Chapter 8

882 26 2
                                    

(Mika’s POV)

'Di ko alam kung anong mararamdaman ko. Magagalit, mahihiya o kikiligin. Paano ba naman ako 'di kikiligin, eh pinagtanggol lang naman ako ni Vic. 'Di pa rin ako makapaniwala sa ginawa niya. Tignan mo nga naman, 'di man lang ako hinayaan magpasalamat at umalis na kaagad. Baka siguro may importante pang gagawin.

Nagpunta na ako sa susunod kong klase. Madami na rin akong nakilala. Well, yung iba masungit, pero yung iba naman palakaibigan.

“Hi!” bati ng katabi kong singkit, maputi, at hanggang balikat ang buhok.

“Hello!” sagot ko naman sabay ngiti sa kanya.

“Ako nga pala si Cienne. Bago ka lang ba dito?" tanong niya.

“Ako naman si Mika. Ah, oo. Kaya nga wala pa kong masyadong kakilala dito eh.”

“Okay ka lang ba? Nakita ko kasi yung nangyari kanina sa canteen.” sabi niya habang mukhang concerned.

“Oo okay lang ako. Kalimutan na natin yon." ang sagot ko naman sabay tawa.

“Nako! Napakayabang talaga nung Kristin na yon, porket mayaman pamilya niya. Wag ka magalala, makakaganti ka rin dun.”

“Hayaan mo na." nagugustuhan ko na 'tong Cienna na 'to ah.

“Buti na lang at dumating si Ara,  ang iyong knight in shining armor! Ayieee!” pangasar niya sakin sabay siko sa tagiliran ko. Natawa naman ako sa sinabi niya, knight in shining armor talaga? Well, mukhang totoo naman eh.

“Oo nga pala, ba't Ara ang tawag niyo sakanya at hindi Vic?” tanong ko. Bakit nga ba? 'Di ko nga rin pala ang buong pangalan ng asungot na yun.

“Hindi ko rin alam eh, basta sabi niya Ara daw ang itawag namin sa kanya at 'wag Vic.”

“Ah ganun ba.. okay.” nakakapagtaka ah. Ako never ko pa siyang tinawag na Ara at never naman niya akong pinagbawalan na tawagin siyang Vic. 'Di ko nga alam kung ba't naging 'Vic' at 'Ara' ang tawag sa kanya eh. Baka 'Victoria' talaga totoong pangalan niya? 

"Paano nga pala kayo nagkakilala ni Ara?" tanong niya, halatang curious.

Hala? 'Di ko alam kung sasabihin ko ba yung totoo o hindi. Mukhang sikat na sikat kasi dito si Vic, baka kung ano pang issue ang kumalat at magalit nanaman sa akin. Kaya sa sobrang taranta ko,  kung ano-ano na lang ang nasabi ko. "Ay, nagkasabay kasi kami kanina papunta dito. 'Di ko kasi alam kung saan sasakay at siya lang ang nakita ko, kaya nagtanong ako sa kanya." sagot ko.

"Talaga? Buti na lang pinansin ka niya. Minsan kasi snob yun sa mga new students dito. Swerte mo ah!" tuwang-tuwa niyang sinabi. Abot pala hanggang dito ang kasungitan nung mokong na yun?

Hay sa wakas. Pagkatapos ng ilang oras ay tapos na lahat ng klase ko. Bumaba na ako at hinintay si Manong driver sa parking lot.

Pagkapasok ko ng kotse ay ayun, nakaupo na si Vic. Buong biyahe pauwi ay walang nagsasalita sa amin hanggang sa bahay. Pagkatigil ng sasakyan ay nauna na agad siyang bumaba sakin. Anong problema nun? Hay. Pero paano ba ko magpapasalamat sa kanya? Ang hirap naman neto oh.

Umakyat na ko at habang nasa cr si Vic ay nagiisip na ako kung paano ako magth-thank you... Ah alam ko na! Bumaba na 'ko at sinimulan ang plano ko.

(Vic’s POV)

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit ko siya pinagtanggol kanina. Ano bang nangyayari sakin? Ugh! Nako, Vic umayos ka! Kaya mo lang naman ginawa yon kasi.. kasi naiirita ka? 'Di ka makakain kasi istorbo sila, hindi sa dahil concern ka sakanya.
Hay mababaliw na ko.

'Di ko namalayan na ang tagal ko na pala sa cr, kaya naman lumabas na ako at bumaba para maghapunan.

Naabutan ko naman si Mika na kumakain na. Aba, at sarap na sarap pa ata siya. Wow, 'di man lang ako hinintay? Hiyang hiya naman ako wala eh bahay nya to eh. Pagkaupo ko naman ay siyang tayo ni Mika at umakyat na. Tapos na siya? Ang bilis naman. Grabe, gutom na gutom siguro yun. Well, hindi kasi siya nakakain ng maayos kanina  dahil nga sa nangyari sakanila ni Tin.

Pagkatingin ko naman sa dining table ay agad akong napangiti. Pinagluto niya kasi ako ng hapunan at naglagay ng post it saying “THANK YOU”. Pwede namang simpleng sabi lang ng 'thank you' eh, pero nageffort pa talaga siya.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon