Part 17 Debts

32 0 0
                                    

** Debts

#Victor's POV

"MAHAL KITA!"

"OO Allen, MAHAL KITA!"

Maghahanap lang sana ako ng brief ng madatnan ko si Braces at Allen sa underwear shop. At yan! YAN ANG NARINIG KO! Parang winelding ako ng isang milyong beses. Natigilan ako ng tumingin sakin si Braces. Mukhang nagulat siya sa presence ko. 

"Va-va-valis?!" , sabi niya sakin. Pero instead na magsalita ako, umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Oy Victor,dre! Anong ginagawa mo dito?" ,  nilapitan ako ni Allen. Kumukulo talaga dugo ko sa kanya. Taksil na nga sulutero pa! Gusto ko na ngang paduguin mukha nya, naalala ko lang na public place to. Malaking balita nanaman  pag nalaman nilang anak ako ni Victor Valis.

"Papatay ng sulutero.", sabi ko sa kanya sabay tingin sa kanya ng pamatay. Kung hindi ka lang mahal ng bestfriend ko malamang nagcecelebrate na sila ngayon ng death anniversary mo.

"Ano?"

"Wala. Ang sabi ko umalis ka sa harapan ko at bibili ako ng brief." , tinabig ko sya nang kahit papano makaganti man lang ako sa mga katarantaduhan nya.

Then si Braces, este si  Anne humarang sa daan ko. "Valis, kung ano man yung narinig mo . . ."

"I don't care." Ayoko na marinig kung ano mang sasabihin niya. Wala nanaman akong pakelam kung mahal niya yung gagong yun. Wala akong pakealam sa kanya. 

Walang tingin tingin ko yung sinabi sa kanya, nilagpasan sya at dumiretso sa shelves. Pagbili ng brief pinunta ko dito at yun lang!

Hinila ni Allen si Anne palabas ng shop. Nakatungo lang sya at nagpapadala kay Allen. Saan naman kaya sila pupunta ngayon? Sa coffee shop? Sa bahay ni Anne?!  Magsama sila!!

Sumobra na ako sa kalokohan ko.

Anne's POV

I don't care.

I don't care.

I don't care.

Yun lang?!! Pakshet naman oh! Hindi man lang niya ako hinayaang mag-explain. Iba iniisip niya! Walang nangyayari samin ni Allen! 

At pagkatapos non, nilagpasan nya lang ako! Ni hindi nga siya tumingin sakin. F*ck talaga!

Napaluha ako dahil sa simpleng sinabi niya. Ito nanaman ako, this f*cking weak person again, 

Gustong gusto ko sabihin sa kanya na kung ano mang inaakala niya, hindi yun totoo. Na tinutulungan ko lang si Allen. Na misunderstanding lang ang lahat ng to. 

"Anne, c'mon?" , niyaya na ako ni Allen at inoffer nya sakin kamay niya. I was out of mind kaya ibinigay ko nalang kamay ko. Hinila nalang niya ako palabas ng shop. Sige! Go lang, dalhin mo ako kahit saan mo gusto. I DON"T CARE!

Lakad lang kami ng lakad ni Allen. Hindi ko na alam kung saan kami papunta. Ang tanging nasa isip ko nalang ay si Valis. T*nga t*anga ko! 

Nalaman ko nalang na nasa loob na kami ng sasakyan ni Allen. Sh*t! Nakakahiya, umiiyak nanaman ako. Ang hina ko. Ang hina hina ko! 

 "HAHA! Nakakaasar talaga yung salesman sa shop! " 

Tinatry kong alisin sa utak ko yung nangyari kay Valis. Ayoko na din kasing pag- usapan pa namin. Tawa nalang ako ng tawa kahit alam kong nagmumukha na akong made in china sa sobrang ja-fake!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TL ako sayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon