** Hidden
"Okay class, next week we will have an outreach program in Brgy. Mayamot. I will need all your cooperation.", Maam Carly said.
Stress nanaman to for sure. Kakagulo nanaman section namin! Asikasuhin nanaman tapos in the end wala kang mapapala. Bahala na nga yung president namin, susunod nalang ako sa ipapagawa nila.
"I will assign leaders for the program, food and gifts. Remember class, we are doing this to make them happy so we should give our full effort. Okay?"
"Okay Maam.", sabay sabay naming sabi with a bored voice.
"For the food preparation, I will choose . . . . . . Seanne."
Nashock si Seanne pati nadin kami! Nagpalakpakan pa tong mga kumag kong classmates. Nanalong Ms. Universe? Duhh. First time ata na napili siya as leader. Pero sabagay tama lang na siya ang piliin kasi expert siya sa pagkain. Balita ko pa nga, culinary daw kukunin nyang course.
"Maam! Bakit naman po ako? Ano naman pong gusto kong gawin?", angal niya. May pagtayo pa ngang nalalaman maipakita lang ang bungga nyang pagtutol.
"Gusto mo ba talagang malaman ang dahilan Ms. Mares?", udyok ni Maam. Nang-aasar pa nga yung mukha, eh sya din naman mahilig sa pagkain.
Umupo nalang si Seanne at mukmok na mukmok padin. Next naman ay leader para sa program. At inassign ni Maam si Valis. Pero ang nakakapagtaka, tinaggap nya to. He's not that kind of person that will accept such responsibilities like this. Instead, he just nodded! Isa pa, nakakabagabag yung silence nya. Nabaliw na kaya to sa kakaisip sa imaginary crush ko?
"Lastly, ahm. . the gifts. I need wo persons. Madami dami kasing bibilhin for this. I think, you Ms. Vasquez can handle this.", tinuro ako ni Maam.
"Ako po Maam?", ghad! Bakit ako? Ano namang nalalaman ko dian? Hindi nga ako marunong maghiwa ng sibuyas tapos ako pa gagawing leader? WHAT IS HAPPENING?!
"Yes Ms. Vasquez. Napansin kong magaling ka tumingin sa quality ng mga items."
"Eh hindi ko po kaya yan. Iba nalang po, baka po pumalpak lang program natin dahil sakin.", pagpapaliwanag ko kay Maam. Baka nga di pa magustuhan ng mga bibigyan namin pipiliin ko. Tsaka 200 persons ang involve dun, di ko keri yun te!
"Maybe Mr. Gomez could help you?"
"Si Allen po?", napatingin ako kay Allen na hindi din makapaniwala sa sinabi ni Maam. Nakakahalata na ako ha, ang pinipili ni Maam ay yung mga hindi masyadong nagpaparticipate. Please Allen, wag mo tanggapin para stress free na tayo!
"Sige po Maam! Exciting yun diba Anne?", he winked at me. Napaoo nalang ako.Pfft!
"Good! So leaders talk to each other. Kayo ang aasahan ko sa success ng program natin. ", Maam Carly smiled at us so brightly na sumabog na yung puti ng ngipin nya sa classroom.
At that very moment, nagkatinginan kaming apat. Hindi ko alam pero there is some kind of awkwardness samin. Bakit naman? Siguro ako lang nakakaramdam nun kaya wag nanatin pakaisipin.
Tiningnan ko si Valis. Nakadungaw lang yung tingin nya sa window. Pinapatay nanaman nya ako sa katahimikan nya eh!
"So Valis, anong plano natin? " ,tanong ko sa kanya para naman hindi sya ganito katahimik.
Pero snob lang ako! Hindi man lang sya nabother tumingin sakin. Tumayo ako para tingnan kung ano ba yung dinudungaw nya. Pagkasilip ko, ang nakita ko lang ay manukan sa tabi ng school namin.
BINABASA MO ANG
TL ako sayo!
RomanceNot all you wished will be given to you. Sometimes, better comes. Dedicated to coffee and milk ^__^ MHEME!