(Mika’s POV)
Nagising ako nang may nakatutok na ilaw sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at ang araw pala yung maliwanag. Hay! Ang sarap ng tulog ko. Nakita ko naman na wala na si Vic. Nakakapagtaka, eh una naman ako lagi nagigising sakanya.
Bumangon na ako at nagstrech nang maramdaman kong may nakadikit sa noo ko. Kinuha ko yung papel at tiningan. It was a green post it saying "LATE KA NA!" Vic, ano na naman bang pakulo mo. Ako late? Saan naman?
Tiningnan ko ang orasan sa phone ko at nakita kong 11am na, tsaka ko narealize na first day of classes na pala namin. HALA? Dali-dali naman na akong tumayo at naligo.
Bumaba na ko at hinanap si Vic, pero di ko sya makita.
“Ate Shiela, nasan po si Vic?” tanong ko sa katulong.
“Ah Ma’am, kanina pa po umalis” sagot niya habang naglilinis.
“Huh?! 'Di man lang niya ko hinintay. Ugh! Sige, ate alis na din ako.” Sabay takbo palabas ng bahay.
Paano na to? 'Di ko alam papunta sa DLSU, eh magco-commute lang ako. Nakakainis na talaga yung asungot na yun! Bahala na kung saan ako mapadpad.
Makalipas ang ilang oras nakarating na din ako sa DLSU.
“Wooooh! Thank you Lord at nakarating din ako!” sigaw ko.Natatawa naman sakin si Kuya Guard kaya nilapitan ko siya. “Good morning Kuya!” bati ko.
“Good morning din po, Ma’am.” sagot niya sabay ngiti.
“Ah, Kuya alam nyo po ba kung saan ang principal’s office?” tanong ko.
“Ah, Ma’am sa third floor po. “ sagot niya.
"Sige, thank you Kuya!!" sabi ko at nginitian siya.
“Sige Ma’am, bilisan niyo na po. Baka malate na po kayo.”
Dali-dali na din akong pumunta ng third floor at nakuha ko na ang schedule ko. Nakarating na ko sa first class ko at tignan mo nga naman! Kaklase ko pa si asungot! Aba at iniwasan pa niya ko ng tingin, 'di man lang ako binati. Ganyanan pala ah! Bahala siya sa buhay nya.
After 1 hour ay nagbell na. Hay, sa wakas lunch na. Papunta na sana ako dun sa isang table nang biglang may bumangga sakin.
“OH MY GOSH! BULAG KA BA? UGH! EW!” bulalas nung babae na natapunan ng sarili niyang juice.
“Ay sorry miss! 'Di kita nakita. Sorry talaga!” teka ba't ba ako nagssorry, eh siya naman bumangga?! Pero bilang anghel, ako na lang ang magpapakumbaba. Nilabas ko yung panyo ko at triny punasan yung juice sa damit niya.
“Sa susunod kasi tingnan mo yang dinadaanan mo? Di mo ba ko kilala? Sa tingin mo malilinis mo yung damit ko? Ang mahal mahal nito!” sabay tulak sakin.
Bwisit 'tong babaeng to ah. “Ah, sorry po bago lang ako dito.”
“Kaya ka naman pala tatanga tanga eh!” sabay tulak ulit sakin.
'Di ko na alam ang gagawin ko kaya napayuko na lang ako. Napansin ko na pinagtitinginan na kami ng ibang estudyante sa canteen. Ganito ba talaga ang first day dito?
(Vic's POV)
Nakita ko ang nangyari kay Mika pero dumeretso pa rin ako papuntang table namin.
Sobrang tahimik sa canteen dahil sa nangyari. Halos lahat ng tao ay nagiintay sa sunod na mangyayari.
Naupo na 'ko sa table namin at tinignan kung anong gagawin ni Mika. Ang hina hina talaga ng babaeng yun. Hinintay ko ang gagawin ni Kristin, dahil alam kong hindi siya magpapatalo."Ano? Magsalita ka!" ang sabi ni Tin, sabay tulak kay Mika. 'Di ko na napigilan ang sarili ko kaya pinuntahan ko na sila.
“What are you doing?” ang sabi ko sabay hawak sa braso ni Mika.
“Ah.. Ara k-kasi.. ano.. ah..” sagot naman niya habang ninenerbyos.
“What?” sagot ko naman. Napalingon sakin si Mika nung 'Ara' ang tinawag sa akin ni Tin.
“K-kasi.. nabangga niya ako eh, tapos natapunan ako nung juice. Nabasa tuloy yung damit ko." sagot ni Tin habang kinakalikot yung damit niya at 'di makatingin sa akin.
“'Wag mo na gagawin sa kanya ulit yun, naiintindihan mo?"
“Pero Ara--”
“Pwede ba Tin! Hindi mo pagmamay-ari 'tong school na 'to, kaya 'wag kang umarte ng ganyan!" ang sabi ko. Buti na lang at alam kong may gusto sakin 'tong si Tin kaya naman kayang-kaya ko siya i-intimidate.
“Yes, Ara.” sagot niya sabay ngiti ng may halong pagkahiya. Tama yan, matuto kang mahiya.
“Sa susunod na awayin mo si Mika, ako na makakaharap mo." inirapan ko siya at hinila si Mika palabas ng canteen. 'Di ko namalayan na hawak ko na pala ang kamay niya, kaya binitawan ko na siya at iniwan.
BINABASA MO ANG
Never Let You Go
FanfictionPaano kung yung taong nagpapatibok ng iyong puso ay taliwas sa iyong mga prinsipyo? Paano kung yung taong kinaiinisan mo ay siyang dahilan ng iyong kasiyahan? Paano kung mismong mga mahal mo sa buhay at maging hadlang sa inyong pagmamahalan? Magkai...