Chapter 17

1.3K 41 8
                                    

(Vic's POV)

“Babe ako na diyan, baka mapagod ka!” dali-dali 'kong kinuha ang mga bolang hawak ni Mika. Kakatapos lang kasi ng training kaya ito, inaayos namin ang mga kalat sa gym.

“Vic ano ba, ang gaan-gaan naman ng mga 'to oh, kaya ko na 'to."

“Pero ba-“

“Hep! Kaya ko na nga 'to. Sila Cienne na lang 'yong tulungan mo.” Wala na kong magawa kundi sundin ang babe ko.

“Hay, Ara, under ka pala eh!” biglang sulpot naman ni Ate Kim.

“Heh! Nagsalita ang hindi.”

“Bakit, hindi naman talaga ah?” sagot niya.

“Talaga?”

“Talagang talaga. Sus, ako kaya lagi nasusunod sa amin ni Cienne. Lagi nga akong nilalambing at sinusuyo niyan eh. Wala eh, 'di niya matiis na magkaaway kami.” hindi namin alam na matagal nang nililigawan ni Ate Kim si Cienne. Simula pa lang daw nung try outs namin, pinopormahan na niya si Cienne. Ayun, swerte niya dahil gusto rin siya ni Cienne, kaya sinagot na agad siya.

“Ganon ba? Matanong nga kung totoo... Cienne!!! Under ka raw-“ bigla na lang tinakpan ni Ate Kim ang bibig ko kaya hindi ko na natapos ang sasabihin ko.

“Joke lang! 'To naman 'di na mabiro.” kahit kailan talaga 'to.

“Under ka lang eh!”

“Oo na ako na ang under. Pero maiba naman, kamusta na ang panliligaw mo kay Mika?” tanong niya. Isang linggo na ang nakalipas simula nung umamin ako kay Mika. Sobrang saya ko rin ng mga oras na 'yon dahil pinayagan niya 'kong ligawan ko siya.

“Ayun, okay naman. Mas nagiging clingy nga kami sa isa’t isa eh. Oh siya, puntahan ko na ang babe ko.” 

(Mika’s POV)

Pag-uwi namin ng dorn ay agad naman kaming dumiretso sa taas para maligo at mag-ayos. Tapos na ang 1week vacation namin kaya eto balik dorm na kami.

“Babe magshower ka na. Ang baho mo na eh.” sabi ni Vic.

“Anong sabi mo? Baka gusto mong basted ka na agad agad?”

“Hala, babe wala namang ganyanan. Binibiro lang naman kita eh, at tsaka kahit isang linggo ka pa hindi maligo, mabango ka pa rin.”

“Hay nako, Vic! Tantanan mo 'ko diyan sa mga pangbobola mo. Waepek 'yan sa 'kin.” sagot ko. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap mula sa likod.

“Babe seryoso ako. Ang bango bango mo nga eh.” ang sabi niya at bigla niyang inamoy amoy ang leeg ko. Hay, ito talagang mokong na 'to.

“Ano ba Vic, chansing ka lang eh! Tsaka tigilian mo nga 'yan, nakikiliti ako eh!” binitawan naman niya ako at pinaharap sakanya. Bigla naman niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi.

“Ang cute cute talaga ng babe ko kapag naiinis! Sige na babe, maligo ka na at ihahanda ko na ang dinner natin.” Hinalikan muna niya ako sa noo bago lumabas ng kwarto.

Todo ngiti naman ako pag-alis niya. Grabe talaga 'yon si Vic kung magpakilig. Pakiramdam ko sasabog na 'tong puso ko. Araw-araw walang palya, napaka sweet at caring niya sa 'kin. Lagi siya ang nagaayos ng mga gamit ko, pagpasok at pagtraining. Lagi rin niya 'kong pinagluluto ng breakfast at dinner. Plus lagi pa niya 'kong hinahatid at sinusundo sa klase ko.  Yun nga lang, mas dumami pa ang haters ko dito sa campus, lalo na yung mga nagkakagusto kay Vic. Mahirap lang daw ako, baduy at pangit, baka nga raw ginayuma ko lang si Vic eh. Pero lagi naman nandyan si Vic para pagaanin ang loob ko. Lagi niyang sinasabi na 'wag ko na lang daw pansinin. Mga inggit lang daw 'yon kasi hindi sila ang mahal ni Vic, kundi ako.

Pagkatapos ko maligo ay bumaba na 'ko at naabutan sila Vic at Ate Kim na nagtatalo.

“Ano ba Ate Kim, iluwa mo yan sabi eh!” sabi ni Vic sabay hampas sa likod ni Ate Kim.

“Aray! Ara mabibilaukan na 'ko eh, ano ba!"

“Iluwa mo yan sabi eh!"

“Oy, ano bang nangyayari dito?” pagsingit ko sa kanila.

“Hay sa wakas Mika, dumating ka rin.” sabi ni Cienne.

“Ito kasi si Ara, pinagluto ka. Eh, 'to naman si Kim bilang baboy, ay bigla bigla na lang tinikman 'yung niluto ni Ara para sa'yo, kaya ayan, kulang na lang ay mapatay ni Ara si Kim. Nasira daw kasi ang pinaghirapan niya para sa'yo.” sabi ni Camille

“Tsaka ayaw din kaming pakainin ni Ara dahil hihintayin ka raw namin bago tayo kumain.” singit naman ni Carol. Hay, kahit kailan talaga 'tong si Ara.

“Oh siya, Vic, tama na yan. Halika na dito nang makakain na tayo.”
nakabusangot namang pumunta si Vic sa tabi ko at masama pa rin ang tingin kay Ate Kim.

“Sorry na kasi Ara. Hindi ko naman alam eh, tsaka ang dami kaya niyan, 'di naman mauubos 'yan ni Yeye eh, 'di ba Ye?” pukaw sakin ni Ate Kim.

“Oo nga naman, Vic. Tsaka 'wag ka magdamot.”

“Hindi naman yun ang punto ko, gusto ko ikaw yung unang makatikim ng luto ko, kasi pinaghirapan ko 'yan para sa'yo.” sabay pout ni Vic. Hay grabe ang cute cute niya talaga.

Nagsmile na lang ako at sinimulang tikman ang mga niluto ni Vic at in fairness ah, sobrang sarap, as in heaven. Grabe, parang sa lahat ng bagay magaling si Vic. Dagdag pogi points na ang pagiging magaling niya magluto.

“Ano babe kamusta?” tanong niya.

“Okay lang.”

“Anong okay lang?"

“Okay lang, lasang pagkain.” sagot ko at doon na nagsimulang magtawanan ng malakas ang mga kasama namin.

“Anong tinatawa tawa niyo diyan, ha?” sigaw ni Vic, kaya ayon pigil na pigil na tuloy ang pagtawa nila.

“Okay lang yan Vic, at least lasang pagkain yung niluto mo, 'di ba?” pangaasar ni Cienne. Hay nako, ginagalit talaga nila si Vic.

Nakita ko naman sa mukha ni Vic na napipikon na siya at akmang tatayo na, pero pinigilan ko siya.

“Oh, sa'n ka pupunta?” tanong ko.

“Matutulog na.” sagot niya.

“Huh? Ang aga-aga pa ah? Tsaka 'di mo nga nagalaw 'yang pagkain mo eh."

“'Wag na, mukha namang 'di masarap.”

“Sinong nagsabing hindi masarap?”

“Ikaw!”

“Wala akong sinasabing hindi masarap ah. Ang sinabi ko, lasang pagkain.”

“Ganon na rin 'yon.”

“Magkaiba 'yon Vic. Kapag sinabi kong lasang pagkain, ibig sabihin non, sobrang sarap.” bigla namang nagliwanag ang mukha ni Vic.

“Talaga? Nagustuhan mo?” nakita ko naman na unti-unti na siyang ngumingiti.

“Oo naman! Sobra!” lumapit ako sakanya sabay halik sa pisngi.

“Thank you.” at ang loko, ayun, gulat na gulat. 'Di na nga makakilos sa ginawa ko eh. Natawa na lang ako dahil ang cute talaga ng babe ko, este ni Vic. Pinaulanan na naman kami ng mga asaran ng mga kasama namin at nagpatuloy na sa pagkain.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi readers!! Namiss ko kayo huhu sorry kung medyo natagalan yung update ko. Naging busy lang kasi talaga ako ng sobra pero promise babawi ako sainyo! :-)

Wag na kayo masad sa pagkatalo nila. La Salle will bounce back. Sila pa rin ang maguuwi ng korona.
#TiwaLasalle

Comments and Votes are highly appreciated!

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon