Chapter 19

749 25 9
                                        

(Mika's POV)

"Sino ba 'yung Jeron na 'yon?" tanong ko kina Carol. Kasalakuyan kaming kumakain dito sa dorm. Dumami na kasi ang tao sa cafeteria kaya dito na lang kami kumakain.

"Si Jeron? Jeron Teng? Well, siya lang naman ang captain ng basketball team. " sagot niya. "Kilala ding player. Player ng mga babae." dagdag pa nito.

"At ang matinding karibal ni Ara." sagot ni Kim. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko, si Jeron ay matinding karibal ni Ara"ulit niya.

"Karibal? Saan naman?"

"Inagaw lang naman ni Jeron ang ex-girlfriend ni Ara."

"ANO?! May ex si Ara? At inagaw ni Jeron?"halos mabulunan na 'ko sa nalaman ko. Si Ara may ex? Wala naman kasi siyang nababanggit sa akin.

"Oo at oo ulit."

"Sino naman 'yon?" tanong ni Cienne.

"Shiela. Shiela Pineda." Shiela? Kapangalan pa ng katulong nila Vic? Tingan mo nga naman.

"Kailan pa? "tanong ko.

"Matagal na. Simula nung dumating si Ara dito. Sumikat ka agad siya dahil sa kanyang kagwapuhan at syempre sa napakagandang ugali niya. Sa pagkakaalam ko magkaklase sila. At doon na nagsimula ang lahat."

"Sila ang pinakasikat na couple sa campus. Lahat boto sakanila. Halos magtrending nga sila tuwing monthsary nila kasi kakaiba ang mga pakulo ni Vic." pagpapatuloy ni Ate Kim.

"Paano naman pumasok si Jeron sa storya?"

"Naging busy si Ara. Dahil isa ang kumpanya ng mga Galang sa pinakamayaman at kilalang business sa Pilipinas at sinasanay na rin si Ara ng mga magulang niya sa business nila. Dahil don naging busy si Ara, isama mo pa na ang daming niyang ginagawang paperworks dito sa school kaya ayon, nawalan siya ng oras kay Shiela"

"So nasan si Jeron don?"

"Atat lang? Ikaw na nga nag papakwento eh." inis na sagot ni Carol.

"Sorry naman, oh game na."

"So ayun nga, nawalan siya ng oras kay Shiela pero bumabawi naman si Ara. Kumakalat ang balitang may iba daw si Shiela pero 'di naman naniniwala si Ara dahil malaki ang tiwala nito sakanya. Pero napapansin na din ni Ara na parang napapalayo ang loob sa kanya ni Shiela. Isang araw may naglagay ng pictures sa locker ni Ara."

"Anong nakalagay sa pictures?"

"Naghahalikan si Jeron at Shiela."

"ANO?! Nagawa 'yon ni Shiela?"sabay naming sigaw ng kambal.

"Oo, kaya nung nalaman 'yon ni Ara ay halos mapatay na niya si Jeron sa kakasuntok dito. At ang malala pa ay mas kinampihan ni Shiela si Jeron"

"That bitch!" singhal ni Cienne.

"Yes, bitch nga!"pagsangayon ni Kim kay Cienne.

"Eh nasan na si Shiela?"

"Sa pagkakaalam ko, nasa ibang bansa na. 'Di niya kinaya ang sobrang pagkahiya kaya ayon, nagtago "

"Kaya simula non nagbago na si Ara. Palaging mainitin ang ulo kaya madalas mapaaway. Hindi na rin siya masyadong pala aral. Ibang iba ang ugali niya ngayon kesa noon. Sobra siyang naapektuhan sa nangyari."sabi ni Ate Kim.

"Pero nang dahil sa 'yo Mika, unti-unti na ring bumabalik ang Ara na kilala namin."nasasaktan ako sa nangyari kay Ara. Kaya pala ganon na lamang ang pagtrato niya sakin noong una kaming magkita. Masakit maloko ng taong mahal mo lalong lalo na kapag binigay mo na sakanya ang lahat. Pero 'wag ka magalala Ara ipapakita ko kay Shiela kung ano ang sinayang niya.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon