Chapter 13

1K 22 2
                                    

(Mika's POV)

After classes ay pinatawag kami ni Coach dahil may important announcement daw siya. Habang hinihintay namin si Coach ay ito, tadtad na naman kami ng asar ni Vic galing sa mga kaibigan namin.

“Hoy, Ara! Maka yakap ka naman kay Mika wagas! 'Di naman mawawala yan eh.” sabi ni Ate Kim.

“Ikaw Ara ha! Nang cha-chansing ka na naman." sabi naman ni Carol.

“Okay lang 'yan guys. Gusto naman ng babe ko eh, 'di ba?” hirit ni Vic sabay lingon sa 'kin. Nako, napakaharot na naman nito kaya binatukan ko siya at tinawanan.

"Aray naman Mika!” angal niya at sa wakas binitawan na rin ako.

“Oh, ladies tama na 'yan at makinig muna kayo sa 'kin." biglang sabi ni Coach. 'Di man lang namin namalayan na nandiyan na pala siya.

“Good morning, Coach.” sabay sabay naming bati.

“So ladies, magkakaroon muna kayo ng 1 week vacation.”

“Talaga coach?” tanong ni Ate Kim.

“Yes, dahil may importante akong pupuntahan at 1 week 'yun. So, for my absence, I’m giving it to you guys as a rest week or vacation week. Dahil alam kong napagod kayo sa mga kakatapos nating laban so I think kailangan niyo magpahinga.” sabi ni Coach.

Sabay-sabay naman kaming naghiyawan ng mga teammates ko. "Yes! Thank you Coach!"

“Kailangan talaga sabay-sabay? Don't forget, may classes pa rin kayo. Training lang ang nawala. Oh sige na, umuwi na kayo and have fun.”

Sakto pala at Friday ngayon. Excited na 'ko umuwi at makikita ko na ulit sila Mama.

Agad ko namang diniall si Mama bago umalis.

“Hello?” sagot ni Mama.

“Ma! Miss na miss ko na po kayo!”

“Kami rin anak, miss na miss ka na namin. Kamusta dyan? Mababait ba sila? Nakakakain ka ba ng maayos?"

“Opo, Ma. Nag-eenjoy po ako dito. Oo nga pala Ma, binigyan kami ng 1 week rest sa training. Aalis kasi si Coach eh. Kaya Ma, uuwi muna ako ngayon.” sabi ko.

“Talaga anak? Kaso lang delikado bumyahe ngayon, lalo na't mag-isa ka lang. May bagyo pa naman dito, baka mapaano ka pa habang papunta dito.” paliwanag niya.

“Pero Ma.. gustong-gusto ko na po kayo makita at makasama.”

“Ako rin naman anak, kaso nga lang delikado. Mas mabuting ipagpaliban na muna natin ang pagpunta mo dito at magenjoy ka na lang muna dyan sa manila kasama si Vic.”

“Pero Ma-”

“Sige na anak, susubukan namin ng tatay mo na bisitahin ka dyan, 'wag ka magalala. I love you anak!” paalam niya. Hay, parang ayaw pa 'kong makita ni Mama, pero sige iintindihin ko na lang.

“I love you too, Ma. Ingat kayo dyan.” binaba ko na ang phone ko at nakaramdam ako ng lungkot.

“Mika, okay ka lang ba?” tanong ni Vic.

“Ah.. oo. Sige, ayusin ko lang 'tong mga gamit ko." sagot ko habang nakayuko at inaayos ang gamit ko.

“Hey, what’s wrong?” inipit naman niya ang mukha ko sa dalawa niyang kamay.

“Kasi.. 'di ako makakuwi ngayon eh. Miss na miss ko na sila Mama.”

Nagulat naman ako nang bigla niya akong yakapin. “Don’t worry, mag-stay ka na lang muna sa house para na rin may kasama ako, just like the old times.” napatawa naman ako sa sinabi niya at nag-oo na lang.

Umuwi na kami sa bahay ni Vic, pero hindi na kami share ng room. Maayos na kasi sa guest room, kaya dito na ako. 'Di ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot, kasi syempre mamimiss ko yung bangayan namin ni Vic.

Nag-aayos na 'ko ng gamit nang biglang may kumatok. Binuksan ko na 'to at bumungad naman ang mukha ni Vic.

“Oh, ano kailangan mo?” tanong ko.

“Swimming tayo?”

“Huh? Ayoko nakakatamad.”

“Sige na, please. 'Di ba sabi ni Coach, i-enjoy daw natin 'tong bakasayon natin, kaya sige na! Please?”

“Ayoko nga. Tsaka iitim pa ko noh.”

“Sus, ikaw iitim sa puti mong 'yan? Paano pa 'ko, uling na? Sige na, please!” aba, at nagpout pa ang bruha! Pero ang cute niya pa rin.

“Oo na! Magbibihis lang ako.” sabi ko.

“Yes! Gusto mo babe tulungan na kita?”

“VICTONARA!” 'di ko na siya nakurot dahil kumaripas na ng takbo yung asungot. Hay, ang harot talaga niya.

(Vic’s POV)

Buti napapayag ko si Mika. Alam ko kasi na malungkot siya, since 'di siya makakauwi kaya naman papasayahin ko siya.

Nagpunta na 'ko sa pool at hinintay na lang siya. Nagpaorder na rin ako ng food since alam ko gutom na siya.

Nakita ko na papunta na pala siya. Grabe, ang hot talaga niya with her matching bikini.

“Uy, Vic. Vic!” 'di ko namalayan na nakatitig pala ako sa kanya. Ang hot kasi talaga niya eh.

“Vic naman eh, kanina pa kita kinakausap, 'di mo naman ako pinapansin.” ang sabi niya sabay pout. Hay, ang cute talaga niya.

Binack hug ko naman siya. “Sorry babe, natulala lang talaga ako sa'yo, ang ganda mo kasi eh. Ano ba yung sinasabi mo kanina?”

“Hay nako, nangbola ka pa! Ang sabi ko, ba't ang dami nating pagkain, eh tayong dalawa lang naman ang kakain?" tanong niya.

“Eh alam ko kasi na gutom na gutom ka, kaya ayan pinadamihan ko na." sagot ko sabay turo sa mga pagkain.

“Vic naman eh, pinapataba mo 'ko.”

“'Wag ka magalala babe, kahit naman sobrang taba mo na, mamahalin pa rin kita. 'Di ako magsasawa.”

“Ano ba 'yang pinagsasabi mo Vic?  Kung makaasta ka parang tayo ah?”

“Soon babe, soon.” sagot ko.

Nagswimming lang kami ni Mika buong araw. Ramdam ko naman ang saya niya dahil ibang iba ang itsura niya pagkatapos niya kausapin ang Mama niya, sa itsura niya ngayong kasama niya 'ko. Natuwa naman ako dahil napasaya ko rin siya kahit papano. Lumalalim na ang gabi at nandito pa rin kami sa pool. Tinitingnan lang ni Mika ang mga bituin habang ako ay nakatingin lang sa kanya. 'Di ko mapigilan ang sarili ko dahil sobrang nakakatempt yung lips niya. Habang magkatabi kami ay unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha ni Mika pero hindi naman siya lumalayo.

Malapit na sana kaming magkiss nang biglang nakarinig ako ng tawa. Agad naman akong lumayo at nakita ko si Mama na kakarating lang at nakangiti sa amin. Bigla namang umahon si Mika na namumula ang mga pisngi at tumakbo sa loob ng bahay.

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon