Part 5 Opposites Attract

31 0 0
                                    

#Anne's POV

"Hindi pwede. Bawal Anne. Magpigil sa pagnanasa."

I'm on my way home. Patay ako kay Mama. Ginabi nanaman ako. Nagsimula lang naman syang maghigpit nung umuwi ako ng late dahil I was lost in the park nga

Oh am here. Getting ready sa mura. Cross fingers!

Dahan dahan ko binuksan yung door para ma avoid yung ingay.

*Enggggk.

Pagsilip ko,tahimik. Walang bukas na tv or fan. Yung pc lang ang bukas at parang may nagluluto ng caldereta. Amoy ko eh.

So pumasok ako. Dire diretso sa kwarto.

"Buti nalang walang nakakita sakin. Magtutulug-tulugan nalang ako. "

Nagbihis muna ako ng mabilis.

Biglang may humawak sa doorknob. Unti unting pumipihit. Tuloy damba ako sa kama. Pikit-pikitan ( ̄o ̄)z Z

May pumasok. Si Mama ata to. Palakad lakad sya sa room. Bat ba ang tagal nyang umalis?! Ang kati kati na ng likod ko!

Then suddenly. Umupo sya sa tabi ko. Diko alam ginagawa nya. Naramdaman ko nalang yung hand nya na humahaplos sa pisngi ko.

Naiiyak na ako. Ginagawa pala yun ng mama ko pag natutulog ako.

*SLAP! o(≧口≦)o

Araaay! What the! Nagitla ako. Napabangon tuloy ako. And guess who?

Si KUYA!! Langya talaga to!

"Kuya naman eh! "

"Ang bulok mo talaga. Magtutulug-tulugan ka na nga lang halata pa."

"Wag ka nga maingay! Marinig ka pa ni Mama."

"Wala si Mama. Halika na,kumain ka na. Batugan!"

Ay grabe talaga to. Iisa isa ko na ngang kapatid ganto pa. Abnoy!

Pero mamimiss ko sya. Aalis na kasi sya papuntang Italy kasama si Papa. Pagkatapos nya ako naman. Hinihintay lang talaga ako makagraduate.

"Oh!"

Inilapag nya ang kaning parang kula at yung caldereta.

"Sino nagluto nito?"

Tanong ko. Para kasing kinuha kung saan.

"Ako! Bakit? Apprentice ata ako ni Chef Logro."

"Ayoko."

"Anong ayaw mo? Kumain ka na.Sayang adobo ko."

Mali ba pagkakarinig ko? ADOBO. As in yung nilalagyan ng toyo at medyo maitim ang sabaw? Eh CALDERETA tong nasa harapan ko eh!

"Lalasunin mo ba talaga ako? Anong klaseng adobo to! Ayoko kainin yan baka mag LBM pa ako."

Then sinubuan nya ako. Diko magalaw sa bibig ko yung pagkain.

"Nguyain mo!"

Pilit sakin ni Kuya. Umiling ako. Ayoko ngaaaa!

"Ngunguyain mo o isusumbong kita ke Mama?"

Ay shemay! Kahit ayaw ko unti unti kong ninguya..

Habang nadudurog ang mga pagkain, naglalasa syang masarap. Actually,lasang adobo sya!

Di na tuloy ako nakaangal. Ang saaarap!Burpp:0

After that nag ayos ako ng gamit. Nawawala yung papel!Yung papel kung san nakalista yung mga gusto ko sa lalaki.

Nabitter ako:(( Lahat kasi yun nakita ko sa isang lalaki. Yung lalaking 1 year akong niloko. Kaya ngayon ipinangako ko na papaltan ko na ang title non. "ANG PINAKAAYAW KO SA MGA LALAKI." At never kong gugustuhin ang lalaki merong katangian non! ISINUSUMPA KO!

# Victor's POV

HAHAHAHAHAHA. PWAHAHAHAHAHA! :DD

Binabasa ko tong listahan ni Anne ng mga gusto nya sa lalaki. Nakakautas!

Ito yung mga nakalista:

1. Dapat maputi para yung magiging anak namin maputi.

2. Super sweet siyempre! Nag a Iloveyou everyday.

3. May buhok sa kilikili!

4. Macho at may abs!

5.Mabango ang paa:'))

6. Tahimik lang pero masarap kausap.

7. Hinding hindi ka iiwan.

8. Gagastusan ako! Wahaha:')

9. Susunod sa mga gusto ko. Never akong aawayin.

10. Lastly, dapat sya yung lalaking wala na akong hahanapin pa.

"Eto talagang si Anne. Ang hirap ng mga gusto nya sa lalaki ha.Pero kaya ko to! Kahit halos lahat kabaliktaran ko."

Tulong! Oo kailangan ko ng tulong. At ang tanging pumasok sa utak ko ay si Seanne.

Tss. Di pa nga pala kami bati. How?Pero siguro naman ayos na kami pag nalaman nyang okay na kami ni Anne.

Gonna call her.

**Kriiiiing!

"Hello?Sino to?"

Sh*t! Sino to? Binura nya no. ko sa phone nya. Napaka!

"Si Victor to."

"Aaah. Haha! Nagpalit kasi ako ng phone kaya di nakasave yung mga nos."

Hindi na sya galit sakin? Diko na talaga maintindihan ang babaeng to. Pero ayos na to kesa galit sya.

"Hihingi sana ako ng tulong. Sayo ko lang to sasabihin ha. I really like Anne. Help me naman please! Gusto ko mafall sya sakin at alam ko na kung paano."

"Alam mo na pala eh bat ka pa hihingi ng tulong?"

"Siraaa! Mahirap to pero kayang kaya! Gusto ko PUMUTI:)"

For some seconds tumahimik si Seanne. Ganon ba ako kaitim? Yae na. Yung iba nga diang hunk nagpapatan pa. Ako NATURAL!

"Hindi ko ata kaya yan. Wala ka nang pag-asa! Kahit anong kiskis mo dian, masyado nang madikit libag mo."

"Seanne naman eh! Please. Gusto nya kasi ng maputi. Minsan lang ako gagawa ng ganto para sa isang babae. Suporta naman diyan"

Nagbuntong hininga sya. Rinig ko. Ganon ba kahirap hinihingi ko?Sobra naman kayo.

"Okaay fine. Alam ko na dapat gawin! Trust me."

*end

Pag natapos ko ang sampung yun, For sure magiging kami na ni Anne:')) Konting tiyaga lang to. Mapapasakin din sya! Wahaha:D

TL ako sayo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon