Chapter 10

924 19 2
                                        

(Vic’s POV)

Nasaan na ba si Mika? Ang tagal naman nun. Baka kung ano na  nangyari dun. Ba't mo kasi iniwan Vic? Lagot ako kay Mama kapag may nangyaring masama sa 'kanya. Ugh. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil ang bilin ni mama, sabay kami lagi uuwi. Paano ba naman kasi, sobrang tagal niya at wala na naman tao sa school, so baka nauna na sakin yun. Patay ako kay mama nito eh. Dapat pala hinanap ko siya ng mabuti bago kami umalis, o dapat hinanap ko siya bago ako mag-shower.

Di ako mapakali kaya naman dali-dali na 'kong nag-ayos para hanapin si Mika nang biglang nakita ko siya sa labas ng gate at ayun, kasama si Kiefer. Kaya pala late umuwi eh, kasama manliligaw niya.

Nang papasok na siya ay dinalian ko naman bumalik sa kwarto. Hindi pwede makita niya ko dito, assumera pa naman yung babaeng yun, baka kung ano pa isipin kaya pagpasok ko ng kwarto ay nagkunwari na lang akong tulog.

(Mika’s POV)

Aftee 1 week ay nandito na ang pinakahihintay namin. Ang results kung sino ang mga nakapasa sa varsity team ng school sa volleyball. Hinihintay na lang namin yung announcement, at ayan na yung results. Ayun! Pasado ako! Pero teka, pasado din si Vic. Speaking of Vic, nagiging mas masungit na siya this passed few days mula nung na-late na ko umuwi at madalas na nagpapahatid kay Kiefer.

“Mika! Omg! Pasado tayo! Sobrang saya ko lang, grabe!” sigaw ni Cienne habang winawagwag ang braso ko.

“Oo ako rin! Grabe, 'di ko in-expect 'to!” sabi ko sakanya habang ginagaya ko siya.

“At dahil dyan, manlilibre ako!” singit ni Camille.

“Talaga kambal? Himala!” sagot ni Cienna.

“Oo. Ayaw mo? 'Di 'wag!”

“Syempre, gusto! Tara na nga, baka magbago pa isip mo eh.” nakakatuwa talaga 'tong kambal na 'to. 'Di talaga magpapatalo sa isa't isa eh.

Pagdating namin sa canteen, ang una kong napansin ay maraming tao. Ano meron? May artista ba? Madami naman talagang tao dito, pero parang ngayon mas madami kaysa sa normal.

Kumakain na kaming tatlo nang biglang may lumapit sa amin.

“Ah.. mga magagandang dilag, pwede ba kami maki-share ng table sa inyo? Wala na kasi kaming maupuan eh.” bati ng isang babaeng naka boy-cut, white t-shirt , jeans at low cut na sapatos habang nakangiti sa amin.

“Kung okay lang naman sa inyo?” bati naman ng isa pang babae na may short hair, naka black t-shirt, black jeans at vans.

“Ah.  oo naman!” sagot ni Camille at aba, nagb-blush ang bruha.

Nginitian ko na lang sila nang mapansin kong may isa pa silang kasama at nagulat naman ako sa kung sino. Sino pa nga ba, eh di si Vic.

“Salamat ah! Ako nga pala si Kim.” sabi nung babaeng naka boy-cut.

“Ako naman si Carol, and I’m sure kilala nyo 'tong isang 'to." sabi naman nung babaeng may short hair sabay akbay kay Vic.

“Hello Kim! Hi Carol! Hello Ara!” bati ng kambal. Grabe, sikat talaga si Vic. Kilalang-kilala siya dito, pero di pa rin talaga ako sanay na Ara ang tawag nila sa kanya.

Masayang nagkwentuhan ang kambal, si Kim at Carol, pero kami ni Vic.. wala. Nganga. Tahimik lang kami habang kumakain. Bakit kaya 'di nya ko pinapansin?

After namin kumain ay pinatawag na ang mga rookies na pasok sa varsity team at syempre kami yon. Dumating na kami sa gym at ang saya-saya naman ng kambal na nakapasok din sila Kim.

“Hello, rookies. Congratulations dahil kayo ang napili naming dumagdag sa ating team na lady spikers. We’ve seen potentials in you and we’re expecting great performance mula sa inyo. Make sure na hindi lang kayo naglalaro para manalo, pero mahalin niyo rin ang ginagawa niyo." ang sabi ni Coach Ramil na naka green t-shirt, white shorts at rubber shoes. Parang may pinanghuhugutan talaga 'to ah, at mukhang magaling din.

“Magsisimula na ang training natin bukas. Everyday yun kaya naman magkakadorm na rin kayo. Si Aby na ang bahala sa room assignments nyo.” ang sabi niya sabay turo sa katabi niyang babae na may white clips sa short hair, naka jersery, shorts at rubber shoes.

Wow, may dorm na rin kami! 'Di na 'ko mahihirapan dahil 'di na 'ko uuwi sa bahay nila Vic at 'di ko na rin iintindihin yung pabago-bago niyang ugali.

“Hi, ladies! I’m your team captain, and you can call me Ate Aby. So, ito na ang mga magkaka-roommate. Kim at Cienne, Carol at Camille..” hala? Sino kayo ka-roommate ko?

“And.. Mika at Ara.” ano raw?! Roommate ko si Vic?!

“ANO?!” sabay naming bulalas ni Vic.

“Yes, Mika and Ara? Ba't parang gulat na gulat kayo? Ayaw niyo ba? Well, sorry na lang. Ito na kasi ang binigay ni Coach, so kailangan nating sundin." sabi ni Ate Aby sabay ngiti sa amin.

“Yes, Ate Aby.” sagot namin.

“Oh, sige na. Ayusin niyo na yung mga gamit niyo at simula bukas, dito na kayo titira.”

Never Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon