangot parin ako! Diko kasi matanggap!
"Do that for me. Ikaw lang ang alam kong makakasundo nya"
He gave me a freaking smile. And it really freaks me out!
Makakasundo?!Eh sukdulan ang pagkainis ko dun. Bakit pa kasi sya.yung niligawan ni Kuya?! Ang dami.naman ibang MAS maganda diyan!
"Sya nga pala!Pagkaalis ko, dun na sya sa atin titira! Mapapangasawa ko din naman sya kaya you better know her."
WHAT?!*@&*@& Yung totoo? Swear! Ininvade nya na puso ng Kuya ko pati ba naman bahay namin! Npakamang-aagaw talaga!!! Saang planeta ba sya galing?!Planet Chipeka!
"Ano!!? Are you dead serious? Para mo na akong pinatay nyan! Aalis nalang ako sa bahay natin!"
*Pukk!--_<
Ay sitaw! Binatukan ako ng kumag! Yung batok nya may pinanghugutan! Naiirita na talaga ako sa Alex na yon! Ipapalapa ko sya sa mga alaga kong hayop sa bahay eh!
"Wag kang OA! Sa gusto at sa gusto mo doon sya titira. Pumayag na din si Mama. Kaya wala ka nang maiaangal pa. Lalayas ka?! Go lang ng go!"
Bwiseeeeeeeet! Globe lang??GO LANG NG GO! Yung ilong ko bumubulusok na talaga!
The next day ready na lahat ng gamit ni Kuya. All is set. Naging maaliwalas na din bahay namin. Kasi naman puro gamit nya ang nakakakalat!
*Tok! Tok! Tok!
May kumakatok? Sino kaya yun?? At dahil ako ang malapit sa pinto ako na din ang nagbukas. And in my surprise. . . .
si ALEX galing PLANET CHIPEKA!
"H-he . ."
*Boogsh! Sinaraduhan ko sya ng pinto!! May ALIEN sa labas!
"Sino yun?"
Lmabas si Kuya mula sa room nya. Nataranta ako! Nakakakapit parin akong parang tuko sa pinto.
"A-ah-ah! Wala lang yun! Naniningil sa renta! Wag ka maingay wala tayo pambayad!"
The kumag walked towards me. Then inaalis ako sa pagkakadikit sa door! Di ako umaalis kasi baka makapasok yung ALIEN! Spare our lives!!
"Umalis ka dian!!"
"Wala tayo pambayaaaaaaaad!"
"Umalis ka sabi dian eh! Isa!"
"Ayoko kuya!! Di tayo susuko! Di nila makukuha bahay na to!"
Aruuuuuy! Namumuro na tong kumag na to ah! Kahapon nya pa ako binabatukan! Wawa naman utak koo.
"Di tayo narenta!!"
Pss! Bobo!Bobo! Gagawa ka na nga lang ng palusot yung di pa makatotohanan! Oh no! Baka naman may virus na ipinasa sakin ang alien na yun!
Napahiwalay tuloy ako sa pintuan kahit ayaw ko:'((
It's doomsday!
I'M DOOMED!
BINABASA MO ANG
TL ako sayo!
RomanceNot all you wished will be given to you. Sometimes, better comes. Dedicated to coffee and milk ^__^ MHEME!