**Heaven and Hell
#Anne's POV
"Mamimiss ko talaga pambabatok ni Kuya."
Palabas na kami ng airport. Just the three of us. I mean,kami lang ni Mama and our pet from other planet.
"Don't worry sis. Ako nalang babatok sayo."
Hinawakan ni Alex balikat ko at itinapat ang mukha nya sakin.
Ang baho!Yung hininga nya kumakapit sa damit ko. Go away! Chuuuuuuu!!!!!
I pushed her away. I repeat, I PUSHED her AWAY.
"Batukan mo sarili mo! And don't you dare call me sis kasi never kita matatanggap na kapatid! NEVEEEEEEEER!"
Ipagduldulan ko yun sa peys nya. Para tumigil na din sya sa pagpapanggap nya. I'm sure na once na tumira sya samin, she will live like a queen! And that is never ever ever happening.
"So bro nalang tatawag ko sayo?!Hey Bro!Wazzup!"
Inuubos nya pagtitimpi ko! Waaaaaaa!Men In Black,sugod!
"Are you joking? Ha-ha-ha. Lul!Utas!XD!XOXO! Kulang pa?Wag mo nalang akong kausapin. Bakit?!Because of 3 words. I HATE YOU! "
"Anne!!"
Napansin ni Mama ang pag-aaway namin. Patay ako neto!Ako nanaman ang lalabas na masama!!!!
Di sya nagsalita. Tiningnan nya lang ako. Tingin na nagsasabing mali ang ginagawa ko. K Fine!As always!
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Binilisan ko para di ako abutin ni Alex. Napapatingin ako sa likod at nakikita kong hinahabol nya ako. Binilisan ko pa lalo lakad ko hanggang mahawakan ko na ang braso ni Mama. Kumapit ako ng mahigpit at muling ipinihit ang ulo sa likod.
May sinasabi si Alex sakin pero walang sounds. Bumubuka ang bibig nya pero walang boses na malabas. Pipi ika nga!
Pero alam nyo ba sinabi nya na nakapagpakaba sakin?
"You will live in hell."
------------------------------------
"Absentees: Victor Valis"
Pagpasok na pagpasok ko sa room,nabasa ko agad tong nakalagay sa board. Diko alam kung matutuwa ako kasi wala nang sisira sa araw ko o malulungkot?
Malulungkot kasi? . .
Tekaaa bat ba ako malulungkot? Dapat masaya ako!Pero bkit nakakaramdam ako ng lungkot?Bakit?!
"Absent sya kasi nanlalambot mga muscles nya."
Isang boses mula sa likuran ang nagsalita. Pagtingin ko si Allen pala.
"Ha?"
Nagmaang-maangan ako. Inilapit.nya mukha nya skin. Napakalandi talaga ng lalaking to! May gf na pumapalakpak pa!
"Si Victor may sakit."
"Bakit mo naman sinasabi yan sakin?"
"Para di ka na mag-isip. May alam ako diko sasabihin."
At nagpapalakpak na sya palayo. Weirdooo!
Ano kaya yung alam nya na alam ko pero diko alam kung ano yung alam nya?
ANG GULO NYAAAAAA!!
All day akong nakaupo sa table na dapat ay pandalawahan. Nakakainis!Bakit ako nakukulangan? May mali! May bumabagabag sakin! May mga boses na nagsasabing puntahan ko kung ano man yung kulang. AAAAAH! TAMA NA!
DI KO NA KAYA!!
Habang nagsusulat si Maam sa board,tumalikod ako at kinausap si Seanne.
"Seanne,pwede ba humingi ng favor?"
"Oh suuure! Ano yun?"
Itutuloy ko ba? Wag nalang kaya,nakakahiya.
Sige na nga!!Hindi na ko na kayang tiisin!
"Pwede mo ba ako samahang dalawin si Valis?"
Unti unting tumaas ang mukha ni Seanne kasabay ng paglaki ng mata nya at biglang nagbububuklat ng mga libro.
"A-ah! Hindi ako pwede! May pupuntahan ako. Sensya na"
Ngumiti lang ako ng pahapyaw at humarap na. I guess kailangan kong pumunta don ng mag-isa. Pero paano naman?! Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop nakatira ang itang yon!
At ito ako ngayon. Nasa harap ng school,tulala. Pinagmamasdan ko ang mga jeep. Ano bang sasakyan.ko?
"Batangas? Yan kaya?"
Bakit ba kasi ang desidido kong pumunta sa kanya?!I hate this feeling.
Then I saw a jeep coming,may signage na 'San Jose'. Bigla akong nagbrain blast! Dati narinig kong nag-usap sina Towi na mag oovernight kina Victor at sa may San Jose daw yun. So siguro don sya nakatira. Tama! I'm so talino talaga!
Pinara ko yung jeep. Buti tumigil agad,akala ko kailangan ko pang pakitaan ng legs eh. Jokesssss!
Nakasakay na ako and was about to sit on the boundary ng may biglang humila sa likod ko palabas!
"OH SHHHHHHHH*****T!!"
Napapikit ako. SH*T! Patay na ba ako?Nasa langit na ba ako?
Yung tibok ng puso ko nakikipaghabulan sa hininga ko.
Unti-unti kong iminulat mata ko. Ghad!Nakalutang ako!!!!Isa na akong anghel!
Paano na ang pamilya ko? Marami pa akong pangarap sa buhay!Bata pa ako pero agad na akong kinuha. Huhu.
But I looked around me. Nakita ko yung mga pasahero ng jeep nakatingin sakin. Nakakakita sila ng anghel?!
I look to my right. . . . . And there is the devil carrying me!
"ALLEN!!!!? DEMONYO KA. ANONG PROBLEMA MO? "
Hindi nya ako sinagot sa halip nagpigil ng tawa. May sa abnormal din tong lalaking to!
Binubusinahan na kami ng mga drivers. Ang galing kasing gumawa ng iskandalo nitong demon na to.
"Pwede ba ibaba mo na ako dahil nakakahiya!"
Ibinaba nya nga ako. Inilagay ko lahat ng buhok ko sa mukha ko,nakakahiya talaga!Paano nalang kung may kakilala ako tapos nakita yung nangyare?Patay nanaman ako nito.
"Nasiraan ka na ba ng bait? Gusto mo na bang sumama sa mga mangyan dian?"
Hay nako,di ba nya makuha yung point na dahil sa ginawa nya untikan na ako matuluyang maging anghel!?
Inayos ko sarili ko at hinarap ang demonyo.
"Oy Allen! Kung gusto mo mamatay,please lang wag mo ako idamay ha! Ano ba problema mo?"
Tumingin sya sakin at ito nanaman nagpipigil ng tawa.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
Tinaasan ko sya ng kilay pero tuloy padin sya sa pagtawa. Ano ba?!!
"Sumagot ka nga!"
"HAHAHA! Wait! Wait! HAHAHA. Eh kasi. ."
"Eh kasi ano?!!"
"Eh kasi bakit ka sasakay sa San Jose?Alam mo bang kabilang dako pa yan ng pupuntahan mo?HAHA. Nakakatawa ka talaga."
Alam nya ang pupuntahan ko? Magpapasalamat ba ako sa mokong na to kahit halos mapatay nya na ako?
"Hay nako,halika nga!"
Pumara sya ng jeep,sumakay kami. Saan kaya punta namin?
BINABASA MO ANG
TL ako sayo!
RomanceNot all you wished will be given to you. Sometimes, better comes. Dedicated to coffee and milk ^__^ MHEME!